CHAPTER 30

5.6K 160 15
                                    

[SEBASTIAN]

HALOS paliparin na niya ang kotse niya kanina, marating lamang niya kaagad ang hospital. Ni hindi na niya inisip ang sariling kaligtasan sa daan dahil okupado ng mensaheng iyon ng kaniyang Kuya Edward ang kaniyang isipan.

Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Naninikip na para bang gusto ng sumabog sa matinding kaba. Ayaw niyang isipin pero hindi niya maiwasang isiping may nangyari ng masama kay Arabella at hindi pa man niya iyon nakukumpirma, pinanghihinaan na kaagad siya.

"Nurse, Nurse," tawag niya sa nurse na nakasalubong niya. "Iyong babae sa ICU —"

"Ah, nilipat na po sa morgue, Sir."

"M-Morgue?"

"Oo, Sir."

Pakiramdam niya'y kakapusin na siya ng hangin kasabay ng panghihina niya at kung paano pa siyang nakarating ng morgue ay hindi na niya alam.

Pabalya niyang binuksan ang pinto ng morgue. Nainis pa siya nang makitang maraming taong nakapalibot kay Arabella.

"Hoy, ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo ha?" galit na sigaw niya sa mga ito habang palapit sa kanila.

Nahinto naman sa pag-iyak ang mga naroon at binalingan siya ng naguguluhang tingin.

"Umalis nga kayo riyan." pinagtulakan ni Sebastian ang mga 'to.

"Ano ba?! Naghahanap ka ba ng gulo?" napipikang tanong ng isang lalaki na sa tantiya niya ay nasa kaniyang mid-40's.

Wala siyang panahon para sa gulo kaya minabuti nalang niyang lumapit sa bangkay. "Arab —where the hell is she?!" takang tanong niya nang makitang matandang babae naman ang nakahiga doon at balot ng puting tela ang kalahati ng kaniyang katawan. "Where's Arabella?"

"Sinong Arabella? Puwede ba, Mister—kung sino ka man," bahagya siyang tinulak ng lalaki. "umalis ka na rito at huwag mong guluhin ang pagluluksa namin sa aming inang kakapanaw lang. Konting respeto, pare."

Marahas siyang bumuga ng hangin saka iiling-iling na lumabas ng morgue. Wala si Arabella roon, kung gano'n, nasaan siya?

Dammit! Makakatikim sa 'kin ang nurse na 'yon.

Patakbo niyang tinungo ang nurse station. Mabuti nalang at hindi niya naabutan doon ang nurse na napagtanungan niya kanina dahil paubos na ang pasensiya niya't baka kung ano pa ang magawa niya sa babae.

"Nurse, nasa'n 'yung pasiyente kanina roon sa ICU? Si Arabella Ravales."

"Ah, nilipat — "

"Seb!" Boses ni Edward ang pumutol sa pagsasalita ng nurse. "Ano pa'ng ginagawa mo riyan? Halika na!"

Putang ina!

"Ano ba'ng nangyayari?!" He yelled, running out of patience.

Lumungkot ang mukha ng kaniyang kapatid, "Tara."

HUMINTO si Edward sa room 24 kaya napahinto rin si Sebastian at nagtatanong ang tinging pinukol kay Edward.

"A-Anong —"

"I'm so sorry, Sebastian."

"Kuya, ano ba?! Anong nangyari sa kaniya?!"

"Please be strong, Seb." ani Edward. "Sige na, pumasok ka na."

Nanginginig na ang kamay niya nang hawakan niya ang doorknob. "Kuya, hindi ko kaya .." sambit niya.

"Tatagan mo ang loob mo, bro. Sige na."

Ilang beses pa siyang nagbuntong-hininga bago pinihit pabukas ang seradura at gano'n na lamang ang panlulumo siya nang tumambad sa kaniya sina Ramon, Adrian at Janelle kasama ang ilang nurses, at doctor na nakapalibot sa hospital bed ni Arabella. Pare-parehong hindi maipinta ang mga mukha nila at alam na niya kung ano'ng ibig sabihin niyon.

Loving The CEO ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon