[ARABELLA]
SHE was sleeping peacefully when she felt something heavy on her tummy. Tumagilid siya ng higa at saka unti-unting nagmulat ng mata but what she saw next made her eyes widen in horror.
Nakatagilid ng higa paharap sa kaniya si Sebastian habang himbing na himbing itong natutulog. Tiningnan ng dalaga ang dahilan kung bakit nakaramdam siya ng bigat sa bandang tiyan niya pero mas nagimbal siya nang makita ang braso ni Sebastian na nakapalibot doon.
“Waahhh!!” She screamed in horror. “Gising! Hoy, gising!” Wala sa sariling nasampal niya ng malakas ang natutulog na binata kaya naman dahil sa gulat ng huli ay naitulak niya si Arabella kaya nahulog ito mula sa kama. “Araayy! Buwisit ka! Buwisit ka talaga!” Bulyaw ni Arabella kay Sebastian.
“Fuck. I'm sorry, Miss Ravales. I didn’t mean to push you like that, okay? I’m sorry nagulat lang ako sa sampal — ”
“Bakit ka ba kasi nandito sa kuwarto ko at lalong bakit ka natutulog sa kama ko?!” Naiiritang tanong niya sa binata habang hinihimas-himas niya ang puwetan niyang tumama sa sahig.
“First of all — ”
“May masama kang binabalak gawin sa akin, ‘no? umamin ka na, Mr. Cervantes.” Putol ni Arabella sa sinasabi ni Sebastian at tila nais na niyang patayin ang binata sa paraang ng pagkakatitig niya rito.
“Kailan mo ako patatapusing magsalita, Miss Ravales?” Sarkastikong tanong nito sa kaniya pero inikutan lang niya ng mata ang binata. “See? ang hirap talagang makipag-usap sa mga maldita at isip-batang katulad— ”
“Nyenyenye! Bakit ka kasi nandito sa kuwarto ko at natutulog ka pa sa kama ko? may payakap-yakap ka pang nalalaman sa akin. Sipain ko ‘yang kayamanan mo, makita mo.”
Unti-unti namang sumupil ang nakakalokong ngisi sa labi ng binata. “Just hear me out, yeah? okay, first of all,” tumitig ng diretso sa kaniya si Sebastia. “lasing na lasing ako kagabi and I have no idea kung paano ako nakabalik dito and I’m sorry to tell you but,” mas lumapad pa ang pagkakangisi nito. “You’re here in my room. Technically, You are the intruder here, not me.”
Nanlaki naman ang mga mata ni Arabella at wala sa sariling inilibot ang paningin sa buong silid. He’s right! ngayon lang niya nasilayan ang silid na ito kaya malamang sa alamang, hindi talaga ito ang silid niya.
“Anong....paanong— ”
“Again, nasa silid kita, Miss Ravales. Mukhang ikaw yata itong may masamang binabalak sa akin. What do you think? tama ba—”
“Wala!” Napapahiyang bulyaw niya kay Sebastian. “Wala ‘no.”
Naramdaman niya ang bahagyang pag-iinit ng kaniyang pisngi at hindi na rin niya kaya pang salubungin ang titig ni Sebastian sa kaniya kaya napayuko nalang siya.
“Look at me, Miss Ravales.” Untag ni Sebastian sa kaniya.
“W-why?” Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin kay Sebastian.
“Niyakap kita kasi ‘di ba nga sabi ko lasing na lasing ako kaya inakala ko ring unan ‘yung niyayakap ko. Walang malisya iyon, Miss Ravales.”
Nag-iwas ng tingin si Arabella pero sa kaniyang isipan ay isinusumpa na niya ang binata. Unan lang pala ang tingin nito sa kaniya? e, kung tadyakan nalang kaya niya ang bastos na lalaking ito?
“Okay. Lalabas na ako, sir. Kalimutan nalang natin ang nangyari.”
“Hindi ka lalabas dito hangga’t hindi mo sinasabi sa akin kung bakit ka rin nandito sa kuwarto ko, Miss Ravales.” Pigil ni Sebastian sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Loving The CEO ✔
RomanceSPG | MATURE CONTENT | R-18 Five years ago, for her to provide for her brother's needs as well as her educational needs since she was still in college, she made a deal with a man. An agreement she never thought to make. Pumirma siya sa isang kasundu...