CHAPTER 7

6.2K 220 28
                                    

[ARABELLA]

KANINA pa nababagot ang dalaga habang nanonood ng palabas sa telebisyon. Lunes kasi ngayon kaya wala ang kapatid niyang si Adrian pero ’di bale dahil sisimulan na rin naman niyang maghanap ng trabaho bukas.

Napahugot siya ng malalim na hininga. Tatayo na rin sana siya para kumuha ng iinuming tubig sa kusina nang biglang tumunog ang cellphone niyang nasa upuan. Bumuntong-hininga siya bago ito pinulot para matingnan kung sino na naman ang nasa caller ID.

GM Mendoza calling...

She swiped the answer icon then placed her phone next to her ear.

“Yes, Sir? What can I do for you po?”

“What the hell is happening to you, Miss Ravales? Ang taas ng expectations ko sa’yo para sa trabahong nakaatang sa iyo pero lumayas ka lang ng walang paalam?”

“Sir, naglapag na ako ng resignation letter ko sa ibabaw ng table mo bago ako tuluyang lumabas sa Hotel na ‘yan and that was one week ago. Isang linggo na, Sir, pero ngayon mo lang ako naisipang tawagan para sermonan. Bakit po ba?”

“I’m sorry pero hindi ko pa inaaprubahan ang resignation letter mo which only means, You’re still the manager of the housekeeping department. Employee ka pa rin dito, Arabella. Parte ka pa rin ng Rocks Hotel kaya kinakailangan mong bumalik dito as soon as possible.” Maawtoridad nitong wika.

“Sir, please. Nakikiusap na ako sa inyong tantanan niyo na po ako kasi kahit suhulan niyo pa ako ngayon, hindi na ho ako babalik diyan either you approve my resignation letter or not. Pasensiya na po, sir.” Pagmamatigas niya.

“Ngunit kailangan ni Mr. Cervantes ng iyong serbisyo, Arabella. Kung hindi ka magpapakita sa kaniya, maaaring may mangyari sa hotel na ito. Alam mo naman siguro kung gaano kalakas ang koneksyon ng taong ‘yon. He can do everything in just a snap of his fingers, Arabella, at kapag nalugmok itong Rocks Hotel, maraming tao at pamilya ang maaapektuhan.”

Sa kaniyang narinig ay hindi na niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Sa kaniyang pagkakaintindi ay siya ang tila magiging susi upang walang mga taong maghirap pero bakit naman gano’n?

“Alam ko kung gaano ka kabuting tao, Arabella.” Pagpapatuloy ni GM Mendoza mula sa kabilang linya. “Ibababa ko na ito at sana pag-isipan mong mabuti ang mga sinabi ko sa’yo. Kung hindi pa rin kita mapapakiusapan ng maayos, sige, hahayaan nalang kita.” Bumuntong-hininga pa ito. “Bye, Miss Ravales. Have a good day!”

Tuluyan ng pinutol ni Mendoza ang usapan nilang dalawa at naiwan siyang nag-iisip. Napaupo nalang siya upuang yari sa ratan at doon muling nagpakawala ng malalim na paghinga. Hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang gawin. Magsalba ng ibang tao o isalba ang kaniyang sarili? magulo.

Dapat pa ba niyang panindigan ang pag-iwas niya sa taong kumontrata sa kaniya para maging parausan nito ilang taon na ang nakalilipas o mas uunahin niyang piliin ang kapakanan ng mga taong nagtatrabaho sa Hotel na iyon?

Patuloy siya sa malalim na pag-iisip nang biglang pukawin ng mga katok sa pintuan ang kaniyang atensyon.

“Nariyan na!” Sigaw niya para marinig siya ng kung sino mang nasa pinto. “Kung kailan naman may iniisip ako saka pa may bisita.” Anas niya saka mabilis na hinila pabukas ang pintuan pero mas lalo lang nalukot ang mukha niya nang makita kung sino ito. “Akala ko bisita, buwisita pala.” Dismayado niyang sambit. “What are you doing here, Mr. Cervantes? Naliligaw ka ba?”

“Nandito ako para sunduin ang kamahalan.” Sarkastikong tugon ni Sebastian sa kaniya.

“Ilang beses ko pa bang kailangan — ”

Loving The CEO ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon