CHAPTER 15

7.4K 207 17
                                        

[SEBASTIAN]

“Are you sure about this, Seb?” Tanong ni Ramon sa kaniya habang minamaneho ang lumang sasakyan ng mga magulang ni Sebastian. “I know it's not easy for you to see those fuckers who— ”

“I'll be fine, Ram. Napaghandaan ko na ‘to at isa pa’y nakaharap ko na rin si Santiago kaya hindi na gano’n kahirap para sa ‘kin ang humarap sa kanila.” aniya.

Napailing si Ram nang maalala ang nangyari kagabi sa pag-attend nila ng Birthday party ni Mayor Santi. Hindi maintindihan kung anong nakain ni Sebastian para gawin ‘yon.

“What's with that smirk, fucker?”

“Type mo si Miss Ravales?”

“Hrmp ..” He cleared his throat, feeling troubled. “Anong balita sa kabilang isla?” pag-iiba niya ng usapan.

Napahalakhak naman si Ramon na nagpairita kay Sebastian.

“I'm asking you, Stupid.”

“Trying to avert — ”

“Damn you, Ram.”

Hindi pa rin napigil sa pagtawa si Ramon. “Alright. Chill, Brother. At tungkol naman sa Isla sa kabila, malalaman mo mamaya kapag nasa mga Macaraig tayo. Siguradong ‘yon ang topic ng mga tao roon.” Nakangising aniya. “Bumalik tayo sa usapan tungkol kay Arabella.”

“Fuck you, Ram!”

“Fiancee mo siya. Am I right, Brother? You claimed her as your fiancee last night at the party tapos ayaw mo ng panindigan ngayon ‘yon?” He asked, mockingly. “That's bad.”

“Ginawa ko ‘yon para iiwas siya sa Santi na ‘yon na masahol pa sa babaeng linta kung pumulupot kay Arabella.”

“Oh. You're just concerned but you sounds more like a jealous boyfriend, Mr. Cervantes.” pang-aalaska pa rin ni Ramon sa kaniya.

“P’wede ba, Ram, tigilan mo ako?”

“Bakit hindi ka umuwi sa rest house kagabi? saan ka natulog? Sa bahay ni Arabella? Magkatabi ba kayong — ”

“Nagseselos ka?” He snaps out. “H’wag kang mag-alala dahil hindi naman kita ipagpapalit, Gago.”

Napahalakhak si Ramon. “Tarantado. Tumatanda ka na kaya mag-asawa ka na and I'll be glad kung si Arabella ang mapapangasawa mo dahil bukod sa mabait at palaban ay maganda rin at sexy.”

“Pinagpapantasiyahan mo ba siya, Ramon Henson?”

“Of course not. Kahit naman sinong tao mapapansin kaagad ang kagandahan at kaseksihang tinataglay ng babaeng ‘yon hindi lang ako.” Depensa ni Ramon. “At alam kong napansin mo na rin ‘yon. Ang kaibahan lang naman natin ay sa akin, Walang malisya pero sa ‘yo, — ”

“Shut up, Ram.”

“Oh, ano? Itatanggi mo na naman ngayon sa akin na hindi ka apektado sa kaniya? Just to remind you, Seb, pareho tayong lalake.”

“Sabihin na nating affected nga ako, pero sa tingin mo ba may oras akong i-entertain ‘yon, Ram? We are at the middle of seems like a fucking war, Ram. We came here to seek for justice not for shits.”

“Arabella is not just what you call a shit, Seb.” inis na sabi ni Ramon. “At tama ka, nandito tayo para sa hustisya not for vengeance, Sebastian. I hope you know that.”

“Whatever.”

. . .

PAGDATING ng dalawa sa mansion ng mga Macaraig ay sumalubong kaagad sa kanila ang dalawang guwardiya, both armed with automatic rifles.

Loving The CEO ✔Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon