CHAPTER 18

5.1K 144 16
                                    

[RAMON]

“Sir, here’s the blueprint you requested,” ani ng isa sa mga tao ni Garry. “Sa main gate tatlo ang bantay. Sa front yard may limang bantay at gano’n din sa backyard, Sir. Lahat sila ay armado ng mga automatic riffles at 45calibres.”

“Kayang-kaya na nating pasukin ‘yon, Jon.” Kalmante at siguradong saad ni Ramon habang sinusuri ang blueprint ng bahay ng mga Macaraig.

Bahay na katulad ng bahay nina Sebastian. Hindi basta-basta.

“Iyon ay kung matiyempong nagpapahinga ang mga kasambahay, hardinero, at ang cook, Sir, dahil kung hindi ay siguradong mapapalaban tayo kapag nakita nila tayo at isumbong tayo sa mga bantay.”

“It’s okay.” He sighed, “Sila rin naman ang nagsimula. Sige na, Jon, iwan mo nalang muna ako. Pakisabi kay Garry pumunta sa office ni Sebastian.”

“Sure, Sir.”

Tinanguan lang niya ang lalaki.

Dinampot niya ang blueprint at muling tinupi. Bitbit niya ito nang lumabas siya ng kaniyang opisina at magtungo sa office rin ni Sebastian.

“Ram?”

“Arabella, naman. Para kang pusang bigla nalang sumusulpot sa kung saan.” natatawang aniya. “Bakit?”

She shrugged her shoulders. “Wala naman. Ano ‘yang hawak mo?”

“Blueprint ng bahay ni Estong.”

“How did you get that?” She asked suspiciously.

Marahang natawa si Ramon, “Sabihin nalang nating nakuha ko ito sa isang matalik na kaibigan.”

“You're lying, Ram.”

“Sshhh,” He grinned, “Maiwan na kita. Kakausapin ko muna ‘yung asungot mong darling.”

“Heh!”

He chuckled, “Hindi ba’t — ”

“Aysos, Ram, sige na. Puntahan mo na at ‘wag na namang ako ang tuksuhin mo.”

Natawa nalang siya at iniwan na nga ang dalaga.  Nagpang-abot pa sila ni Garry sa may pinto kaya sabay na silang pumasok sa opisina ni Sebastian.

“May problema ba?” Tanong ni Sebastian sa kanilang dalawa ni Garry habang nakatuon pa rin ang atensyon sa harapan ng kaniyang laptop.

“Sir, parating ngayong gabi ang mga orders nating armas at sasalubungin nalang namin ng madaling-araw.”

“Well, that's good.” Isinara niya ang kaniyang laptop at tumingala sa dalawa. “Sikapin niyong ‘wag kayong makapagdala ng takot sa mga tao rito sa Isla, Garry. Ayaw kong maperwisyo O matakot sila. Idiretso niyo na rin kaagad ang mga armas sa armoury. Are we clear?”

“Yes, Sir.”

“Thanks, Garry. After that, I want you and your men to continue and focus on your training. Magsanay pa kayong mabuti ng mga tauhan mo para kapag dumating ang araw na inaasahan natin, Handang-handa na kayo dahil ayaw kong may mawala sa inyo ng dahil sa ‘kin.”

Ngumiti si Garry, “Don’t worry, Sir, tutupad kami sa pangako namin sa inyo.”

“Ako naman,” sabad ni Ramon saka inilatag ang blueprint sa table ng kaibigan. “Nakuha ko na ang blueprint kaya pag-aralan na natin at pag-isipan kung sino ang papasok doon.”

“Hindi natin kailangan ng tao ngayon. Kayang-kaya na nating tatlo ‘yan.” Puno ng kumpiyansang wika ni Sebastian. “Libangin niyo ang mga nasa gate at ako na ang bahalang pumasok doon.”

Loving The CEO ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon