CHAPTER 28

7.2K 170 9
                                        

[ARABELLA]

“Araayy, ano ba!!” pilit siyang nagpupumiglas habang pahigpit ng pahigpit ang hawak ni Santiago sa braso niya. “Nasasaktan ako—”

“Kasalanan mo kung bakit ka nasasaktan!” naggigigil na bulyaw ni Santi sa kaniya. “Akala mo ba hindi ko malalamang dinukot mo ang cellphone sa bulsa ko? Arabella, hindi ako magiging ama ng Del Fierro kung isa akong bobo!”

“Wala rin akong pakialam kahit ikaw pa ang pinakamatalinong tao sa mundo dahil masama kang tao!” hiyaw niya. “Bitiwan mo ako, Santi, ano ba!!”

Nagpakawala ng isang mala-demonyong tawa si Santi at halos pilipitin na ang braso ni Arabella, “Sa tingin mo ba matutulungan ka ng taong tinawagan mo? Tsk, tsk.” He hissed, “Sige. Pansamantala ay ipagpapaliban muna natin ang ating kasal para naman mabigyan ko ng engrandeng pagsalubong ang bisitang tinawagan mo.” ngingisi-ngising aniya.

“Hayop ka talaga — ”

“No, I’m not.” He cut her off. “I’m far from an animal, Arabella. Baliw, p’wede pa. Baliw sa pag-ibig.” aniya at muli na namang tumawa. “Troy!!” tawag niya sa tauhan niya. “Ipasok niyo siya sa loob ng bahay at bantayang maigi.”

Nagpalinga-linga sa paligid si Arabella. Ang Muerta island ay hindi pribadong isla kaya maraming mga nakatira rito pero ang parte ng isla kung nasaan sila ngayon ay malayo sa mga kabahayan at napapaligiran pa sila ng mga naglalakihang puno.

Hindi rin siya sigurado kung narinig siya ni Ramon kanina sa kabilang linya kaya ang tiyansa na puntahan siya ng binata para sagapin ay mababa.. walang katiyakan.

“Ma’am, tara na — ”

“Don’t touch me!” bulyaw niya sa lalaki kasabay ng pagtulak niya rito at mabilis na umibis palayo sa kanila.

“Arabella, get back here!!” *Baangg!* sinundan ni Santiago ng isang putok ng baril ang pagtawag niya sa dalaga. “I said get back here!!” *Baangg!*

“Oh, god, please help me ..” usal ng dalaga habang patuloy sa kaniyang pagtakbo na hindi naman alam kung saan tutungo.

Patuloy lang siya sa pagtakbo. Walang lingun-likod. Huminto lang siya nang mapansin niyang wala ng tumatawag sa kaniya.

“Hooo!” She was panting heavily and her heart beats erratically. Lumingon siya sa kaniyang pinanggalingan at pinangunotan ng nuo nang makitang wala ng sumusunod sa kaniya. “Nailigaw ko na ba sila?” nakahinga rin siya sa wakas.

Ngayon ay iisipin nalang niya kung paano siya makakaalis sa islang ito ng mabilis bago pa siya maabutan o matagpuan ni Santi at ng mga tauhan niya dahil kung hindi, Baka tuluyan na siyang patayin ng binata.

Huminga siya ng malalim at muling nagpatuloy sa paglalakad pero napahinto siya nang makitang sangang-daan ang nasa kaniyang harapan.

Alin diyan ang daang maghahatid sa ‘kin palabas sa impyernong ‘to? The right one, or ..the left one? Oh, help me, god!

Mariin siyang pumikit at nang magmulat ay ang daanan sa bandang kanan ang kaniyang napiling tahakin. Bahala na. Ang importante sa kaniya’y matiyak na tuluyan na siyang makalayo kila Santiago. ‘Yon ang dapat niyang unahin.

LAKAD-TAKBO ang kaniyang ginawa ngunit habang siya ay palayo ng palayo sa pinanggalingan, padilim naman ng padilim ang kaniyang paligid dahil sa mga nagyayabungang mga punong kaniyang nadadaanan.

Hanggang sa ...

“B-Bakit pamilyar ang lugar na ‘to?” tanong niya sa kaniyang sarili. “oh my god!” kinilabutan siya nang matantong dito niya iniwan sina Santiago kanina.

Loving The CEO ✔Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon