CHAPTER 26

4.7K 129 11
                                    

[ARABELLA]

"Huy, Ate!" niyuyugyog ni Adrian ang Ate Arabella niyang himbing na himbing pa rin sa pagtulog. "Gising na. Monday ngayon."

Tumaligid pakanan si Arabella at wala pa ring balak dumilat. "Ano naman kung Monday? Hayaan mo muna akong — ”

"Unang araw mo sa trabaho, Madam."

"Unang —Oh my god!" agad inalis ang nakabalot sa kaniyang kumot at umalis sa higaan. "Ano ka ba naman, Adrian! Alam mong Monday ngayon at unang araw ko sa work tapos hindi mo man lang ako ginising ng maaga?!"

"Tingnan mo't ako na nga itong nag-effort gumising ng maaga para gisingin ka tapos ako pa rin ang masama." Nakasimangot na ani Adrian. "Maligo ka na. Ihahanda ko na ang almusal mo, Ma'am."

Natawa siya sa itsura ng bunsong kapatid. "Salamat, Butchokoy."

"Will you please stop calling me names? Ang sagwa, Ate."

Her head was shaking as she let out a hearty laugh. “Masagwa? Bakit noong nasa isla tayo kahit anong itawag sa ‘yo ng Inay at Itay ay okay lang sa ‘yo? Bakit ngayon — ”

“Uhugin pa ako no’n!” pikong putol ni Adrian sa kaniya. “Ate, naman. Pumasok ka na nga sa banyo at maligo na O baka naman,” Tumaas ang kanang kilay ng binata. “gusto mong ma-late sa first day of your work?”

“Of course not!”

Nagmamadali ng lumabas ng kaniyang kuwarto si Arabella at tinungo ang kanilang banyo. Unang araw niya kaya hindi siya puwedeng maging pabaya. Kung hindi lang siya nasabik sa pang-aasar sa bunsong kapatid ay hindi niya sasayangin ang ilang minuto niya para sana makapaghanda.

Sana lang ay wala siyang ma-encounter mamaya na may dugong Cervantes dahil tiyak na masisira lang ang araw niya.

SHE surveyed herself in front of the mirror then a satisfying smile appeared on her red shaded lips. She’s wearing a high-waisted black pencil skirt that she matched with a white top. Sa suot niyang hapit na palda ay lumitaw ang magandang hubog ng kaniyang ibabang katawan.

“Ate, Ano na?! hindi ka pa ba tapos diyan?” sigaw ni Adrian mula sa kusina.

“I’m done!” She yelled back.

Isinuot niya ang kaniyang pumps at saka dinampot ang kaniyang shoulder bag sa ibabaw ng kaniyang dresser.

“Hi.” Nakangiting bati niya sa kaniyang kapatid na daig pa ang isang Kuya na napipikon na sa kabagalan ng kaniyang kapatid.

“Hi yourself. Umupo ka na at — ”

“Nako, hindi na. Ilang minuto nalang, late na ako. Kailangan ko ng umalis, Adrian.”

“Sandali!” Mabilis na naghanap ng food container si Adrian. “Babaunin mo nalang para may makain — ”

“Adrian, hey.” she giggled. “Sana ikaw nalang ang naging panganay sa atin kasi ginagawa mo na akong paslit.” natatawang aniya. “Huwag mo na akong intindihin, okay? Kung gugutumin ako, pupunta nalang ako ng canteen.”

“Sigurado ka?”

She nodded. “Yeah. Sige na, tutuloy na ako, Bunso.” aniya at nagsimula ng humakbang.

“Ingat, Ate!”

She waved her hand without looking at Adrian, “I will!”

Kinakabahan siya pero sigurado siyang hindi ito dahil sa unang araw niya sa trabaho kundi dahil sa hindi niya mawaring dahilan.

Bahala na.

PAGDATING niya ng Sky Hotel ay agad siyang binati ng isa sa mga security guard na ginantihan naman niya kaagad.

Loving The CEO ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon