CHAPTER 1

9.8K 338 57
                                    

THREE YEARS LATER...

[ARABELLA]

PAPASOK na sana si Arabella sa kaniyang opisina nang biglang may lumapit sa kaniyang babae na isa sa mga housekeeper ng kaniyang department which is the housekeeping department.

“Good morning, Ma’am.” Nakangiti at magalang nitong bati sa kaniya.

“Good morning, Mildred. May problema ba?”

“Inutusan po kasi ako ng general manager na sabihin sa inyong dumating na ang mahalagang bisita ng ating Hotel, ma’am.”

“What?! bakit ang aga naman? akala ko ba’y mamayang hapon pa darating iyon?” Sunud-sunod niyang tanong

The woman in front of her smiled awkwardly. Ano nga ba namang kinalaman ng babaeng ito sa biglaang pagbabago sa schedule ng kung sino mang ponsiyo pilatong bisita ng Hotel.

Bumuntong-hininga siya. “Maayos na ba ang presidential suite na tutuluyan niya?” Tanong niya.

“Yes, Ma’am. Kumikintab na po sa sobrang linis kaya magandang ambience ang sasalubong sa ating bisita.” Taas-noong tugon ni Mildred sa kaniya.

“Good. Go back to your work. Sasamahan ko lang si GM Mendoza sa pagsalubong sa importanteng tao na iyon.” Wika ng dalaga at saka inayos ang sarili.

“Yes, Ma’am.” Tinalikuran na siya ng babae.

Huminga ng malalim si Arabella. She is the manager of the housekeeping department kaya marapat lang na isa rin siya sa mga sasalubong sa special guest nila sa Rocks Hotel na pinagtatrabahuan niya.

“Good morning, Ma’am.” Bati sa kaniya ng mga taong nakakasalubong niya na kaagad naman niyang tinutugon.

Pumasok siya sa Elevator at habang pababa ng ground floor ay iniisip naman niya kung sino bang mahalagang tao ang kailangan nilang i-welcome. Bakit kaya aligagang-aligaga ang kanilang general manager sa pagsalubong sa naturang tao?

The sound of the elevator broke her reverie and the lobby area welcomed her. She took a deep breath and start walking out of the elevator pero natigil siya nang matanaw niya mula sa entrance ang mga security personnel na pinapalibutan ang tao sa gitna ng lobby kasama na roon ang kanilang general manager.

The man looks very familiar to her.

“Mr. Cervantes, ako na po ang personal na maghahatid sa inyo sa tutuluyan ninyo which is the presidential suite.” Magalang sa wika ni GM Mendoza.

Tinanguan lang din siya ng lalaking nakasuot pa ng itim na salamin sa mata. His aura is very intimidating kaya naiintindihan niya kung bakit ganito kumilos ang general manager.

“Excuse me, Miss.”

“H-ha?” Parang tangang napatitig si Arabella sa nagsalitang security. “A-ano ‘yon?”

“What’s happening to you, Manager?” Boses ni GM Mendoza.

Doon lamang napagtanto ni Arabella na nasa harapan na pala niya silang lahat at hindi makadaan ang mga ito dahil nakaharang siya sa daraanan nila.

“I-I’m sorry, Sir. I’m really — ”

“Stupid woman.” Malamig ang boses na sambit ng lalaking nasa gitna. “Sigurado ka bang mabibigyan ninyo ako ng maayos at magandang serbisyo rito, Mendoza?” Baling nito sa GM na mas ikina-aligaga ng huli pero sinikap pa ring ngumiti.

“Rocks Hotel is surely not as class as five star hotels but, please, rest assured that we will serve you the best that we can, Mr. Cervantes.” Paniniyak ng GM sa bisita ng Hotel.

Loving The CEO ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon