CHAPTER 22

4.3K 139 17
                                    

[ARABELLA]

NAGULANTANG ang dalaga nang makarinig siya ng komusyon mula sa labas. Maging ang mga katulong ay patakbo-takbo na rin.

“Arabella, go back to your room!” Dinig niyang sigaw ni Santi.

“What? why? anong nangyaya— aaayyy!!!” napadapa nalang siya nang biglang magkaroon ng putukan.

“Fuck! Fuck! Fuck!” Santiago kept on cursing as he helped her to stand up. “C’mon, Ara. Ilalayo kita rito — ”

“Tell me first what the hell is going — ”

“Sinalakay tayo ng grupo ni Sebastian Cervantes!” Sigaw niya out of frustration. “Halika na!”

Sebastian...No!

“Hindi! Hindi ako aalis dito!” pagmamatigas ni Arabella sabay takbo palayo sa binata.

“Arabella!!”

“No! Hindi ko hahayaang may mangyaring masama kay Sebastian! No!” Mangiyak-ngiyak niyang bulong sa kaniyang sarili and the first thing playing on her mind right now is to find a gun and protect Sebastian at all costs.

Sunud-sunod na mga palitan ng putok mula sa iba’t-ibang calibre ng baril ang kaniyang mga naririnig pero nawalang bigla roon ang buo niyang atensyon kundi sa kung saan siya dinala ng kaniyang mga paa.

Sa isang silid kung saan mahigpit na ipinagbabawal ni Ernesto. Ayaw na ayaw niyang may pumapasok dito at kung may maglilinis man, wala ring iba kundi si Ernesto. Kahina-hinala. Tinangka na ring pasukin ng dalaga ang silid na ‘to nu’ng nakaraang araw ngunit hindi siya nagtagumpay dahil hindi niya ito kayang buksan.

Ngunit sadya sigurong umaayon ang panahon sa kaniya ngayon dahil hindi na ito naka-lock. Malamang ay nakaligtaang isara ng sinomang pumasok dito kanina.

“Malalaman ko na ngayon kung anong nasa loob ng forbidden room na ‘to.” She whispered to herself as she pushed the door to open widely, and she entered inside.

Muli niyang itinulak ng dahan-dahan ang pinto pasara, then she took a deep breath.

Nagsimula siyang mangalkal sa mga drawers na naroon at bawat dokumentong nahahawakan ay masusi niyang sinusuri hanggang sa isang lumang maliit na notebook ang kaniyang nakita and when she opened it, she realized it’s an old diary. Lumang-luma na talaga dahil may mga parts na itong punit-punit.

“Hmm, mabasa nga. Sigurado akong nandito ang ilan sa mga sikreto ng matandang ‘yon.” Muling bulong niya sa kaniyang sarili pero bago pa niya masimulan ang pagbabasa rito ay nakarinig siya ng mga yabag sa labas so she immediately hid behind the bookshelf.

She covered her mouth when the door opened with a slight squeak. Segundo lang ang lumipas ay mga boses naman ang sumunod niyang narinig kaya todo-pigil siya sa kaniyang paghinga, afraid that they might hear her.

“Akala ko ba dinispatsa niyo na ang taong ‘yon, Mauro?! Bakit hinayaan niyong sunggaban nila tayo bago kayo kumilos?!” Boses ni Ernesto Macaraig na galit na galit.

“Sir, pinagpaplanuhan naming mabuti ang pagdispatsa namin sa Cervantes na ‘yun ngunit sadyang matalas lang ang kanilang pang-amoy kaya naunahan — ”

“Hijo de Puta!! Iyan na ang pinakamalaking kabobohang aking narinig sa tanang buhay ko! Simpleng pagpatay lang sa animal na iyon, hindi niyo pa magawa?!”

“Huwag kang mag-alala, Sir, sisiguraduhin kong sa araw ding ito ay malalagutan ng hininga ang natitirang dugo ng pamilya Cervantes.”

“Lumabas ka at sunggaban mo na ang pagkakataong ito na sila mismo ang dumayo sa ating sariling teritoryo para kung sakali mang magkaroon ng imbestigasyon ang pulisya ay wala silang maipapambala sa atin dahil trespassing ang kampo ni Cervantes at dumipensa lang tayo.” Mahabang litanya ni Ernesto na sinundan pa ng mala-demonyo niyang halakhak.

Loving The CEO ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon