[ARABELLA]
"Hindi mo dapat ginawa 'yon, Ate. Paano nalang kung napahamak ka dahil sa deal na 'yon?"
Nagbuntong-hininga ang dalaga. Eksaktong tatlong araw na ngayon mula nang lumabas siya sa ospital. Ngayon lang din siya nagkaroon ng lakas ng loob na ipagtapat kay Adrian ang lahat ng pinagdaanan niya at ng mga naging desisyon niya years ago para lamang mabuhay silang magkapatid sa estrangherong lugar.
"Sana sinabi mo nalang sa akin ang totoo para hindi mo pinasok ang kasunduan na 'yon, Ate. Ang hirap kasi sa 'yo, tinatrato mo akong bata."
"Ako ang mas matanda sa ating dalawa, Adrian. Kapit-Patalim kumbaga iyong ginawa kong 'yon dahil hindi ko naman mapapayagan na pagdating ng panahon ay wala tayong marating. Alam mo naman na mahal na mahal kita at gagawin ni ate ang lahat para gumanda ang buhay mo pagdating ng panahon." Mahabang paliwanag ng dalaga. "Hindi rin kita pipiliting unawain ako, Bunso. Ang importante ngayon ay nasabi ko na lahat sa 'yo kaya gumaan na rin ang pakiramdam ko. Wala na akong tinatago ngayon sa 'yo." she smiled. Ngiting matagal ng hindi nanilay sa kaniyang mga labi.
Lumapit sa kaniya si Adrian at niyakap siya ng buong higpit. "Kinikilabutan ako sa nalaman ko, ate, hindi dahil pinandidirihan kita kundi dahil nag-aalala ako. Iniisip ko palang na puwede kang mapahamak sa ginawa mong 'yon, parang mababaliw na ako." usal ng binata.
Yumakap na rin si Arabella sa kaniyang kapatid at marahan itong tinapik-tapik sa kaniyang likod.
"Ayos na. Huwag mo ng intindihin 'yon, okay? Nasa nakaraan na 'yon kaya mamuhay na tayo ng tahimik at masaya sa kasalukuyan at pagtuunan nalang natin ng atensyon ang kinabukasan." nakangiting sabi ng dalaga bago inilayo ng kaunti ang sarili sa kapatid. "At saka sigurado ako na kung nasaan man sina inay at itay ngayon, proud na proud sila sa atin dahil naging matatag tayo kahit wala na sila." she added.
Tumango at ngumiti si Adrian, "Thank you, ate. I owe you big time and in time, masusuklian ko rin lahat ng mga paghihirap mo sa 'kin." He said, "Bibigyan kita ng isang dosenang pamangkin. Pangako 'yan." kikindat-kindat niyang biro.
Natawa si Arabella at pabiro ring hinampas sa braso ang huli, "Payag ako pero kailangan mo munang magkaroon ng diploma sa kolehiyo, magkaroon ng stable job, magkaroon ng sariling bahay, at s'yempre, bago ka gumawa ng isang dosena, pakasalan mo muna 'yong magiging ina nila. Huwag kang bastos ha."
"Yes, ma'am." he chuckled. "Maiba nga tayo kasi lugi ako, e. Close na kayo ni Janelle na girlfriend ko, Paano naman 'yung boyfriend mo?"
She gaped at him, "At kailan mo pa nabalitaang mayro'n akong boyfriend, Adrian Ravales?"
"Simula no'ng araw na ginawa mong shield 'yang sarili mo. Simula no'ng araw na nasa hospital tayo at narinig kitang may binubulong sa panaginip mo. Sabi mo pa nga," lumayo siya kay Arabella at saka pumikit, "Baste..hmm..Baste..Bas-"
"'Oy, sinungaling!" pinaghahampas niya sa braso si Adrian habang tawa naman ng tawa ang huli. "Gumagawa ka na naman ng sarili mong kuwento. 'kakainis ka."
"Hindi, ah. Totoo kaya 'yon." natatawang giit ni Adrian habang sinasalag ang mga hampas ni Arabella sa kaniya. "Itanong mo pa kay Sir Ram."
"Heh!"
"O, sige. Let's play a game, ate. Isang tanong, Isang sagot." he's smiling mischievously while looking at her. "Kapag sasagot ka, kailangan nakatitig ka ng diretso sa mga mata ko para malaman ko kung nagsisinungaling ka o hindi. Maliwanag?"
Umikot ang mga mata ng dalaga, "Bahala ka riyan. Lalabas - "
"Oopss." hinarangan siya ni Adrian nang akma siyang aalis. "Walang ganiyan, ate. Napaka-Kj mo naman, e."
BINABASA MO ANG
Loving The CEO ✔
RomansaSPG | MATURE CONTENT | R-18 Five years ago, for her to provide for her brother's needs as well as her educational needs since she was still in college, she made a deal with a man. An agreement she never thought to make. Pumirma siya sa isang kasundu...