CHAPTER 12

5.1K 217 17
                                    

[SEBASTIAN]

“Tata Teban, Kumusta?”

Nahinto sa ginagawa ang matandang lalaking caretaker ng dalawang bahay. Ibinaba ang hawak na lambat at tumitig kay Sebastian na wari'y sinusuri kung siya nga ba ang nasa harap niya.

“Sebastian?”

Marahang tumawa ang binata at tumango. “Hindi ko alam na nasobrahan na ako sa kaguwapuhan kaya hindi niyo na ako makilala.”

“Aba'y kay hambog ng batang ire.”

Humalakhak na naman si Sebastian at bago pa nakakilos ang matandang si Tata Teban ay naakbayan na niya ito.

“Tara, Tata. Samahan mo ako sa dating bahay — ”

“Sebastian, Hijo!” Boses ni Nana Nida na halos takbuhin na niya ang dalampasigan kung saan naroon ang dalawang lalaki. “Mabuti naman at nagawi ka rito ..” Humahangos na ani Nana Nida.

“Ano ba naman iyang itsura mo, Nida, at para ka namang nasusunugan niyan.” Puna ni Tata Teban sa asawa. “Gustong magpunta nitong batang ito sa dating bahay kaya't sasamahan ko na.”

“Ay, sandali.” Pigil ni Nana Nida sa dalawa. “Hijo, Iyong may-ari ng bahay na isa ay dumating kahapon na nakausap ko.”

Natigilan si Sebastian at napatitig ng diretso sa matandang babae. “Sino, Nana?”

“Isang dalaga ngunit nakalimutan ko ng tanungin ang kaniyang pangalan dala ng pag-uusap namin tungkol sa nakaraan gayon ma'y nasabi naman niya sa akin na sa bahay ng mga Macaraig siya nanunuluyan.”

“Ang bahay ba ng alkalde ang sinasabi mo, Nana Nida?” Paniniyak niya.

“Oo, hijo. Narinig mo naman siguro ang tungkol sa pamilyang iyon dahil maliban sa inyong mga Cervantes ay kilala din ang pangalan nilang Macaraig dahil sa ilang taong panunungkulan ni Ernesto bilang mayor dito.”

Nagtagis ang bagang ng binata sa narinig. Hindi man niya kilala kung sino ang dalagang may-ari ng bahay but the fact na naroon ito sa mga Macaraig ay gusto na niya itong puntahan at kaladkarin paalis sa bahay na iyon.

“Nana, sa susunod na magkita kayo ng babaeng may-ari ng bahay ay sabihin ninyong doon na mag-stay at umalis na kamo sa puder ng mga Macaraig.” Maawtoridad na utos ng binata.

“Katunayan niyan ay inalok ko na rin ngunit ang sabi naman niya ay nakakahiya kay Mayor Santi kung basta na lamang siyang aalis doon pagkat si Mayor mismo ang nag-alok sa kaniyang tumira pansamantala sa kanila at ang balita ko'y iyon ang kasintahan ni Mayor Santi.” Paliwanag ni Nana  Nida na ipinagsalubong ng kilay ni Sebastian.

“Girlfriend ni Santiago ang babaeng may-ari ng bahay na ipinaalaga ko sa inyo?” nagdududang tanong niya.

“Oo, hijo. Iyon ang dinig kong bulung-bulungan kahapon kaya mabuti pang ikaw nalang ang kumausap sa kaniya, hijo, tutal ay nagsabi naman siya sa akin kahapon na dadalaw uli siya sa bahay ngayon.”

Tiim-bagang siyang nagtatango. “Sige, Nana. Ako na ang kakausap sa kaniya.” aniya at akmang tatalikod nang mahawakan siya sa braso ni Tata Teban na ikinahinto niya sa paghakbang. “Bakit, Tata? May problema ba?”

“Parang ako ang dapat na magtanong sa iyo niyan, Sebastian. Ano ang problema, hijo? Bakit ganiyan na lamang ang sindak mong malamang nasa mga Macaraig ang babaeng ‘yon na hindi mo naman personal na kilala?” nanunuring tanong ni Tata Teban.

Kung ibang tao lang siguro ang matanda ay malamang na kanina pa ito nasigawan ni Sebastian dahil sa pangingialam. Hindi pinapahintulutan ng binatang may magtanong sa kaniya sa mga problema O kahit ano pang suliranin niya maliban sa kaibigan niyang si Ramon at Tiyuhing si Leonardo.

Loving The CEO ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon