[ARABELLA]
Ang umapak sa isang cashmere carpet ay sadyang napakasarap sa pakiramdam lalo na’t inangkat pa ito mula sa bansang New Zealand kaya talaga namang napakalambot nito na para bang nakaapak ka lang sa mga ulap.
“What are you doing?”
“Ay baklang kabayo!” Gulat na bulalas ni Arabella kasabay nang paglingon niya sa biglang nagsalita mula sa kaniyang likuran. “Mr. Cervantes, gising na po pala kayo. Magandang umaga po.”
But the man standing in front of her just smirked.
“Gusto mo na bang kumain, sir? ipaghahanda kita ng makakain kung gusto mo.”
“I want my coffee now. Timplahan mo na ako.” Utos niya saka naupo sa single sofa at nagpande-kuwatro pa.
“Black coffee, Sir?”
“P’wede mo naman akong gawan ng blue coffee kung kaya mo.” Pabalang na sagot ng lalaki.
Napakagat sa kaniyang pang-ibabang labi ang dalaga dahil sa panggigigil niya sa asungot na lalaki.
“Kung hindi ka lang VIP guest nitong hotel, kanina pa kita binuhusan ng kumukulong tubig. Buwisit ka.” She muttered.
“Saying something, Miss Ravales?”
“Yes, sir,” She forced a smile. “ang sabi ko po ay black coffee lang ang kaya kong timplahin.”
“Then hurry up and make me one now.”
Tumango ang dalaga saka dali-daling nagtungo ng kitchen room para ipagtimpla ang kamahalan ng kaniyang blue este black coffee.
“Arayy!” Hiyaw ng dalaga at halos mamilipit na sa sakit nang aksidenteng tumama ang kaniyang lulod sa gilid ng maliit na lamesa. “Lord, naman. Bakit naman ngayon pa kung kailan inaapura ako ng pesteng lalaking iyon?” Maluha-luha na siya habang marahan niyang hinihimas ang kaniyang lulod para agapan ang kirot na nararamdaman.
“Where’s my fucking coffee?!” Sigaw ng kaniyang kamahalan mula sa living room ng Presidential suite.
“Nariyan na, Sir!” Balik-sigaw niya at dinoble na rin ang kaniyang bilis sa pagtitimpla at nang matapos ay iika-ika na siyang naglakad pabalik sa lalaki. “Heto na po, Sir.” Napangiwi pa siya ng bahagya nang yumuko siya ng kaunti upang ilapag ang tasa ng kape sa tea table ni Sebastian.
“Stupid woman. Napakakupad kumilos.” Sambit ni Sebastian bago humigop sa kaniyang kape.
Pigil na pigil naman ng dalaga ang namumuong inis sa kaniyang sistema dahil iniisip niya ang kaniyang trabaho. Tiyak kasing masisisante siya kung papatulan niya ang asungot sa harapan niya.
“Ano pang tinatayu-tayo mo riyan?” Masungit na untag ni Sebastian sa kaniya. “You have no plan in cleaning this goddamn room, Miss Ravales?”
“Cleaning this goddamn room is not a part of my job description as your personal butler, Mr. Cervantes.” Iritable niyang tugon. “Huwag kayong mag-alala dahil mayamaya lang ay nandito na ang itinalagang maglilinis nitong buong suite, Sir.” Dagdag pa ng dalaga.
“But I told you not to let any unwanted people to enter this suite, Didn’t I?” Sarkastikong tanong ni Sebastian.
Ngumiti siya ng peke. “Yes, sir, pero hindi malilinisan ang tinutuluyan mo na ‘to, sir, kung hindi mo papapasukin ang housekeeper, sir, kaya, sir, kahit siya man lang ay hayaan mong makapasok dito kasi, sir, hindi ka naman po niya lalapain, sir.” Mahaba niyang litanya na punung-puno ng sarkasmo.
Humalakhak si Sebastian saka tumayo at humakbang ng isa palapit sa dalaga habang nakapasok ang kaniyang dalawang kamay sa bulsa ng suot niyang pantalon.
BINABASA MO ANG
Loving The CEO ✔
Storie d'amoreSPG | MATURE CONTENT | R-18 Five years ago, for her to provide for her brother's needs as well as her educational needs since she was still in college, she made a deal with a man. An agreement she never thought to make. Pumirma siya sa isang kasundu...