[SEBASTIAN]
“Where the hell is she?!!” Halos maglabasan na ang mga ugat niya sa leeg dahil sa kakasigaw niya sa mga tauhan niya. “I told you to guard and look after her, didn’t I?!”
“Yes, Sir. Pasensiya na po. Nakabantay naman akong mabuti kay Ma’am Arabella pero hindi ko po malaman kung paano niya ako natakasan.”
“And you still have the guts to make excuses?! Stupid!” He shouted. “Kumilos kayong lahat at gusto kong pagbalik ninyo rito ay kasama na ninyo si Arabella. Maliwanag?!”
“Yes, Sir!” Chorus na tugon ng kaniyang mga tauhan including Garry who's also worried about Arabella’s disappearance.
“Except you, Garry.”
“Yes, Sir. May kailangan din akong sabihin sa inyo, Sir.”
Tumango si Sebastian bago muling binalingan ang mga tauhan niya. “Punyeta! Ano pang ginagawa niyo? Lumakad na kayo!”
Mahaba ang pasensiya niya pero ibang usapan na kung si Arabella na ang sangkot lalo na ngayong alam niyang nanganganib ang buhay nilang lahat.
Pagkaalis ng mga tauhan niya ay nagtungo na silang dalawa ni Garry sa office niya.
“Sir, as of the moment ay minamanmanan na ng dalawa sa tao ko ang hired killer na tumira sa pamilya mo at sa mga magulang ni Miss Ravales.”
“And where the hell is he?”
“Nasa kabilang Isla, Sir. Sa Islang pag-aari ng mga Macaraig.”
He clenched his fists tightly. “Tell your men to abduct that bastard and take him here, Garry.” He ordered. “Gusto kong makaharap ang diyablong ‘yon at ako mismo ang magpapaamin sa kaniya sa mga kahayupan niya by hook or by crook.” Determinadong aniya.
“Copy that, Sir. Maiwan ko na muna kayo.”
“Tawagin mo ako kapag dumating na sila.”
“Sure, Sir. Of course.”
Tinanguan niya ang tauhan at hinintay na makalabas ito ng kaniyang opisina bago hinugot ang cellphone sa kaniyang bulsa and dialed his uncle’s number.
“Hello, Seb?”
He stood up and turned around, facing the window. “Uncle.”
“What's with that voice? May problema ba, hijo?”
Nakuyom niya ang kaniyang palad kasabay ng kaniyang pagpikit. “Malapit na ako, Uncle. Malapit na ako sa pakay ko.”
“Son, Please stop. Hindi maganda ang idudulot niyan sa iyo. It can destroy you, trust me. Leave that inferno now. You can live your life here peacefully. Just leave that place.”
Marahas siyang nagbuga ng hangin, “I'm not leaving this Island, Uncle. Hindi ako aalis dito nang hindi ko nasisingil ang utang ng mga diyablong ‘yon sa pamilya ko.” mariin niyang wika.
“Wait for me then. Susundan kita riyan at tayong dalawa ang magkasamang — ”
“No, Uncle.” He cut him off. “Don't follow me here. I already lost my family and I can't bear losing one again. Not now, not you. Laban ko ho ito kaya hayaan niyo ako.”
He heard his uncle's heavy sigh from the other line. “Nag-aalala ako para sa ‘yo, Sebastian. Nawala na sa akin ang Mommy mo kaya ayaw kong pati ang kaisa-isa kong pamangkin ay mawala rin sa akin. Hindi namin kakayanin ng Aunt mo ‘yon.”
“Hindi mangyayari ‘yan, Uncle. Bibigyan ko pa kayo ng apo.” Pagbibiro niya para bawasan ang lungkot ng kaniyang tiyuhin na mas naging Ama pa sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Loving The CEO ✔
RomanceSPG | MATURE CONTENT | R-18 Five years ago, for her to provide for her brother's needs as well as her educational needs since she was still in college, she made a deal with a man. An agreement she never thought to make. Pumirma siya sa isang kasundu...