[SEBASTIAN]
KAAGAD silang sumakay ni Ramon sa pribadong lantsa na pag-aari ni Sebastian nang marating nila ang pantalan. Si Sebastian na rin ang nagmaniobra dahil hindi naman marunong si Ramon.
Nasa kalagitnaan na sila ng karagatan nang lingunin ni Sebastian ang kaibigang tahimik na nakatanaw sa dagat.
“Tinawagan mo na ba si Garry?” Tanong niya na ang tinutukoy ay ang leader ng kaniyang mga tauhan.
Tumango si Ramon. “Oo. Sa mga oras na ito ay siguradong nasa aplaya na rin ang mga iyon and waiting for us to arrive.”
“Inutusan mo ba silang — ”
“Unarmed silang lahat kaya wala kang dapat ipag-alala, Seb.” He cut him off. “Hindi magdududa o matatakot sa kanila ang mga tao roon.”
Tumango si Sebastian at muling itinuon ang buong atensyon sa manibela ng lantsa.
Kung sa ibang pagkakataon siguro ay ikatutuwa niya ang pagbabalik niya ng isla Del Fierro pero dahil iba ang motibo ng pagparoon niya ay hindi niya mahapuhap sa kaniyang puso ang galak.
“Hindi mo kailangang gawin ito, Seb.” Biglang usal ni Ramon. “Marami ka namang mga tauhan na p’wede mong utusan at pakilusin kahit wala kang gawin.”
Tumikhim si Sebastian na hindi pa rin nililingon si Ramon.
“Gusto kong makaharap mismo ang taong iyon, Ram.” Nasa tinig ng binata ang matinding pagkasuklam sa taong tinutukoy niya. “Gusto kong ako ang personal na magbigay ng parusa sa kaniya at hindi ang mga tauhan ko.”
Napailing si Sebastian na sinundan ng kaniyang malalim na buntong-hininga. “Hindi na talaga ikaw ang dating Sebastian na nakilala at naging kaibigan ko, Seb. Nababalot ka na ngayon ng matinding galit at pag-asam na makaganti.”
Bahagyang natawa ang binata. “Yes, you're absolutely right, Ramon. Wala rin akong planong mag-anyong anghel sa panahon ngayon.” Mariin niyang wika. “They made me a monster and I will never turn my back on them. Ang halimaw na ito na nilikha nila ang siya ring magpapabagsak sa kanila, Ram. Keep that in mind.”
“Seb, ang sa akin lang naman ay baka sa ginagawa mong ito, imbes na makuha mo ang hustisya para sa pamilya mo ay ikaw naman ang mapapahamak.” Nag-aalalang ani Ramon.
“Okay lang ang mapahamak basta’t nakapaghiganti na ako, Ram.” May kasiguraduhan sa kaniyang tinig. “At ’wag kang mag-alala dahil mapahamak man ako ay hindi ka pa rin naman maghihirap dahil sisiguruhin kong isa ka sa mga — ”
“Damn you, Sebastian! I don't care about your money because all I care is you!” Nanggagalaiting sigaw ni Ramon sa kaniya. “Putang ina naman, Seb. You are my best friend and I fucking care for you!” He added.
Nilingon ni Sebastian ang kaibigan. “Bakit ka ba naninigaw diyan?” Kalmante niyang tanong.
“Fucker! Ayaw na ayaw ko sa ganitong usapan dahil nagmumukha akong binabae pero kung gusto mo talagang magpakamatay, magsabi ka na ngayon palang, Sebastian. Nakahanda ang dagat para sa iyo. Tutulungan pa kita.”
Humalakhak si Sebastian. “Don't worry, My friend. Matagal pa bago mo ako ipagluksa.” Pagbibiro pa niya hanggang sa natanaw na niya ang isla. “Malapit na tayo.”
BINABASA MO ANG
Loving The CEO ✔
RomanceSPG | MATURE CONTENT | R-18 Five years ago, for her to provide for her brother's needs as well as her educational needs since she was still in college, she made a deal with a man. An agreement she never thought to make. Pumirma siya sa isang kasundu...