[ARABELLA]
NAKAHALUKIPKIP at magkasalubong ang kaniyang mga kilay habang hinihintay ang anumang sasabihin ni Ramon Henson.
“Miss Ravales, please. Kailangan mo talagang bumalik ngayon sa hotel dahil kakailanganin ngayon ni Mr. Cervantes ang serbisyo mo.” Pangungulit ni Ramon sa kaniya.
Sinadya nga yata talaga siyang puntahan ng binata sa tinitirhan nilang magkapatid para lang pabalikin siya sa hotel kung saan naroon ang asungot na laging sumisira ng araw niya.
“Pasensiya na, sir, pero buo na po kasi ang desisyon ko. Hindi ko na gustong makasama pa si Sebastian dahil hindi ko na kayang tiisin ang presensiya niya lalo na ang pagmumukha niya.” Tugon ni Arabella. “Wala na rin akong pakialam kung sipain ako ni GM Mendoza sa Hotel na ‘yon. Maghahanap nalang ako ng ibang trabaho kung sakali.”
Malalim na nagbuntong-hininga si Ramon. “Miss Ravales, ako na ang humihingi ng paumanhin sa mga kabulastugan ni Sebastian. Bumalik ka lang, please. Wala naman kasi siyang ibang gustong maging butler kundi ikaw lang.”
Humalakhak naman si Arabella. “Kalokohan ‘yan, Sir Ram. Ako lang kasi siguro ang tanging patok sa panlasa niya para inisin araw-araw.” Sarkastikong aniya. “Makakaalis ka na po at sa susunod, sir, huwag ka ng hihingi ng tawad sa tao kung hindi naman ikaw ang nagkasala sa kanila.”
“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi kita naisasama pabalik ng Hotel, Arabella.” Pagmamatigas din ni Ramon.
“Sir, buo na nga ho ang pasiya ko. Hindi na ho talaga ako babalik pa roon. Hindi na ako maninilbihan sa amo mong magaspang ang pag-uugali.”
Bigla namang humalakhak si Ramon. “Naiintindihan ko ‘yang inis mo para kay Sebastian pero please, sa akin ka naman maawa kasi tiyak na kapag hindi kita kasamang bumalik kay Sebastian, ako naman itong malilintikan at mawawalan ng trabaho. Miss Ravales, may pamilya rin akong umaasa pa sa‘kin kaya parang awa mo na, sumama ka na sa akin.” Pagmamakaawa ni Ramon.
“Pero, Sir — ”
“Parang awa mo na, Miss Ravales. Alam mo kung gaano kasungit si Sebastian kaya siguradong mawawalan agad ako ng trabaho kung hindi kita kasama pabalik.”
Bumuntong hininga si Arabella. “Okay, okay. Sasama ako but in three conditions, Sir Ram.”
“What is it, Miss Ravales? tell me. Gagawin ko ang lahat basta maibalik lang kita sa Hotel para hindi rin ako mawalan ng trabaho.”
“Gusto kong si Sebastian mismo ang susundo sa akin dito at gusto kong personal din siyang humingi ng tawad sa mga pambubuwisit niya sa’kin at higit sa lahat, gusto kong magkaroon kami ng panibagong kasunduan ukol sa trabaho ko.”
“Jesus Christ!” Napasapo sa kaniyang noo ang binata. “Miss Ravales, alam mo namang imposibleng mangyari ‘yang mga gusto mo. Hindi natin mapapapunta si Sebastian dito at mas lalong hindi natin siya mapipilit na humingi ng tawad sa‘yo. ‘Yung panghuling kundisyon mo, pup’wede pa siguro.”
“Kung gano’n, hindi mo rin ako maisasama pabalik kaya makakaalis ka na ngayon, Sir Ram. Pasensya na po pero mabuti pang si Sebastian nalang siguro ang suyuin mo para hindi ka niya tanggalin sa trabaho mo.” Ani Arabella na nginitian pa si Ramon.
“Hell no! Hindi ako babalik do’n nang hindi kita kasama, Miss Ravales.” Buong tataga na wika ni Ramon saka inilabas ang cellphone niya mula sa suot niyang denim jeans. “Excuse me, Miss Ravales.” Lumayo pa ito ng kaunti mula sa dalaga.
Lihim namang napangisi si Arabella. Malas nalang ni Sebastian dahil kung mataas ang kaniyang pride ay di hamak namang mas mataas ang pride ng dalaga. Hindi siya madaling suyuin at pinatunayan na niya iyon kay Ramon ngayon lang.
BINABASA MO ANG
Loving The CEO ✔
RomanceSPG | MATURE CONTENT | R-18 Five years ago, for her to provide for her brother's needs as well as her educational needs since she was still in college, she made a deal with a man. An agreement she never thought to make. Pumirma siya sa isang kasundu...
