CHAPTER 25

4.8K 145 11
                                    

[ARABELLA]

“So, dati ka palang manager ng housekeeping department sa R.H. kung gano’n?” Tumango si Arabella sa tanong na ‘yon ng babaeng kaharap. “Pasok ang credentials mo sa panlasa ko but,” maarteng isinukbit ng babae ang buhok sa kaniyang tainga. “I want you to tell me more about yourself. Do you have a boyfriend?”

Mabilis na umiling-iling si Arabella. “Wala, Ma’am. Hindi kailanman ako nagkaroon.”

“Really? single since birth kung gano’n?”

She nodded. “Yes, Ma’am.”

Nagkaroon ako ng fiancé pero kunwari lang naman iyon.

Bulong niya sa kaniyang sarili.

“Ayos na rin naman po ako sa buhay ko kasama ang kapatid ko kaya hindi ko pipiliting magkaroon ng boyfriend and as of now, love is not my priority, Ma’am. Kung may darating, why not? Pero kung wala, okay lang naman po.”

“That’s right. Hindi nagkakalayo ang motto natin when it comes to hearts topic so I’m happy to announce that,” the woman smiled at her widely. “You’re hired!”

Napatayong bigla si Arabella, “Oh my god! Talaga po?”

“Yes, Miss Ravales. Gusto ko ng mga employees na katulad mo na hindi ang pakikipaglandian ang inuuna.” Nakangiting ani ng babae. “And by the way, I’m Meloshin Berman. Ang chairwoman nitong Sky Hotel at kapatid ko rin ang CEO nito. Si Melissa Berman.”

Nangunot ang noo ni Arabella. Bago siya tumungo sa hotel para sa interview niya, inalam na niya ang kaunting background ng hotel at nalaman niyang si Melissa Berman nga ang CEO pero wala namang info roon tungkol sa kapatid niyang Meloshin Berman ang pangalan at habang kausap niya si Meloshin ay napansin din niyang hindi nito kamukha si Melissa.

“Welcome to Sky Hotel, Arabella.” Pambabasag ni Meloshin sa pagmumuni-muni ni Arabella. “Medyo maarte ako pero hindi ako katulad ng kapatid kong ubod ng sungit kaya kapag nakasalubong mo si Melissa, iwasan mo ng mapansin ka lalo na kung mainit ang ulo niya.”

“Noted, Ma’am. Thank you.”

Tumango si Meloshin. “You will be supervised by Mr. Kim for the whole week and don’t worry, He’s easy to please. Wala kang magiging problema basta pagbutihin mo lang ang trabaho mo at sabayan mo na rin ng pakikisama sa mga colleagues mo.”

Malapad siyang ngumiti at muling tumango. “I will, Ma’am.”

“Good. So, that’s all, Miss Ravales. Magsisimula ka na sa lunes. Pumunta ka rito ng 7am sharp dahil kailangan mo pang pumirma ng contract sa HR department. Are we clear?”

“Yes, Ma’am. Noted po. Thank you so much.”

“You may go now, Miss Ravales. We’re done here.”

“Thank you, Ma’am.” Mabilis siyang tumalikod at lumabas ng opisina ng chairwoman na siyang umasikaso sa pag-interview sa kaniya.

Wala na siyang ibang masabi kundi ang puro pasasalamat. Finally, nakahanap din siya ng ibang mapapasukan. Hindi na niya kailangang bumalik sa R.H. kung nasaan si Sebastian.

Huminga siya ng malalim at saka pumasok sa Elevator at pinindot ang GF button. Pagdating niya ng ground floor, didiretso na sana siya palabas ng building ngunit sakto namang pagpasok ni Melissa Berman na nakasuot ng hapit na hapit na pink dress at kitang-kita na ang cleavage nito.

Napangiwi siya. Ganito pala ang outfit style ng CEO pero teka, kasunod lang niyang pumasok si Sebastian.

Oh my God! Kung makasalubong mo nga naman ang malas. Mabuti nalang at naunang dumapo ang suwerte sa ‘kin ngayong araw na ‘to.

Loving The CEO ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon