[SEBASTIAN]
HINDI mawari ng binata kung bakit napakatigas ng ulo ni Arabella. Kung tutuusin ay hindi naman mahirap ‘yung trabaho nito as his personal butler pero kung makapaglayas ang babaeng iyon ay akala mo sobra siyang pinapagod ng binata sa pagtatrabaho. Hindi tuloy maipinta ang mukha ni Sebastian.
“Anong problema mo’t hindi ka mapakali riyan?” Tanong ni Ramon sa kaniya na kanina pa pala nahihilo dahil palakad-lakad si Sebastian sa kaniyang harapan.
“Shut up, Ramon.” He hissed. Wala talaga ito sa mood.
Ramon smirked. “Si Arabella na naman ba?” Tanong ni Ramon sa nanunuksong himig.
“Of course not!”
“C’mon, Seb. Masyado kang defensive, eh. Bukod sa boss kita, kaibigan rin kita kaya hindi mo kayang itago sa’kin ang mga baho mo.” Natatawang saad ni Ramon kaya napailing nalang din si Sebastian. “Alam mo namang halos isumpa ka na ni Arabella kaya wala ka ng pag-asang maibalik pa siya rito para pagsilbihan ka.” Ramon added.
“I don’t give a damn, Ram. We still need to do something to bring her back here.” Sebastian said seriously. “Lahat gagawin natin para mapabalik siya rito and when I say everything, I really mean it. Kapag hindi natin siya nakuha sa santong pakiusapan, kukunin natin siya sa santong paspasan.” Mapanganib niyang dugtong.
“Ano ba kasing mayroon sa binibining ‘yun at humaling na humaling ka sa kaniya?” Naguguluhang tanong ni Ramon sa kaniya.
“Fuck off, Ram. Hindi ako nahuhumaling sa kaniya kaya umayos ka. Just mind your own goddamn business.”
“You want me to fuck off and mind my own business yet you want me to help you with Miss Ravales? baliw ka ba?”
Bumuntong hininga si Sebastian at akmang sasagutin si Ramon ngunit hindi pa man nakakapagbitaw ng anumang salita’y bigla namang nag-ring ang teleponong nasa tabi lang ni Ramon.
“Answer it, Ram.”
Ramon nodded his head at mabilis na dinampot ang telepono.
“Yes, hello?” He answered. “Yes, yes he’s here. Okay, okay.”
Sinenyasan ni Ramon si Sebastian na siya ang gustong makausap ng caller kaya agad namang lumapit ang binata rito at siya na ang nakipag-usap.
“Speaking. Who’s this?” Bungad ni Sebastian.
“Sir, si Garry ito.”
“Alright. Any update?”
“Kasama namin ngayon ang isa sa kanila, Sir. Tumawag lang ako sa inyo para alamin kung anong gagawin namin dito o kung anong plano ninyong gawin sa kaniya.” ani Garry. Isa sa mga tauhan niyang tumutugis sa mga taong nagkasala ng malaki sa kaniya at sa pamilya niya.
He clenched his fist tightly, nails digging into his palm. “Nasaan kayo?” Tanong ni Sebastian in a cold voice.
“Nasa safehouse kami, Sir.” Tugon ni Garry sa kaniya.
“Bantayan ninyong mabuti ‘yang hayop na ‘yan, Garry. Make sure na pagdating ko riyan ay madadatnan ko pa siya.” Maawtoridad niyang utos. “Papunta na ako riyan.” aniya saka marahas na ibinaba ang awditibo.
“Problem?” Taas-kilay na tanong ni Ramon sa kaniya.
“Nahuli ng mga tauhan ko ang isa sa mga kampon ng diyablo, Ram, kaya kailangan nating magmadali bago pa makakilos ang mga kasamahan niya.”
Mabilis namang tumayo si Ramon at pinulot ang susi ng kotse ni Sebastian.
“Should I call a security to — ”
BINABASA MO ANG
Loving The CEO ✔
RomanceSPG | MATURE CONTENT | R-18 Five years ago, for her to provide for her brother's needs as well as her educational needs since she was still in college, she made a deal with a man. An agreement she never thought to make. Pumirma siya sa isang kasundu...
