CHAPTER 21

4.5K 130 16
                                    

[ARABELLA]

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nakita niya at mas lalo ng nadagdagan ang galit niya sa mag-amang Macaraig pero kailangan pa rin niyang magpanggap at maging maingat dahil tiyak niyang marami pa siyang malalaman.

“Arabella, what are you doing here?”

Ngumiti siya at ipinalibot ang tingin sa loob ng Mayor’s office.

“I’m sorry to disturb you, Santi. Dumaan lang ako rito para sana magpaalam sa ‘yo.”

Santi stood up from his executive chair immediately and frowned. “Magpaalam? Saan ka pupunta?”

“Bibisita lang sa sementeryo. Sa puntod ng mga magulang ko.”

“Oh!” nagpakawala siya ng hangin at marahang tumawa. “Kinabahan ako. Akala ko aalis ka na naman at babalik na sa Maynila.”

She smiled sweetly while shaking her head. “Hindi. Nakausap ko naman ang kapatid ko at siniguro naman niyang ayos lang siya kaya hindi muna ako uuwi roon.”

“At hindi mo naman kailangang umuwi pa ro’n. You'll be my wife very very soon kaya hindi na kita papayagang umalis at magtrabaho dahil kaya naman kitang buhayin, Arabella.”

“Of course. You're the Mayor afterall.” sarkastikong tugon niya kay Santi.

“An only child also, Baby. Huwag mong kakalimutan ‘yon.” Buong pagmamayabang niyang wika. “Kaya kahit wala ako sa posisyon ko ngayon, Hindi ka pa rin maghihirap at magugutom sa piling ko.”

Tumango nalang siya. “Aalis na ako.”

“Isama mo si — ”

“Ayaw ko ng taga-masid, Santi. Hindi nalang ako aalis kung pasasamahan mo na naman ako ng isa sa mga tao niyo ng Papa mo.”

“Sige na, sige na. Hindi na kung ayaw mo basta mag-iingat ka, okay? Call me if you need my help. Ayaw kong makipag-usap ka kahit kanino lalo na sa ex-fiancé mo.”

She turned her back to him only to roll her eyes. “Nakita mo naman kung paano ko siya ipinagtabuyan ‘di ba?”

“I’m sorry, Baby. Hindi ko — ”

“It's okay. Tutuloy na ako.” aniya at saka mabilis na naglakad palabas ng opisina ni Santiago.

“I love you!” habol ni Santi sa kaniya pero nagkunwari siyang hindi ito narinig.

Bahala ka sa buhay mo, Santiago.

NAKARATING siya sa sementeryo— sa puntod ng kaniyang mga magulang at muli, nakadama na naman siya ng lungkot, pait, hinanakit, at galit. Mga emosyong gustung-gusto na niyang tapusin sa lalong madaling panahon.

Inilapag niya isa-isa ang dalawang bungkos ng bulaklak na hawak niya sa dalawang puntod na nasa kaniyang harapan at nagsindi ng dalawang kandila bago sumalampak ng upo.

“'Tay, 'Nay,” pinaglandas niya ang kaniyang mga kamay sa mga pangalang nakaukit sa mga lapida. “Sana.... sana nandito pa kayo— kasama namin ni Adrian.” Hinayaan lang niyang maglandas ang mga luha sa kaniyang pisngi. “Miss na miss na po namin kayo. Napapagod na rin po ako pero,” Her face became serious. “hindi ako hihinto. Hindi po ako titigil hanggat hindi ko pa kayo nabibigyan ng hustisya. Magiging tahimik lang po tayong lahat kapag nakita ko ng pinagbabayaran na nila ang ginawa nila sa inyo, ‘Nay, ‘Tay.”

Ngayon na alam niyang hindi totoong nadamay lang ang mga magulang nila ni Adrian sa pagpatay sa mga Cervantes noon, Titiyakin niyang magbabayad ang mga taong nararapat magbayad.

Loving The CEO ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon