CHAPTER 16

5.1K 194 20
                                    

WARNING : SPG | MATURE CONTENT | R18+
( Basahin kung ikaw ay open-minded )

[ARABELLA]

*Tokk! Tokk! Tokk!*

Nahinto siya sa akmang pagsubo ng pagkain dahil sa mga katok na ‘yon. Wala naman siyang inaasahang bisita at isa pa’y gabi na rin.

“Sinong nandiyan?” Tanong niya nang makalapit siya sa pintuan.

“It's me.”

Her heart nearly went out from her ribcage when she heard Sebastian’s voice. Ilang araw na rin kasing hindi nagpapakita ito sa kaniya magmula nang araw na ihatid nila ni Ramon ang mga gamit niyang kinuha pa ng dalawa sa mga Macaraig.

“Sebastian!” She exclaimed gleefully as the door wide-opened.

A playful smile crept in the man's lips. “Ganiyan mo ba ako ka-miss, Darling?”

“Hindi ‘no. Ang kapal naman ng mukha mo. Natuwa lang naman akong makita ka.”

“Don’t deny the obvious, My Bella.” He said, chuckling. Lumakad ito palapit sa kaniya. “Kumusta ka naman dito?”

“Ayos lang naman. Medyo nakakainip lang dahil wala naman akong ginagawa.”

Bumuntong hininga si Sebastian bago humakbang papasok ng bahay. “Nandito ako para sunduin ka, Arabella.”

“What? But why?”

“It's not safe for you to stay here alone. Napag-usapan na namin ito ni Ramon. Mas mabuting sumunod ka nalang sa sasabihin ko, okay?”

“Gabi na, Baste.”

“Isang oras lang naman ang gugugulin natin sa daan bago marating ang bahay ng mga magulang ko.”

“Bahay mo na rin ‘yon.” giit ni Arabella at naglakad pabalik ng kusina. “Have you eaten already?” She asked.

Tango lang ang itinugon ng binata sa kaniya.

Bumuntong hininga si Arabella at naupo nalang sa dinning chair. “Bukas nalang ako lilipat, Sebastian. Masiyado ng gabi kaya umuwi ka na at bukas mo na ako uli sunduin.”

“Ayaw ko. Kung ayaw mong lumipat ngayon, Dito nalang din ako matutulog para may kasama ka.”

“Ilang gabi na akong natutulog ng mag-isa, Baste, kaya hindi ko na kailangan ng kasama ngayong gabi tutal lilipat naman pala ako sa inyo bukas.”

His eyes darkened as he stared at her. “Hindi mo ba talaga ako na-miss?”

“Ano bang klaseng tanong ‘yan ha? Wala namang dahilan para manabik ako sa’yo ‘di ba?”

Ngumisi lang ang binata at humakbang patungo sa silid ni Arabella. “Kumain ka na. Hihintayin nalang kita sa kuwarto.”

“Hindi ka puwedeng matulog diyan!”

“Shut up.”

Napailing nalang siya nang tuluyan nang pumasok ng kaniyang silid si Sebastian. Hindi na rin siya nagtangkang habulin at itaboy dahil napansin niya sa mukha ng binata kanina ang pagod.

*****

PAGKATAPOS niyang mag-dinner at magligpit sa kusina’y sumunod na rin siya kay Sebastian sa kuwarto.

She went to sit on the edge of  the bed. “Ano ba ang plano mo?” Tanong niya kay Sebastian kahit pa nakapikit na ito. “Alam kong gising ka pa, Baste, kaya sagutin mo ako. Bakit ngayon ka lang nagpakita sa'kin?”

Loving The CEO ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon