[SEBASTIAN]
PAGDATING nila ni Ramon sa venue ng party ay agad sumalubong sa kanila ang nakakasilaw na flash ng mga cameras ng mga nagkalat na paparazzi sa lugar. Mabuti nalang at maagap ang mga security personnel na itinalaga ni Ramon para protektahan siya. Naharang kaagad ng mga ito ang mga makukulit na paparazzi kaya maayos ang naging entrada niya.
“This way, sir.” Giya ng secretary ni Miss Berman kina Sebastian at Ramon papunta sa mismong venue. “Hinihintay na po kayo ni Miss Berman.”
“Sana hindi ito maging disaster, sir.” Bulong ni Ram sa kaniya. “Knowing Miss Berman, para siyang may dugong linta kapag kayo ang magkasama.”
Sebastian chuckled. “I can manage, Ram. Sanay na ako sa mga babaeng katulad ni Melissa.” aniya.
“Nasa likod mo lang ako.” Bulong na naman ni Ram sa kaniya na ikinatango nalang niya.
“Good evening, ladies and gentlemen! I am happy to announce that the man of the night is now here.” Napatingin si Sebastian sa maliit na stage nang may magsalita mula roon na lalaki. “Let us all welcome, the Founder, Chairman and the CEO of a multinational IT company; the title holder of the world’s new youngest billionaire, the almighty Mr. Sebastian Cervantes!” Masiglang anunsyo ng lalaki.
Kasabay ng masigabong palakpakan at hiyawan ng mga tao ay ang biglaang pagdilim ng buong paligid at tanging sa event host at kay Sebastian nalang nakatuon ang spotlight.
“Welcome, Mr. Cervantes! We are so overwhelmed to have you here tonight. Any message for us, sir?” Untag ng host sa kaniya.
Tumikhim si Sebastian bago humakbang at umakyat sa stage. Kinuha niya ang mikropono sa host at umusal dito ng pasasalamat. Humarap siya sa mga tao and this time, bumalik na ang liwanag ng paligid.
“Good evening, ladies and gentlemen! Thank you for having me here tonight,” walang kangiti-ngiting aniya. “and to Miss Berman who was generous enough to organized this party for me, thank you. I am so overwhelmed. Hindi ko inaasahang aabalahin ninyo ang inyong mga sarili para sa mainit na pagsalubong sa akin dito ngayon. I have no idea of what will going to happen later but why don’t we just enjoy this party and get wasted?” He chuckled. “That’s all, people. Thank you!” Walang sere-seremonyang bumaba ng stage si Sebastian at lumapit sa table kung saan nakita niya si Melissa Berman at mukhang inaantay ang paglapit niya.
“Thank you, Mr. Cervantes.... ”
Hindi na niya pinakinggan ang sinasabi ng event host lalo na nang makalapit siya kay Melissa Berman.
“Hey.” Untag niya sa babae.
“Hello, Handsome!” Kaagad na tumayo mula sa pagkakaupo si Melissa at humalik sa labi ni Sebastian. “I’m glad you came.”
He smirked. “Sino ba naman ako to reject this kind of party?”
“Sabi ko nga.” Humahagikhik na sambit ng babae. “Have a sit, please.”
Nagkibit-balikat si Sebastian bago naupo sa laang upuan para sa kaniya. Nailang pa siya nang sa katabi niyang upuan pumuwesto si Melissa na daig pa ang lintang kaagad ikinawit ang kamay sa braso ng binata.
“How are you, Seb?” Tanong ni Melissa sa kaniya sa malambing na boses. “Isang buwan lang kitang hindi nakita pero feeling ko’y isang taon na.”
Napailing si Sebastian at pasimpleng inalis ang kamay ni Melissa sa kaniyang braso.
“I’m fine. I’m doing great everyday.”
“Well, that’s good to hear. So, ano na namang ipinunta mo rito? business na naman ba?” Patuloy na pang-uusisa ng dalaga.
Mayamaya pa’y may waiter na lumapit at naglapag ng wine sa table nila. Dinampot ni Sebastian ang isang wineglass at mabilis na tinungga ang laman.
BINABASA MO ANG
Loving The CEO ✔
RomanceSPG | MATURE CONTENT | R-18 Five years ago, for her to provide for her brother's needs as well as her educational needs since she was still in college, she made a deal with a man. An agreement she never thought to make. Pumirma siya sa isang kasundu...