[SEBASTIAN]
Matapos magpahinga ng dalawang oras, naisipan din niyang umalis sa rest house at maglakad-lakad sa dalampasigan. Gusto niyang tunguhin ang dati nilang bahay pero hanggang ngayon ay tila bangungot pa rin para sa kaniya ang mga bagay na labis na magpapaalala sa kaniya sa kaniyang pamilya.
Pero kailangan mo iyong harapin ..
Boses sa kaniyang isipan. Tama naman. Kailangan niyang harapin ang bangungot na iyon para makabangon siya unti-unti.
“Seb?” Mula sa buhangin ay nag-angat siya ng tingin sa tumawag sa kaniya. “Sebastian, hijo, Ikaw ba iyan?” Naniniyak na tanong ng matandang babae.
“Nana Nida ..” Hinakbang niya ang pagitan nilang dalawa at nananabik na niyakap ang matanda. “Isang Sebastian lang naman siguro ang may ganitong mukha hindi ba, Nana?” He half-joked.
“Ang batang ire’y,” Sinuri ng matanda ang kabuuan ni Sebastian. “Kailan ka nga ba dumating at hindi ka man lang nagsabi sa amin nang nasalubong ka sana namin ng Tata Teban mo sa aplaya.”
Napakamot sa ulo ang binata at nangingiting inakbayan ang matanda. Paano nga ba siya magpapaliwanag sa matanda?
Si Nida ay dating Yaya ng kaniyang kapatid na si Carla at nang mamatay ang kapatid at mga magulang ay sina Tata Teban at Nana Nida ang palaging nasa tabi niya at pinapalakas ang loob niya.
Matapos mailibing noon ang kaniyang pamilya ay nanatili muna siya rito sa Isla at ipinagbilin sa mag-asawa ang mga naiwan ng mga magulang dito lalo na ang bahay.
Kung hindi dahil sa Uncle Leonardo niya’y hindi niya gustong umalis dito dahil nasa isip niya noon ang paghihiganti pero naging mapilit ang tiyuhin dahil ipinadala siya sa america sa pag-asang doon ay makakalimutan ni Sebastian ang nangyari sa kaniyang pamilya ngunit hindi iyon ang nangyari dahil mas lalo lamang umusbong ang kasabikang maghiganti sa mga taong itinuring niyang diyablo.
“Ayos ka lang ba, hijo?” Untag ni Nana Nida sa kaniya. “Saan ka ba tumutuloy?”
Hindi alam ng matanda ang pagbili niya dito sa Isla ng isang rest house. Hindi rin iyon alam ng Uncle niya dahil tanging si Ramon at mga tauhan lang niya ang nakakaalam ng tungkol doon.
“I’m fine, Nana. Kumusta kayo? Si Tata Teban, pumapalaot pa rin ba?”
“'Ku, ang matandang iyon, napakatigas ng ulo. Kahit sabihan namin ng kaniyang mga anak na huwag nang pumalaot at matanda na’y hindi pa rin paawat.” aniya na tila napakabigat ng problema sa asawang si Teban.
“Nana, Kulang ba ‘yung pinapasuweldo ko sa inyo sa pagiging caretaker ng dalawang bahay?”
“Nako, Sebastian, sapat-sapat na iyon, hijo. Ang mga anak namin ay may mga maayos ng trabaho at dahil iyon sa iyo at kay Leonardo. Sadyang matigas lang ang ulo ng iyong Tata Teban palibhasa’y matanda na ngunit wala pa ring pinagkatandaan.”
Marahang natawa si Sebastian. “Akong bahala kay Tata Teban, Nana. Alam kong hindi niya ako matatanggihan kapag ako ang nagsalita.”
“Mabuti pa nga, hijo.”
Tumango si Sebastian. “Pauwi na ba kayo, Nana?”
“Hindi, Hijo. Dadaan muna ako sa isang bahay at pakakainin iyong aso roon.”
“Halika na, Nana. Sasamahan na kita. Bukas ay uuwi ako sa bahay.” aniya bago pa maghinala ang matanda at natitiyak niyang hindi nito magugustuhan ang pakay niya rito.
“Hijo, Kung hindi ka pa handa — ”
“Ayos lang ako, Nana. Huwag niyo akong intindihin. Hindi man ako handa, Kailangan pa rin. Hindi habang panahon ay kaya kong talikuran o takasan ang bangungot ko kaya mabuti pang ngayon palang ay matutunan ko nang harapin.” determinadong saad ng binata.
BINABASA MO ANG
Loving The CEO ✔
RomanceSPG | MATURE CONTENT | R-18 Five years ago, for her to provide for her brother's needs as well as her educational needs since she was still in college, she made a deal with a man. An agreement she never thought to make. Pumirma siya sa isang kasundu...