6 years later ...
“Hi, My sweet Xyra.” nakangiting bati ni Sebastian sa first born nila ni Arabella na malapit na ring mag-apat na taong gulang.
Isang taon muna silang naging magkasintahan bago sila nagdesisyong magpakasal na. Hindi rin naman sila kaagad nabiyayaan ng anak matapos nilang makasal kaya nang sumambulat sa kanilang mag-asawa ang balitang nagdadalantao nga si Arabella’y labis ang kanilang kaligayahan hanggang sa ipanganak na nga ni Arabella ang isang malusog na sanggol. Si Baby Xyraine.
“Dada.. Dada ..” sambit ng bata habang pilit inaabot ang kaniyang ama. Gusto na naman kasing magpakarga rito. “Dada ..”
“Wait a minute, baby.” Ibinaba ni Sebastian ang hawak niyang attaché case sa couch bago hinubad ang suot niyang suit. “Nasaan pala si Arabella, Yaya?” pagkuwa’y tanong niya sa tagapangalaga ni Xyraine.
“Nasa kitchen, Kuya. May bisita raw po kasing paparating kaya magluluto sila ni Manang Aida ng marami. Sabi ko nga po ako nalang pero mapilit naman si Ate Arabella.”
He chuckled, “Hayaan mo na. Minsan lang niyang magamit ang mga natutunan niya sa pinasukan niyang culinary school kaya siyempre magpapakitang-gilas siya ngayon.” natatawa niyang sabi habang inaalala kung paano siya kinulit noon ni Arabella para lamang payagan niyang mag-enroll sa culinary school.
Dahilan pa niya, para raw magmukha talaga siyang housewife kapag mahusay na siya sa pagluluto. Kaya si Sebastian, wala ng nagawa kundi payagan ang asawa.
“Akin na nga ‘yang magandang bata na ‘yan.” Kinuha niya ang kaniyang anak mula sa yaya nito. “Sige na, ‘Ya, ako na ang bahala kay Xyra. Magpahinga ka muna kung gusto mo.”
“Salamat, Kuya, pero hindi naman ako pagod kaya tutulong nalang ako sa kusina.”
He nodded, “Okay, okay.”
“Dada..”
“Yes, Baby?” He kissed his daughter’s forehead and smiled lovingly, “Did you miss me? Hmm?” Naglumikot ang kamay ng kaniyang anak at pinagpapalo ang kaniyang mukha na ikinahalakhak nalang din niya. “Are you mad at me, anak?” he asked, pouting like a kid.
“Miss, Dada... miss..”
He smiled, “I miss you more, my princess. Wanna play with Daddy?”
“'es...pey..pey..”
Wala sa sariling humalakhak si Sebastian, “Bulol na prinsesa.” natatawang aniya bago pinupog ng halik ang kaniyang anak.
Natigil lang siya nang biglang mag-ingay ang buzzer sa front door.
“Nandiyan na sila!” boses ni Arabella. “Oh, Hi, love.” lumapad ang ngiti niya ng magsalubong ang tingin nila ni Sebastian.
“Seems like someone is excited.” nakangising puna niya bago hinalikan sa labi ang asawa.
She giggled, “You bet.”
Nakangiting nagpailing-iling si Sebastian habang sinusundan ng tingin ang asawang naglakad na papunta sa pinto. Maya-maya lang ay narinig na naman niya ang nakakarinding boses sa kaniyang pandinig.
“What’s up, Lil bro!”
“Damn you, Ed. Ano na namang ginagawa mo rito sa pamamahay ko?” matabang niyang salubong sa kaniyang Kuya Edward.
“Hey, sweet angel.” pinisil ng bahagya ni Edward ang pisngi ng kaniyang pamangkin, “Arabella invites me here. Nasa labas din si Ramon, si Adrian at ‘yong asawa niya.”
Pinangunotan ng nuo si Sebastian, “Bakit kayo inimbitahan ng asawa ko?”
“Poor you. Wala ka man lang ideya sa pinaggagagawa ng misis mo.” Edward tsked, “May surpresa raw. Inimbitahan pa nga sina Uncle Leo kaso hindi sila makakapunta dahil sinumpong na naman ng kaniyang rayuma si Aunt.”
![](https://img.wattpad.com/cover/202235614-288-k687780.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving The CEO ✔
RomansaSPG | MATURE CONTENT | R-18 Five years ago, for her to provide for her brother's needs as well as her educational needs since she was still in college, she made a deal with a man. An agreement she never thought to make. Pumirma siya sa isang kasundu...