#HRIITLYRatherLeaveWhileInLove
A/N: And just like that, we're now down to our last chapter. Sorry for the grammatical errors and misspelled words. Thank you, enjoy reading!
-
Regine's Point of View
"She's okay. She's going to be okay." tahan sa'kin ng isang matandang babae at ngayon ko lang napagtantong may bata pala akong katabi.
Sino ba sila?
"Ano na namang kahibangan ang ginawa mo, Hector? Ano? Pumanig ka na naman sa mga Alcasid na walang ginawa kundi ang traydurin ka ng paulit ulit? Nandamay ka pa ng inosenteng pamilya? Nababaliw ka na! Buti nalang at may bukal na kalooban si Cielito para isalba ang pamilya nila. Kailangan mo nang itigil ang lahat ng ito!" singhal ng isang babae sa kanyang...asawa?
Nasan ba ako?
Bakit...andaming mga tanong sa utak ko?
"Sino po kayo?" tanging naibulalas ko.
"Ako si-"
"Sandali." Pinutol ng matandang babae ang sasabihin sana ng isa pang babae. Hindi ko sila kilala, pasensya na? Tumitig siya sa'kin at hinawak-hawakan ang ulo kong may benda. Napaaray naman ako dahil tumama ito sa mahapding parte ng ulo ko. Pinisil-pisil niya ang iilang parte nito. "Tama nga ang hinala ko."
"B-bakit po?" nangangatog na sabi ng tiyahin niya.
"Hija, anong pangalan mo?" sinimulan niya ito sa isang tanong.
"Ako po si..."
Hala. Bakit wala akong maalala? Nasaan ang memorya ko? Bakit blangko ang lahat ng nasa utak ko? Hindi ko mawari kung sino ako...anong nangyayari!? Bakit...bakit wala...
"Ale...sino po ako?" halos mangiyak-ngiyak kong sambit. Wala talaga, kahit anong pilit ko walang lumalabas sa utak ko.
"Permanent memory loss," sinabi niya ito nang may aksyento. "Malakas ang pagkakabagok ng ulo niya sa semento. Sa kadahilanang bata pa siya ay marupok pa ang mga bungo nito kaya't madaling niyang nakuha ang kondisyon ito. Diba't ang sabi niyo ay dinakip ang batang ito? Wala tayong alam sa kung anong nangyari sa loob ng pinangyarihan ng pangingidnap, baka iyon rin ay nagpalabis ng kanyang memory capacity. This is a psychological manner but maybe, in this way, she could prevent herself from rememebring that traumatic experience. 8 years old pa lang siya, at sa kuda niyang lumaban, mabigat na iyon para sa isang batang katulad niya."
Hindi ko pa rin siya naiintindihan.
"Kung iniisip niyo na gagawin niyo ang lahat para lang manumbalik ang alaala niya, wag niyo nang balaking gawin ito. Pouring her the hideous truths can bring her to great danger at baka bumigay ang buong sistema nito. Hindi biro ang pinagdaanan niyang presyon. Mahirap at masakit para sa isang bata ang maunawaan ang lahat ng nangyari sa kanya. Maybe sa ngayon malabo pang maalala niya ang lahat, just keep her away from things that can trigger her memory dahil baka magbreakdown ang bata." mahaba nitong tugon. "It's better to keep it this way...let her start a new life."
BINABASA MO ANG
[ITNOL #2] How Right It Is To Love You? (COMPLETED)
Romance"Tell me Regine, ano bang kinakatakutan mo? Ang mawala siya sa'yo, o ang malaman mong hanggang saan magiging tama ang mali niyong pagmamahalan?" Dra. Regine Velasquez-Alcasid's journey has been tough-pains had been paid off-obtained acceptance and a...