CHAPTER 13

5.2K 184 20
                                    

[SEBASTIAN]

"Anong balita, Garry?" Tanong ni Sebastian makaraan ang ilang araw na naging abala ang kaniyang tauhan. "May napala ka naman ba sa pagiging busy mo ng ilang araw?"

"Yes, Sir. At sigurado akong ikakabagsak ng mga Macaraig ang nalaman ko." Nakangising wika ni Garry saka inilapag sa harapan ni Sebastian ang ilang larawan. "Sa kabilang Isla 'yan, Sir. Ang Islang lihim na pag-aari ni Ernesto Macaraig."

Nagsasalubong ang makakapal na kilay ng binata habang pinupulot ang mga larawan.

"Sino ang matandang lalaki na 'to?" Turo ni Sebastian sa ka-shakehands ni Ernesto sa top deck ng isang ship.

Kilala na niya si Ernesto sa pamamagitan ng pagpapakita ni Arabella sa kaniya ng larawan ng matanda na nasa pahina ng isang diyaryo.

Sa larawan na hawak niya ngayon ay kasalukuyang nakikipagkamay si Ernesto sa isa pang matanda habang napapalibutan ng mga kalalakihang puros nakaitim.

"Iyan si Mr. Dimitri Ching, Sir. Isang Tsinoy na ngayon ay dito na sa bansa natin nakabase." imporma ng tauhan.

"At ano ang ginagawa nila ngayon sa Islang 'yan?"

"Ang islang 'yan ang may bukod-tanging itim na buhangin sa lahat ng mga isla dito sa norte, Sir. At may nangyayaring black sand mining ngayon sa isla na 'yan without any permission from the state. In short, It was an illegal black sand mining."

Tumaas ang sulok ng labi ni Sebastian sa narinig. Finally, nakitaan na rin ng butas ang matandang Macaraig.

"At partners ang dalawang matandang 'to sa pagsasagawa ng illegal na pagmimina ng itim na buhangin, Tama?" Tanong ni Sebastian na tinanguan lang ni Garry bilang tugon. "That motherfucker!"

"Gusto mo bang ilantad natin ang nalaman natin, Sir?"

"Yes, pero hindi pa sa ngayon, Garry. Kapag nasa loob ng rehas si Ernesto ay mahihirapan na tayong alamin ang naging parte niya sa nangyari sa pamilya ko."

"Naiintindihan ko, Sir. Anong susunod nating plano ngayon kung gano'n?"

"Kumusta ang bihag natin sa rest house sa Maynila, Garry?" Tukoy ng binata sa tauhan ni Ernesto na bihag nila sa ngayon.

"Hindi siya pinapabayaan ng mga tauhan natin do'n, Sir."

"Utusan mo si Fernan na pigain na ang taong 'yon para malaman natin kung ano pang mga baho ang itinatago ni Ernesto. Kailangan nating magmadali bago maramdaman ng matanda ang presensiya natin, Garry. Wala akong tiwala sa pagiging tuso niya."

"Kayang-kaya natin ang mga Macaraig kung sakali, Sir - "

"Alam ko, Garry. Pero alalahanin mong nasa Isla tayo kung saan maraming mga tao. Kapag nagkaroon ng banggaan sa pagitan natin at ng kampo ng mga Macaraig, Sigurado akong maraming inosente ang madadamay at iyon ang gusto kong iwasan natin hanggat maaari." ani Sebastian na sinabayan pa ng isang malalim na buntong-hininga.

"Hindi natin alam kung hanggang kailan natin kayang iwasan ang isang bloody encounter, Sir, but despite of that, please know that all of our men is ready. Go signal mo lang ang kailangan, Sir."

"I know."

"Isa pa nga pala, Sir," Wika ni Garry na sinabayan ng kaniyang pagtayo. "Tumawag kanina si Miss Ravales at nagsabing birthday ngayong araw na ito ni Santiago kaya may malaking party na magaganap mamayang gabi."

Nagdilim ang mukha ni Sebastian. Siguradong si Arabella ang hihilain ni Santiago bilang partner niya. Oh, Damn that son of a bitch!

"May iba pa bang sinabi?"

Loving The CEO ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon