[SEBASTIAN]
“Seb, Let’s go! Parating na ang mga pulis ayon sa lookout natin sa bung—what the! Is that Ernesto lying on the floor?” He queried.
Wala sa sariling napatango si Sebastian. Nakita niya kanina si Santiago na tumakbo papunta sa silid na ‘to kaya niya sinundan at nasaksihan nga niya kung paano binaril ng mayor ang sarili niyang ama.
Niligtas nito si Arabella sa kamay ng sarili niyang ama at ngayon niya natanto na seryoso siya kay Arabella pero kahit gano’n, gusto pa rin niyang patayin ang hayop na mayor dahil anak siya ng diyablong si Ernesto.
“Seb, kailangan na nating umalis bago tayo maabutan — ”
“It’s okay, Ram. Ang grupo ni Chief Inspector Cervantes ang parating.”
Manghang napatitig sa kaniya si Ramon. “Cervantes?! Akala ko ba ayaw mo ng makita si Edward?”
“I guess it’s time to forget and forgive, Ram. Isa pa, matagal na rin ‘yung alitan naming dalawa — ”
“Alitan?” pigil ang tawang tanong ni Ramon. “Brother, ang alam ko’y ikaw lang naman ang may sama ng loob sa half-brother mo.”
Yes. Edward Cervantes is his half-brother. Kapatid niya ito sa ama at ‘di hamak na mas matanda sa kaniya. Buong buhay niya ay ayaw niya sa presensiya ng kaniyang kapatid na kagaya niya ay sa ibang lugar at pamilya rin lumaki dahil si Edward ay lumaki sa piling ng ina nitong si Edna Fortez. Ang unang live-in partner ng kaniyang daddy bago ang kaniyang mommy.
“Halika na.” ‘aya niya kay Ramon dahil hindi na niya kayang tingnan ang paghahalikan nina Santi at Arabella.
“Teka,” lakad-takbo ang ginawa ni Ramon para maabutan siya. “Ano ng plano mo ngayon? Babalik na ba tayo ng Maynila?”
“Kayo nina Garry ang bumalik do’n dahil aware akong may pananagutan ako ngayon sa batas.”
“E, sira na pala ulo mong gago ka, e. Kung may pananagutan ka, mayro’n din kami kaya parepareho tayo ngayong hihimas ng bakal na rehas.”
“Sir!” Si Garry na patakbong sumalubong sa kanilang dalawa. “Malapit na ang police mobile, Sir. Kailangan na nating umalis — ”
“Hindi na kailangan, Garry.” Kalmadong saad ni Sebastian. “Kilala ko ang mga parating.”
Nagsalubong ang kilay ni Garry pero hindi na nag-usisa pa. “Patay na lahat ng mga tauhan ni Macaraig, sir.” imporma nito.
“Ayos lang tutal patay na rin naman si Tanda.” ani Sebastian at nagpatuloy sa paglalakad. Sinabayan na rin siya nina Ramon at Garry.
Nagkalat ang mga walang buhay na katawan ng mga tauhan ni Ernesto Macaraig kasama na rin ang dalawa sa kaniyang mga tauhan na labis niyang ikinakapanghinayang.
MAYA-MAYA lang ay dumating na ang dalawang sasakyan lulan ang kapatid niyang si Edward kasama ang mga tauhan niya.
“What the hell, Seb! Ano 'to? Usapan nating hintayin mo — ”
“Oh, hell! I miss you too, Ed.” nang-uuyam niyang putol sa kaniyang kapatid. “Kumilos ka na, Chief. Posasan mo na kaming lahat bago kami manlaban at tumakas.”
Napailing si Edward. “Just go. Ako na ang bahala rito.”
“Chief, mukhang hindi maayos ang pagpapatupad mo ng batas.” ngingisi-ngising puna ni Sebastian. “Hindi dahil magkapatid tayo ay — ”
“Umalis na kayo but I want you to know that I’m not yet done with you, Sebastian. Marami ka pang kailangang ipaliwanag sa ‘kin.” seryosong ani Edward sa kaniya. “Uuwi ako sa mansion mamaya kaya huwag kang aalis kung ayaw mong malagot sa ‘kin.”
BINABASA MO ANG
Loving The CEO ✔
Storie d'amoreSPG | MATURE CONTENT | R-18 Five years ago, for her to provide for her brother's needs as well as her educational needs since she was still in college, she made a deal with a man. An agreement she never thought to make. Pumirma siya sa isang kasundu...