CHAPTER 29

5.1K 146 13
                                    

[RAMON]

“How is she, uncle Leo?” Tanong ni Ramon sa tiyuhin ni Sebastian na si Leonardo. “Nakausap niyo na ho ba ang doctor niya?”

“Yeah. Mahina pa si Arabella dahil sa dami ng dugong nawala sa kaniya, Ram. Stable ang heartbeat niya subalit ang sabi ng doctor,” nagbuntong-hininga ang matanda at umiling. “Kapag hindi siya gumising sa loob ng dalawampu’t apat na oras ..” muli na naman siyang nagbuntong-hininga. Unable to utter more words.

Pareho nilang itinuon ang paningin nila sa glass door ng ICU kung saan naroon ang dalaga at kasama si Sebastian na hanggang sa oras na ‘to ay hindi pa rin umaalis sa tabi ni Arabella.

Napailing si Ramon, “If something happened to Arabella,” he sighed deeply. “Tiyak kong hindi iyon kakayanin ng kaibigan ko, uncle. Masiyado ng maraming masakit na pinagdaanan si Sebastian magmula nang bata siya hanggang sa mawala ang kaniyang pamilya.” nalulungkot na ani Ramon. “At ngayon namang natagpuan na niya ang babaeng magpapasaya sa kaniya, nangyayari na naman ito.”

“He’ll be devastated again, Ramon, and I’m afraid he can’t handle it anymore this time. Natatakot akong ang kaisa-isang taong nagpapaalala sa akin sa kapatid ko’y mawawala rin sa akin.”

He faced his uncle Leonardo and tapped his shoulder. “Ipanalangin nalang nating makaka-survive si Arabella, uncle. Hindi lang para kay Sebastian,” sumulyap siya sa kinaroroonan ng magkasintahang Adrian at Janelle, “kundi para sa kapatid niya.”

Marahan namang nagpatangu-tango ang matanda. “Iyon nalang ang tanging pag-asa natin ngayon, Hijo.”

“Halika muna, uncle. Maupo ka muna roon sa tabi nila Adrian. Lalabas muna ako sandali at bibili ng makakain natin sa canteen.”

“Kape lang ako, hijo.”

Naglakad sila palapit sa magkasintahan na pareho ring hindi maipinta ang mga mukha dahil sa lungkot at matinding pag-aalala.

“Maiwan ko muna kayo.” paalam niya sa tatlo saka tumalikod.

“Sir Ram.” tawag ni Adrian sa kaniya kaya muli siyang humarap dito with questioning look.

“Yes, Adrian?”

Adrian stood up and sighed deeply, “Magigising pa ba ang ate ko?”

Nagyuko ng ulo si Ramon ‘tsaka umiling. “Hindi ko masasabing oo, at hindi ko rin masasabing hindi, Adrian.”

Nanlulumong muling napaupo ang binatang Ravales. Agad naman itong niyakap ni Janelle to give him the comfort that he really needed right now.

“Don’t worry, son,” usal ni uncle Leo habang tinatapik-tapik sa balikat si Adrian. “Alam kong makakaligtas ang ate mo. Have faith in god dahil siya lang ang nakakaalam sa kapalaran natin dito sa mundong ibabaw.”

Napahugot ng malalim na paghinga si Ramon bago walang paalam na tinalikuran ang tatlo na nagiging emosyonal na naman.

Alam niyang matapang at matatag na babae si Arabella subalit hindi rin basta-basta ang nangyari sa kaniya. Kung hindi niya sinalo ang dalawang bala na sana’y para kay Sebastian, hindi sana siya ang nasa ICU ngayon, fighting for her life kundi si Sebastian sana ang nakaratay doon ngayon o malamang, kung minalas, baka patay na si Sebastian ngayon.

“Ram! Ram!!”

Si Edward ang tumatawag sa kaniya kaya hinintay niya itong makalapit sa kaniya.

“Saan ka galing, Kuya Ed?” Tanong niya, addressing Edward like he is his own brother.

“Billing station. Binayaran ko na ang bills ni Arabella para masigurong maaasikaso siya ng maayos at mabilis.” tugon ni Edward. “Ikaw, saan ka naman pupunta?”

Loving The CEO ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon