CHAPTER 27

4.6K 140 14
                                    

[ARABELLA]

SUNUD-SUNOD ang kaniyang impit na pag-ungol nang siya ay magising at pakiramdam niya’y para siyang binugbog sa sobrang sakit ng kaniyang buong katawan.

“Oh, finally you’re awake.” boses mula sa kaniyang tabi.

She slowly opened her eyes but what she saw next made her gasped loudly in utter shock and horror. Her breath became short and ragged as her chest heaved up and down heavily.

Unti-unting sumilay ang matamis na ngiti sa labi ng lalaking katabi niya sa kama, “Pinag-alala mo ako ng husto, Arabella.” usal niya bago pinaglandas ang likod ng kaniyang kanang kamay sa pisngi ng dalaga.

Naghatid-kilabot naman iyon kay Arabella kaya agad niyang pinalis ang kamay ng lalaki at inilayo ang sarili rito. “A-Anong ginawa mo sa ‘kin, Santiago? B-Bakit ako nandito? B-Bakit tayo magkatabi — ”

“Baby, relax.” awat nito sa kaniya at sinundan pa iyon ng kaniyang nakakalokong halakhak. “Wala pa akong ginagawa sa ‘yo pero hindi ako nangangakong wala talaga akong gagawin sa ‘yo.” muli na naman siyang humalakhak at sinubukan pang dampian ng halik sa labi ang dalaga. Mabuti nalang at agad namang nakaiwas.

“Saan mo ako dinala, Santi?”

He rolled out of bed and smirked, “Sa kaharian ko kung saan ikaw ang gagawin kong Reyna, Arabella.”

“You’re crazy! Tumigil ka na, Santi! Hindi na ako natutuwa.”

“Matutuwa ka kapag nakasal na tayo.”

Nanlaki ang mga mata ng dalaga, “Kasal?! anong kasal ha?”

Santi’s face became grim as he looked at her in the eyes. “Sa tingin mo ba basta nalang akong papayag na hindi ka makasal sa ‘kin ha, Arabella? After i killed my father to save you? After all the efforts I’ve done for you, you think i will let you go and leave me like a trash? No. Hindi mo ako matatakasan dahil noon pa man ay nakatali ka na sa ‘kin, Arabella.”

Umalis sa kama si Arabella at saka tumawa ng nakakaloko, “At sa tingin mo hahayaan kitang gawin ang gusto mo? hindi. Huwag mong matain ang kakayahan ko bilang babae at hindi mo rin ako kayang gamitan ng kapangyarihan at salapi, Santiago.” Matigas niyang sabi saka lumapit sa pintuan.

“Hindi mo ‘yan mabubuksan, Arabella.”  saad ni Santi. “Huwag ka na ring magtangkang umalis dahil mabibigo ka lang. Bantay-sarado ka ng mga tauhan ko at kung sakali mang matakasan mo sila, magsisisi ka rin dahil sisiguraduhin kong hindi mo na madadatnang buhay ang kapatid mo sa inyo.” Then he laughed evilly.

Marahas na nilingon ni Arabella si Santiago at pinukol ito ng nanlilisik na tingin, “You crazy bastard!!” sinugod niya ang lalaki at saka pinagsusuntok sa dibdib pero halakhak lang ang iginanti nito sa kaniya. “Pamilya talaga kayo ng mga demonyo!!”

“Enough!” He yelled at her. “Arabella, binabalaan kita. Huwag mong sagarin ang pasensiya ko baka kung anong magawa ko sa ‘yo.”

“Ano ha? Sasaktan mo rin ako? Papatayin katulad ng ginawa ng Tatay mo sa mga magulang ko? Katulad ng pagpatay mo sa Tatay mo?” She gave him a challenging look, “Huwag mo ng patagalin, Santi, kasi alam mo, mas gusto ko pang mamatay kaysa ang makasal sa ‘yo!”

“Kung ayaw mong magpakasal sa ‘kin, sige. Hindi kita sasaktan. Hindi kita papatayin.” ani Santi at siya naman ang lumapit sa pintuan at binuksan iyon pero muli pa siyang nagsalita, “Kapatid mo ang papatayin ko para pareho tayong maging misirable habang-buhay, Arabella.” aniya at tuluyan nang lumabas ng silid.

“Nooooo!!!” Sigaw ng dalaga ‘tsaka kinalampag ng kinalampag ang pintuang muling ni-locked ni Santiago. “Hayop ka, Santi! Buksan mo ‘to!!”

Loving The CEO ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon