Chapter 41

388 26 5
                                        

#HRIITLYRetroversion

A/N: This is a flashback, revealing what really happened back then. Nasa third person point of view ito, and sorry if may mga mali akong magagawa. Hindi po ako sanay magsulat ng naka third pov sooo hehe ayun. This was like the continuation of the past chapter's flashback. Sorry for the grammatical errors and misspelled words. Thank you, enjoy reading!

-

"Ariel!" tawag ni Ogie sa kaibigan niya.

Lumingon naman ito sa kanya at napangiti. Dala dala nito ang malaking eroplanong papel na gawa nila mula sa pinagtagpi-tagping mga dyaryo na nakuha ni Ariel sa bayan nung namalengke sila ng mayordoma niyang nanay. At dahil sa naging malapit silang kaibigan, minsan ay tumatakas si Ogie sa kanilang bahay para makipaglaro sa labas kasama si Ariel.

"Natapos ko na," nakangiting tugon ng batang Ariel.

Maselang kinuha ni Ogie ang eroplanong papel, na para bang isang piga lang nito ay mababasag na ang bagay na iyon, at kanyang pinagmasdan. Magaling gumawa ng mga bagay bagay si Ariel, magaling din siya sa numero at katunaya'y tinuturuan niya si Ogie sa kanyang matematika. Kahit na hindi nakapag-aral si Ariel ay may natututunan ito sa mga libro ng kanyang Ate. Masayang-masaya si Ogie sa nakitang eroplano.

"This is awesome! How did you make this one?" pa-ingles na wika ng batang Ogie.

"Madali lang namang gawin yan e." tugon naman ng isa. "Gusto mo turuan kita tapos sabay tayong magpalipad?" pag-aaya nito.

"Oo naman, I would love to!" magiliw na sagot ni Ogie. 

Inutusan naman ni Ariel na kunin ni Ogie ang mga dyaryo na nasa bodega at simulang pagtagpi-tagpiin ito. Agad na tumakbo si Ogie para kumuha ng mga kinakailangan niya. Pagbalik niya ay isang maliit na batya na punong-puno ng dyaryo ang kanyang bitbit. Marahang tumawa si Ariel dahil parang wala talagang kaalam-alam si Ogie sa mga ganito kasimpleng bagay. Sabagay, ganun naman talaga siguro pag buhay mayaman, sa isip-isip ni Ariel.

Sa oras na iyon, nagsimula na silang gumawa ng kanilang eroplanong papel. Kumuha ng dagta si Ariel galing sa mga dahon upang gawing pandikit. Naunang magtagpi si Ariel at tinuruan si Ogie kung pano, at nang natuto na ito ay agad kumilos si Ogie para gumawa na rin ng sariling eroplano. Sabay nilang pinipikot ang kada pulgada ng papel na kanilang hawak-hawak. Sa kanilang dalawa, kahit na si Ogie ang medyo nakakatanda ay parang umaaktong Kuya si Ariel. Siya ang mas madiskarte. Siya ang mas may alam.

"O ayan, tapos na. Patingin din nung gawa mo," sabi ni Ariel kay Ogie. Itinaas ni Ogie ang eroplanong gawa niya. Mapagmataas niyang iprinisenta ang gawa niya sa kanyang kaibigan. "Hindi naman masyadong panget para sa isang perst-taymer." 

"Perst-taymer? It's first timer, Ariel." tawang tawa siya sa sinabi ni Ariel. "I should teach you English in exchange of you teaching me Math. Or, all subjects na rin siguro para naman sabay na tayong mag-aral. I'm quite advanced than you though..."

"Magkasinggrade lang kayo ng ate ko kaya walang kaso sa'kin yun. Madali naman akong matuto e." nakangiting saad nito. "Magpalipad na kaya tayo ng eroplano?" aya ni Ariel. 

[ITNOL #2] How Right It Is To Love You? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon