CHAPTER 24

4.6K 143 11
                                    

[ARABELLA]

"Saan ka na naman pupunta, Ate?" Tanong ni Adrian habang pinapasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "Bakit bihis na bihis ka?"

Isang linggo na mula nang makabalik siya ng Maynila galing sa Del Fierro island at mula noon ay hindi na rin niya nakita si Sebastian.

"Rocks Hotel. Gusto ko ng bumalik sa trabaho ko, Adrian." tugon ng dalaga. "Kakausapin ko si GM Mendoza. Baka sakaling tanggapin pa niya ako."

"Okay. Mag-ingat ka, ate, o baka gusto mong ihatid nalang kita roon?"

Umiling ang dalaga, "Hindi na kailangan, bunso. Wala na ring panganib kaya ayos na. Wala na tayong dapat ipangamba."

Bumuntong hininga naman ang binata bago tumango, "sige."

She hugged her brother, "Babalik din ako kaagad. Maglinis ka na ng bahay bago dumating si Janelle. Nakakahiya naman sa girlfriend mo kung madatnan niyang parang hinalukay ang room mo."

Napasimangot at napakamot sa ulo si Adrian, "Ate, talaga."

Marahan siyang natawa bago naglakad palabas ng bahay. Nag-resigned na siya sa kaniyang trabaho pero umaasa pa rin siyang sana ay tanggapin muli siya sa hotel tutal naman ay wala na roon si Sebastian kaya babalik na sa normal ang lahat.
.
.
"Miss, sandali lang po. Ipapaalam ko lang kay Sir na nandito ka." ani secretary ni GM Mendoza.

Tumango naman si Arabella at hinayaan ang babae nang tawagan niya mula sa intercom si GM Mendoza.

"Pumasok ka na raw, Miss." pagkuwa'y anunsyo nito.

Tumango at ngumiti si Arabella, "Thank you, Miss Guiyab." aniya bago humakbang papunta sa glass door ng office ng General Manager.

"Hi, Sir. Good morning." Bati niya sa lalaking nakaupo sa swivel chair.

Agad naman itong nag-angat ng tingin sa kaniya. "Miss Ravales? You're here! What a surprise!" Nakangiting bulalas nito. "Have a sit." iminuwestra nito ang visitor's chair sa harapan niya.

Agad namang naupo roon ang dalaga, "Thank you, Sir."

His face became serious. "How are you, Ara?"

She smiled brightly, "I'm perfectly fine, Sir. Doing great actually but," She let out a deep breath. "I need a job, Sir, kaya nagbakasakali ako rito baka may available sa kahit anong position, Sir."

"Your position is waiting for you, Miss Ravales. Walang sinuman ang umupo roon dahil wala namang naging problema sa department mo at isa pa, utos ni Big boss na 'wag gagalawin ang dati mong posisyon." Mahabang paliwanag ni Mendoza.

"Sir, sinong big boss ang tinutukoy niyo?"

"Si Sebastian Cervantes." Nakangiting tugon ng huli.

Her eyes widen, lips parted. "Nagbibiro ka ba, Sir? akala ko ba VIP guest lang siya nitong hotel noon?"

"Kamakailan ko lang din nalamang siya ang may-ari nitong hotel dahil noon ay ayaw namang lumantad ng kung sinong nagmamay-ari nito."

"Sir, I'm sorry kasi," She stood up. "hindi ko na po babalikan ang dating posisyon ko at nagbago na rin po ang isip ko, Sir. Hindi na po ako magtatrabaho sa hotel na 'to."

"Pero, Ara, mahirap ng humanap ng magandang trabaho sa panahon ngayon."

She smiled. "I know, Sir, pero hindi naman po ako namimili ng trabaho as long as malinis ito at hindi ako mapapahamak and with my credentials, Sir, I'm sure matatanggap kaagad ako." Puno ng determinasyong aniya.

"Bakit ba ganoon na lamang ang pag-iwas mo kay Mr. Cervantes? May ginawa ba siyang hindi maganda sa iyo? Did he harassed you?" Sunud-sunod na tanong ni GM Mendoza.

Loving The CEO ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon