[ARABELLA]
“Sige na, Adrian. Mag-usap nalang uli tayo sa susunod. May gagawin lang ako, okay?” Paalam niya sa kapatid niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin alam na nasa puder na naman siya ng mga Macaraig.
“I love you. Mag-iingat ka riyan, Ate.”
“I will. I love you, too, Bunso. Hug Janelle for me, okay?”
“Sige ba.”
Huminga siya ng malalim bago pinutol ang linya. Ayaw niyang tumagal sa pakikipag-usap sa kapatid niya at baka madulas siya, masabi pa niya ang mga pinaggagagawa niya rito.
Lumabas siya ng guestroom at tamang tama namang paglabas ng isang maid mula sa isang silid.
“Nana Dalia, nasaan po si Santi?” Tanong niya rito.
“Ku, e, maagang umalis, hija.” Tugon nito sa marahang tinig. “Marami raw siyang gagawin ngayon kaya ipinagbilin ka nalang niya sa akin. Halika, magmiryenda ka muna habang naghahanda ako ng tanghalian natin.”
“Salamat nalang, Nana. Hindi naman ako nagugutom kaya maglalakad-lakad nalang ako sa aplaya.” magalang na aniya at saka ipinalibot ang paningin sa loob ng bahay. “Si Tatay Estong po pala, nasaan?” Tanong niya dahil hindi na niya nakita ang matanda buhat pa kaninang almusal.
“Siguro’y naglalakad-lakad lang ‘yon doon sa hardin, hija. Alam mo naman na gustung-gusto na niyang makapaglakad ng maayos, e.”
“Gano’n po ba? Sige, Nana. Aalis na ho muna ako.”
“Sandali, hija,” pigil ni Nana Dalia sa kaniya. “Bilin din ni Mayor na kung aalis ka ay isama mo si Nelson para — ”
“Hindi na, Nana. Diyan lang naman ako sa aplaya kaya hindi ko na kailangan ng bodyguard. Hindi rin ako mag-eenjoy nang may nakamasid sa akin.”
“Pero, hija, baka ako naman ang pagalitan ni Mayor.”
“Ako na ang bahala kay Santi, Nana. Huwag po kayong mag-alala.” Pagkasabi niya niyon ay iniwan na niya ang matanda.
Pero siyempre, hindi siya sa aplaya tutuloy dahil hindi naman siya aalis. Panahon na niya para mag-obserba.
Hinintay niya munang umalis sa base nila ang mga bantay ng mansion bago siya pumuslit papunta sa hardin. Mabuti nalang at hindi madalas rumonda ang mga bantay sa bandang ito ng solar.
Kaagad naman niyang natanawan si Tatay Estong at may kausap pa siya na isa sa mga tauhan niya. Alam ‘yon ni Arabella dahil dalawang beses na niyang nakita ang lalaki at ito na ang pangatlo.
Nagkubli siya sa matatayog na mga halaman malapit sa kanila para marinig ang usapan ng dalawa. Nagulat pa siya nang mapansin niyang nakatayo si Tatay Estong ngunit walang tungkod na sumusuporta sa kaniya.
Kailan pa?
“Kailangan niyong mahanap si Minyong as soon as possible, Mauro.” Dinig niyang utos ng matanda sa lalaki. “Hindi siya puwedeng mawala at mapunta sa kanila dahil siguradong —”
“Huwag kang mag-alala, 'Tay, sigurado naman akong hindi tayo ilalaglag ni Minyong.” Sagot ng lalaki na nagngangalang Mauro.
“You better make sure, Mauro. Ikaw ang unang-unang mananagot sa akin sa oras na magsalita ang taong ‘yon laban sa akin— sa atin.”
Anong pinagsasabi ng dalawa? Sinong sila? Sinong Minyong?
“Sige na. Umalis ka na. Tatawagan nalang uli kita kung kailangan kitang makausap.”
Mga mahihinang yabag ang sumunod niyang narinig kung kaya’t daglian siyang nagkubli sa mas makapal na parte ng halamanan para hindi siya nila makita.
BINABASA MO ANG
Loving The CEO ✔
RomanceSPG | MATURE CONTENT | R-18 Five years ago, for her to provide for her brother's needs as well as her educational needs since she was still in college, she made a deal with a man. An agreement she never thought to make. Pumirma siya sa isang kasundu...
