CHAPTER 8

5.8K 192 13
                                    

[SEBASTIAN]

PALAKAD-LAKAD siya habang minamasahe ang kaniyang batok. Hindi kasi niya alam kung paano niya sisimulan ang dapat niyang sabihin kay Arabella.

"Ano ba talagang gusto mo, Sebastian?" Tanong sa kaniya ni Arabella sa magaspang na tinig. "Ano ba talagang pakay mo sa'kin? Do you need a bed warmer again? Do you want me to sign another contract-"

"Nope! You are more than just a bed warmer, Arabella." Aniya na sinadyang putulin ang iba pang sasabihin ng dalaga. "And if you sign a contract, that's probably our marriage contract."

Nakita niyang namula si Arabella sa kaniyang sinabi at tangkang tutuksuhin niya ito pero pinigil niya ang kaniyang sarili dahil baka mapahiya ang ito.

"I brought you back here and that's because," umayos siya ng pagkakaupo sa sofa. His looks became more serious. "Well, just like what I told you earlier in your house, I badly needed your help right now. I just need a little information from you, Miss Ravales." Sebastian continued.

"Impormasyon na magagamit mo para saan?" Nagtatakang tanong ng dalaga.

"For my family, Arabella."

"Y-your family?" Alanganing ulit nito.

Tumango si Sebastian habang pinagkikiskis ang dalawa niyang palad. "I was born in an island, Arabella." Aniya na ikinagulat ng dalaga. "In Del Fierro island to be exact. Hindi ako roon lumaki at nagkaisip dahil ipinadala ako ng mga magulang ko sa uncle kong nasa Manila at doon na rin ako nakapagtapos ng pag-aaral." Salaysay nito. "Doon ako natuto ng mga bagay-bagay hanggang sa ipamahala na nga sa akin ng Daddy ko ang isang branch ng gawaan ng cement."

Huminga siya ng malalim at muling tinignan sa mata ang dalaga. Nakatuon din ang paningin ni Arabella sa kaniya na kahit naroroon ang pagkagulat sa kaniyang mukha dahil sa mga naririnig niya ay naroon pa rin naman ang konsentrasyon nito sa pakikinig sa kuwento niya.

"Tapos?" Nababagot na untag ng dalaga sa kaniya.

Tumikhim siya bago nagpatuloy, "Lumawak ng lumawak ang kaalaman ko sa mundo ng pagnenegosyo, Arabella. Iyon ang dahilan kung bakit narito ako ngayon kung nasaan ako. Nakamit ko ang tagumpay dahil sa hardwork at dahil sa pag-asam na makakabalik ako sa Isla dahil may maipagmamalaki na ako sa aking ama.

He chuckled before continuing, "My knowledge in the business world has expanded, Arabella. Nagsikap ako para matuto and that's why I'm here where I am standing. I achieved success because of hardwork." Mapait siyang ngumiti. "Hardwork na ipagmamalaki ko sana sa aking ama kapag nakabalik na ako ng isla pero wala na." Bitterness and sadness were visible in his eyes.

Hindi rin malaman ng binata kung bakit napakadali para sa kaniyang ikuwento kay Arabella ang talambuhay niya gayong hindi naman sila close sa isa't isa.

Nagbuga ng hangin ang dalaga. "I don't know what to say or how to comfort you."

"Buong buhay ko, maliban nang ipanganak ako ay hindi na ako muling nakaapak pa sa isla Del Fierro, Arabella." Patuloy niya na parang hindi narinig ang sinabi ng dalaga kanina.

"Bakit? I mean, bakit sa akin mo ikinukuwento ang talambuhay mo? Are we friends?"

Pagak siyang natawa. "Ay teka, nakaapak nga pala ako uli roon sa ikalawang pagkakataon," He continued without answering Arabella's sarcastic question. "para lang pala makipag-reunion sa bangkay ng aking pamilya." Wika nito sa tila nagyeyelong tinig.

Loving The CEO ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon