[ARABELLA]
KAAGAD na bumusina si Santiago nang sapitin nila ang tapat ng malaki nilang bahay then an old man ran to the wrought iron gate and opened it.
Hindi naman kaila sa disenyo ng bahay ng mga Macaraig ang modernong pagbabago nito ngunit hindi ang bahay ang pakay niya rito kundi ang mga taong naninirahan dito lalo na ang mag-amang Ernesto at Santiago.
“Welcome home!” Masiglang bati sa kaniya ni Santi. “Originally, this is not your house, but this island was once your home, right?”
Tumango siya. “Yeah, it was once my home.” Malungkot niyang segunda.
Nginitian siya ni Santiago na tila hindi man lang iniinda ang lamig ng pakikitungo ni Arabella sa kaniya.
“Del Fierro is still your home up until now, Arabella. Ako na ang alkalde ngayon dito and,” his smile broadened. “I am here to personally welcome you. Sana naman hindi ka na muling umalis, Ara.”
Pilit na ngiti ang itinugon niya rito. “Salamat pero nasa Manila na ang buhay ko ngayon, Santi. Wala na kaming kinabukasang magkapatid sa islang ito.”
His face slightly darkened but was immediately replaced by a smile. A fake one. “You didn’t even bother to say your goodbye to me when you and Adrian left the island. I tried to find you, but I was disappointed because all the people I paid were all brainless and couldn’t find you.”
Hindi naman kataka-takang magagawang magbayad ni Santiago ng mga tao para lang mahanap siya. Ang nakakapagtaka ay ang effort ng binata ngunit hindi naman lingid kay Arabella na tawag lang ng laman ang habol ng lalaki sa kaniya dahil lantaran iyong ipinapahayag ng mga kilos ni Santiago.
“You don’t have to do that, Santi. My brother and I wanted to leave, and you knew the reason why, do you?” She heaved a deep sigh. “You know exactly what happened to my parents, Santi. Hindi madali para sa aming mamuhay dito sa isla habang binabalot kami ng bangungot na iyon.”
Santi averted his gaze before nodding. “Alam kong hindi naging madali para sa inyong magkapatid ang dagok na iyon, Arabella. Naiintindihan ko kayo and I was ready to help you if you came to me. My father who was the mayor of Del Fierro that time was even more ready to help you and Adrian, Ara. If only—”
“I don’t want to talk about my parents death, Santi.” She cut him off, annoyed. “At least, not for now.”
“Oh! I'm sorry, I didn’t mean to upset you. Forgive me, My love.” Hingi nito ng paumanhin ngunit alam naman ng dalaga na salita lang iyon.
It was not a genuine apology.
“It's Okay.” She forced a smile. “Pero kung maaari ay ihatid mo na ako sa magiging silid ko—Oh!” Napatakip siya sa kaniyang bibig nang may maalala. “I'm sorry, Santi, nakalimutan ko ang Papá mo. Hindi ba’t dito rin siya nakatira?”
Tila nagyayabang na nagpatangu-tango ang binata. “Yes, Arabella. In fact, siya ang mentor ko sa pagiging alkalde ng Del Fierro.”
“Oh, that’s great!” Kunwa’y namamanghang bulalas ng dalaga.
“Though, I really don’t need his help anymore. Mapilit lang talaga ang Papá.” He chuckled. “Madaling trabaho lang naman para sa akin ang pagiging mayor dito kaya lang ay hindi ko naman kayang tanggihan ang tulong ng aking ama lalo na ngayong may edad na rin siya at madali na siyang magdamdam.” Paliwanag niyang may bahid ng kayabangan.
BINABASA MO ANG
Loving The CEO ✔
RomanceSPG | MATURE CONTENT | R-18 Five years ago, for her to provide for her brother's needs as well as her educational needs since she was still in college, she made a deal with a man. An agreement she never thought to make. Pumirma siya sa isang kasundu...
