[SEBASTIAN]
AFTER their hot steamy sex last night, Heto na sila ngayon at magkasama sa bahay ng mga magulang ni Sebastian na ni minsan ay hindi niya naging tahanan dahil hindi naman siya rito lumaki at nagka-isip.
Bahay na kung tingnan ng mga tao ay isang mansion na may malakas at matibay na pundasyon.
“Sir Ram!” Nasisiyahang bulalas ni Arabella nang makitang lumabas mula sa isang silid si Ramon na agad namang ngumiti nang makita siya. “Magandang umaga sa ‘yo.” Bati ni Arabella rito.
“Good morning to you, too, Miss Beautiful.” He greeted back with a playful wink.
Hindi iyon nakaligtas sa mga mata ni Sebastian so he possessively wrapped his arms around Arabella's back then stared at his friend with daggers.
“Do that again and you will never ever see light again.” nagbabantang aniya.
“What? Ano na naman bang ginawa ko?” pigil ang tawang tanong ni Ramon.
“Tumigil nga kayong dalawa.” awat ni Arabella sa magkaibigan. “Anong balita, Sir Ram?”
“Huwag mo na nga akong sini-Sir diyan, Arabella. Hindi ka na nagtatrabaho kay Sebastian kaya magkaibigan — ”
“Hindi makikipag-kaibigan sa kahit na sinong lalaki si Arabella.” Sebastian cut him off. “So back off, Ram.”
Ramon laughed mockingly. “You sounds like a jealous boyfriend, Sebastian.”
“Oh, talaga?” He asked tauntingly. “Gusto mong sapakin kita, Ramon?”
“Alam niyo? Mas peaceful ang buhay ko sa bahay ko kaya mabuti pang bumalik nalang ako do’n dahil hindi — ”
*Bang! Bang! Bang!*
Mabilis na hinila ni Sebastian padapa si Arabella dahil sa sunud-sunod na putok na ‘yon ng baril mula sa labas ng bahay.
Si Ramon man ay naging mabilis din ang kilos at nabunot kaagad ang baril sa ilalim ng sofa at agad gumanti ng putok sa hindi pa nakikitang kalaban.
“Sir, pumasok na kayo sa silid at kami na ang bahala rito.” ani Garry kay Sebastian na may hawak na riffle.
“Damn! Give me a gun!” Malakas na tonong utos ni Sebastian sa tauhan na agad namang tumalima at initsa ang isang pistol na nakasukbit sa baywang niya sa kaniya. “Arabella, gumapang ka papasok sa silid na ‘yon.” utos niya sa dalaga na nababalot na ng takot ang mukha. “Bilis!”
“O-okay ..”
*Bang! Bang!*
Ilang palitan pa ng putok ang nangyari sa pagitan nila Ram, Garry at ng mga taong nasa labas. Hindi naman makabuwelo ng tayo si Sebastian dahil baka tamaan siya kaya pagapang siyang lumapit sa dalawa.
“Ilan sila?” Tanong ni Sebastian.
“About three to five men, Sir.” Garry replied.
“Kaya natin ‘yan.” kumpiyansang wika ni Sebastian at nagsimula ng nakipagpalitan ng putok sa mga kalaban. “Motherfucker!”
*Bang! Bang! Bang!*
Hindi siya makakuha ng tamang puwesto kaya kahit gusto niyang may matamaan siya sa mga kalaban ay hindi niya nagawa hanggang sa humarurot na ang mga ito paalis.
Mabilis namang tumakbo palabas sina Garry at Ramon para habulin pa ang mga iyon.
“Damn! Damn! Damn!” Pagmumura niya habang tumatakbo palabas ng bahay at ng gate. “Wala man lang tayong tinamaan isa man sa mga animal na ‘yon!” nanggagalaiti niyang hiyaw.
BINABASA MO ANG
Loving The CEO ✔
RomanceSPG | MATURE CONTENT | R-18 Five years ago, for her to provide for her brother's needs as well as her educational needs since she was still in college, she made a deal with a man. An agreement she never thought to make. Pumirma siya sa isang kasundu...