Chapter 1

162 10 0
                                    

Franchetti Xerene's View



*kriiiiiiiing!*



Agad kong pinatay ang alarm clock ko at walang buhay na bumangon sa kama ko. Kanina pa ako gising actually. I'm just waiting for my alarm clock to ring para saktong 5:30 bangon ko. Nag-iisip lang ako kanina kung may isip ba ako o wala. Charot.

Katatapos ko lang kasi sa assignments na ibinigay sa akin ng mga kliyenteng nag-hire sa akin. Mahilap-hilap din ang mga 'yon. At dahil tinanggap ko lahat ang mga 'yon all at once, ayun, inabot ako ng ilang buwan.


Hindi pa nga ako nakakapag-enroll to be honest. Hindi ko kasi alam kung saang school ako papasok. Pero may napupusuan na ako. A co-worker of mine recommended that school to me. Halos magli-limang taon pa lang naman daw iyon since it was established. Bagong-bago pa. It was a private school at doon daw siya nagtapos sa kursong 'Assassination'. At ngayon ay ipinagpapatuloy na niya ang college.


Kaka-graduate ko lang ng college last year sa kursong Architecture. At ngayon, nag-iisip ako kung anong uunahin ko, doon ba o college muna ulit? Sabi niya sa akin, para daw talaga iyon sa mga katulad namin na gusto pang mahasa ang skills sa iba't ibang larangan. Two years lang naman ang itatagal mo doon. Sa loob ng 24 months, 2 months lang ang pwede mong maging bakasyon. Ikaw na ang bahalang maghati. Then 1 month semestral break. Kaso nga lang, kahit holidays may pasok ka pa din. Except for Christmas and New Year. For example, since may 2 months kang required na bakasyon, pwede mo iyong hatiin sa Christmas at New Year. Diba ang saya?



*Reminder! Reminder! You have an appoinment with Van Hexlock! I repeat, you have an appointment with Van Hexlock!*



Boses ko 'yan. Ginawa kong pang-alarm para huwag kong makalimutan.


Napa-buntong hininga ako at tumayo na saka pumasok sa banyo. Lumusong agad ako sa bathtub at binuksan ang shower.




Charot lang. Batya lang 'to na malaki saka gripo. Wala akong bathtub at shower. Poor kid lang ako, eh.




Pagkatapos kong maligo at habang nakababad sa batya ay tinuyo ko na ang sarili ko saka lumabas. Itinutok ko ang electric fan sa akin at humarap sa salamin. Inalis ko ang tuwalyang naka-balot sa katawan ko at sinuri ang sarili ko. Napa-hawak ako sa natamo kong sugat. Napa-buntong hininga naman ako at sinimulan na ang paglalagay ng benda sa balikat ko.


Binuksan ko ang drawer ko at kumuha ng underwear saka nag-jogging pants na kulay itim. Kinuha ko ang tube na naka-sampay at isinuot. Hindi ako nagba-bra. Naiirita kasi ako at hindi ako makagalaw ng maayos kapag may bra ako. Pakiramdam ko init na init ako, iritang-rita, at parang bulkan na sasabog sa sobrang uneasiness. Kaya nagtu-tube na lang ako. Sinuot ko na din ang sando kong kulay puti at sinimulan na ang pagsusuklay sa buhok ko. Nang matuyo-tuyo na iyon at sinimulan ko iyong itago gamit ang bonet kong itim. Para masigurado ay isinuot ko ng patalikod ang sombrero ko.



Pagkatapos ng mga ka-echosan ko ay tuluyan na akong dumiretso sa lalaking 'yon. Pumasok ako sa loob ng isang café. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap sa kaniya at agad siyang nilapitan.



"Are you Franchetti Xerene Covry?" Bungad niya agad. Ayos, ha. Hindi pa nga ako nakaka-upo, eh. Asar.


"Oo, ako nga." Sagot ko at umupo sa upuang nasa harapan niya.


"Someone recommended you to me." Sungit naman nitong lalaking 'to. Tadyakan ko siya palabas, eh. Ke aga-aga highblood.


"Is someone hunting you by any chance?" Tanong ko bago um-order. Pagkaalis ng waiter ay doon na siya sumagot.


"Yes. And I have a main lead already. It was a thief named Gerson Fucking Liorei. Hindi lang ako ang puntirya maging si France. Malakas ang kutob kong may nangyari sa kaniyang hindi maganda since isang taon na siyang nawawala." Seryosong sabi niya na ikina-tango ko naman.


"So, what do you want me to do?" Tanong ko. Nang dumating ang order ko ay agad akong kumain. Nagugutom na talaga ako. Feeling ko nga made-dedz na ako dahil sa hungriness, eh.


"Be a substitute." Sabi niya na ikina-taas ng kilay ko. Substitute?


"Substitute for what?"


"She promised me she will teach me things I didn't know. She's an agent. Or assassin. I can't tell. But I knew you are one like her. Hindi ka naman siguro ipapahanap at irerekomenda sa akin kung hampaslupa ka lang." Nainis naman ako sa way kung paano niya ako kausapin. Ako ba'y minamaliit niya, iniinsulto, o ano? 


"Talk to me nicely. Baka i-turn down kita." Inis na sabi ko at nagpatuloy sa pagkain. Asar. Kapag ganitong gutom ako huwag niya akong inisin. Baka lunukin ko siya ng buhay diyan.


"Whatever. Meaning, you'll teach me how to be an agent too. Or assassin. And the likes." Sabi niya na ikina-taas ng kilay ko. Natigilan ako nang tumunog ang cellphone ko. Agad kong binasa ang pagkahaba-habang text message. Napa-tango ako nang maunawaan ko ang lahat.


"Sige. Payag na ako. Pero hindi na kita sisingilin. Baka mamulubi ka pa sa mahal ng serbisyo ko." Sabi ko at itinago na ang cellphone ko. Napa-irap naman ang kupal na naka-cross arms pa.


Nakapag-desisyon na ako, "Mabuti pa, sabay na lang tayong mag-enroll doon." Nangingising sabi ko at winiggle ang kilay ko sa kaniya. Agad niya akong kinunutan ng noo at pagkatapos ay tinaasan ng kilay.


"It was a school for agents, assassins, and eklavus. Sure akong marami kang matututuhan doon. And don't worry, akong bahala sayo. Hindi kita pababayaan." Naka-ngiti kong sabi bago isinubo ang tinidor na may ulam. Hindi naman siya nagsalita. Naka-tingin lang siya sa akin ng blangko. Like: (・_・)


"Is being there safe?" Tanong niya. Nag-kibit balikat naman ako.


"Didn't know, yet. It will be my first time." Sagot ko na ikina-tango niya.


"Okay. Here's my calling card. Send me the address of that school. Let's be there together." Simpleng sabi niya at inilapag ang kapiraso ng papel sa tabi ng plato ko at umalis. Sinundan ko siya ng tingin at napa-ismid.


"Gwapo na sana masungit at arogante lang. Wala siguro siyang gerlpren. Or nag-break na sila?" Bulong ko. Tumingin ako sa calling card niya kuno at kinuha iyon.



Gervanni Lucrese Hexlock
      (0922-482-7298)



Ayos, ah. Angas ng pangalan niya. Hexlock? Pamilyar ang pangalan na iyon. Hindi ko lang alam kung saan ko narinig 'yon.



*** Kinabukasan ***


"I didn't know that I'll be starving 'til I tasted you~ Don't need no butterflies when you gave me the whole damn zoo~" mahinang kanta ko bago ayusin ang mga gamit sa bag kong pang-malupitan. Kinuha ko naman ang notebook kong may carrot prints saka binuksan.


"Susko! Due date na naman ng mga utang ko! Anak ng tipaklong naman, oh!" Gulat na gulat kong sabi bago ipang-kamot ang mga ngipin ng suklay sa ulo ko.


"Mabait naman si Aling Krung-Krung kaya baka pwede ko nang bayaran sa isang linggo 'tong utang ko." Bulong ko bago kuhanin ang wallet ko sa bag ko. Napa-kurap naman ako.


"Walang kwenta." Bagot na sabi ko bago itapon ang walang laman kong wallet. Kinuha ko pa ang isa kong wallet na naka-tago sa naka-lock kong drawer at binuksan.


"Nye!? 100 pesos!? Huta! Saan aabot ang isang daan na 'to!?" Namomroblemang sabi ko bago ma-i-untog ang ulo sa lamesa.


"BANSOOOOT! DALIAN MO NGA DYAN! NAMAN OH!" Tawag na naman ni Maxism sa akin dahilan para agad akong nabuhayan ng loob. Waaaaah! Hulog sila ng langit! *O*


"Tama! Mangungutang ako! Hihihihihhihi!" Tuwang-tuwang sabi ko bago ligpitin ang mga kalat ko at lumabas na. Kinuha ko muna ang lollipops ko sa ref bago magbukas ng isa at isinubo. Ang iba naman ay itinago ko sa bag.


"GOOD MORNING, MGA KAPRE!" Bati ko sa tatlong kapre na bagot na bagot na sa buhay nila.


"Anong kailangan mo? =________________=" walang ganang tanong ni Volt dahilan para awkward akong natawa.


"Hehehehehehe. Alam na alam mo na talaga, ano?" Nahihiya kong sabi na mas lalo nilang ikina-bored look.


"Kilala ka namin. Hindi mo kami babatiin kung wala kang kailangan." Realtalk ni Paris na ikina-hurteu ko naman. Hindi naman ako masasaktan kung hindi totoo 'yun, eh.


Magsasalita na sana ko nang kuhanin ni Volt ang kamay ko at naglagay ng cash 'don, "Manahimik ka na." Bagot na sabi ng taong nagdilang anghel ngayong araw. 


"MARAMING SALAMAT, KAPRENG VOLTAGE! YAHOOO!" Pagpa-party ko at nayakap sya dahil sa sobrang tuwa. Agad naman akong pumunta sa kapitbahay kong si Aling Krung-Krung at malakas na kinatok ang 50-50 na nilang gate.


"ALING KRUNG-KRUNG! TAO PO! ALING KRUNG-KRUNG! TAO PO!" Malakas kong tawag sa kanya at kinalabog ang gate nila.


"PUNYETA KA TALAGANG BATA KA! ANO NA NAMAN BANG KAILANGAN MO!? AGA-AGA MONG MAGHASIK NG KAINGAYAN!" Mas malakas nyang sigaw na ikina-ngiwi ko. Halos lumipad naman ang pinto nila nang buksan nya 'yon. And there! Si Aling Krung-Krung na madaming warts sa feslak!


"Kayo naman, Aling Krung-Krung. Magbabayad na ho kasi ako ng renta! Alam nyo naman, masipag akong bata at kailangan kong mag-aral ng mabuti. Nagmamadali ho kasi ako." Magalang at kalmado at mahinahon kong sabi para humupa ang galit nya. Mahirap na at hindi na ako maka-ulit. Mehehehehehe.


"Ganun ba? Teka, kumain ka na ba? Baka gusto mong mag-almusal dito sa amin?" Mabait nyang sabi na ikina-tirik ng mga mata ko. Pero agad ding ngumiti. Syempre plastikan lang 'to, ano. Kaloka!


"Hindi na ho! Baka ma-late pa ako. Para namang bukal sa loob nyo ang pagpapakain sa akin." Syempre bulong lang 'yung huli. Konting hawi ng hair para hindi halata.


"Ano 'yon?"


"Ha-ha! Wala ho! Sabi ko po, ito na ang bayad ko. Sa susunod po ulit! Paalam!" Sabi ko bago i-abot ang 3,500 sa kanya at mabilis na bumalik kina Maxism.


"Oh? Ayos na? Pwede na ba tayong umalis?" Walang gana nyang sabi na ikina-ngiti ko ng malawak at tumango.


"LET'S GOOOOO!"



~


"Nasaan na ba 'yung sinasabi mo? Ang tagal, ha!" Angal ni Paris na naiinip na. Hindi naman ako sumagot at nag-kibit balikat. Nandito kami sa labas ng campus. Hinihintay si Hexlock. Maging ako ay naiinip na din at nauubusan na ng pasensya. Ang usapan, 7:30 am. 7:35 am na pero wala pa din ang huta. Hutarages.


*beep! beep!*



Napa-tingin kami sa kotseng bumubusina sa amin. Agad na tumaas ang kilay nila. Pumarada ito sa bakanteng parking space na nasa harapan namin. Bumukas ang mga pinto. Oo, mga pinto. As in, driver's seat at passenger's seat.


"Tsk. Tagal, ha." Asar na sabi ko at kumagat sa hawak kong carrots. Agad siyang tumingin sa akin at umirap. Pumunta silang dalawa sa harapan ko. Ang isa ay parang elyen na patingin-tingin sa paligid. Si Hexlock naman ay bored na naka-tingin sa akin. Maya-maya ay tumingin ang kasama niya sa akin.



*BA DUMP!*



Wala sa oras akong napa-hawak sa dibdib ko.



H-Homaygash... Ang... Ang... ANG GWAPOOOO!!! Oh my gee. Ngayon lang ako nakakita ng gwapo sa tanang buhay ko. Shit, para akong hinihipnotismo ng mga mata niyang kayumanggi. Napakagwapo niya. Pakiramdam ko din ay parang nagpu-puso na ang mga mata ko ngayon. Napa-labi ako. Para na akong naglalabas ng steam sa ulo. Shit, naka-tingin pa din siya sa akin. Iyan na ba ang sinasabi nilang 'GWAPO'? Mukhang alam ko na ngayong nakita ko na siya (*/O\*).



"Hoy! Kinakausap ka!" Bulyaw ni Paris sa tenga ko dahilan para mabalik ako sa katotohanan. Masama ko siyang tiningnan bago siniko. Asar.


"Ano 'yon?" Tanong ko habang hiyang-hiya. Na-mesmerized ako sa handsomeness nya, ih.


"I said if this was the school you're referring to! At, hindi pa ba tayo papasok sa loob!? Ugh, I'm allergic to heat!" Pag-iinarte niya at nagsimula nang mag-martsa. Sumunod naman ang kasama niya sa kaniya. Habang kami ay nag-tinginan na lamang. Napa-kibit balikat ako habang sila ay umirap na lamang.


"I'm Franchetti Xerene Covry. Ito nga pala ang mga best buddies ko, sina Paris Kean Simons, Maxism Ford Lee at Voltage Xircuit." Pagpapakilala ko sa amin habang kasabay sila sa paglalakad.


"Yohanne Minuet Hexlock. His cousin." Tipid na sabi ng lalaking pasulyap-sulyap kong tingnan at tinuro ang isa pang Hexlock. Napa-labi ako at pinigilan ang pag-ngiti. Yohanne... Ang cute naman *><.*



"Waaah, Pikachu, nitatamad akong maglakad. Buhat mo 'ko." Paglalambing ko sa kupal at itinaas ang mga kamay ko. Tumingin lang siya sa akin at agad na umupo. Napa-ngisi naman ako at agad na sumakay sa likod niya.


"Napakatamad mo talagang Bansot ka. Buti nabubuhay ka pa?" Max. Asar. Siyempre mabubuhay ako. Mga alipin ko kayo, eh.


"Pinagsisilbihan niyo ako, eh." Naka-ngising sabi ko at inamoy ang buhok ni Pikachu.


"Ano shampoo mo, Pikachu? Hindi naman 'to 'yung naamoy ko kahapon." Sabi ko at sininghot-singhot pa ang amoy ang buhok niya. Umismid siya at iniwas ang ulo niya sa akin. Hindi niya ako sinagot. Himala talaga kapag dumaldal 'to.


"You weight a ton, Xerene." Sabi niya na nagpa-singhap sa akin. Wala sa oras ko siyang nabatukan.


"Ulol!" Asar! Alam kong mabigat ako, kailangan ba niyang ipaglandakan!? Nakakahiya kay Mr. Pogi!


"Bansot!" Tawag ni Paris sa akin at hinampas ako sa balikat. Wala sa oras naman akong napa-sigaw sa sakit. Pakshet! Pakshet! Pakshet! Ang sakeeeeeeeeeet!!


"Masa-MASAKIT 'YON!" Bulyaw ko sa kaniya at sinipa-sipa siya. Mangiyak-ngiyak naman ako. Malalim ang sugat kong 'yon. Buti nga hindi naputol ang braso ko, eh. Taena. Wala pa namang tahi 'to.


"I-It's bleeding!" Nanlalaki ang matang sabi ni Max at tinuro ang braso ko. Napa-tingin naman ako doon bago bored na tumingin kay Paris na natataranta na.


"S-Sorry, Bansot! Sorry! Sorry! Hindi ko alam! Shit!" Paulit-ulit niyang paghingi ng tawad. Masama ang tingin sa kanya 'nung dalawa habang ang Hexlocks ay nanonood lang sa amin.


"Let's head to the clinic first. Tsk. Ready yourself, Paris Kean." Pikachu. Binelatan ko naman si Paris at humagikgik. Patay kang bata ka.


~


"Mababaw lang naman 'to, eh :3." Naka-ngusong sabi ko sa tatlong halimaw na nasa harap ko, sinesermonan ako.


"Mababaw!? Tingnan mo nga 'yan! Tingnan mo! Mukha bang mababaw 'yan!?" Singhal ni Max at dinuro-duro ang sugat ko sa balikat na tinatahi na ngayon ng nurse dito.


"You're grounded."


"HA!?" Whut the---GROUNDED!? As in, no weapons!?


"May pasok pa kami. I already gave the directions to the two. Let's talk later, Franchetti Xerene Covry." Malamig na sabi ni Volt at pinasadahan lang ako ng tingin bago ako tinalikuran.


"Sandali lang! Pikachuuuuu---Aray!"


"Huwag po kayong malikot, Miss." Kalmadong sabi 'nung nurse at inayos ang pwesto ko. Nakagat ko na lamang ang ibaba kong labi at hinayaan ang nurse na 'to na tahiin ang sugat ko. Kainis. Na-grounded pa tuloy. Meaning, no weapons, no missions, NO WAAAAAR!!!


~


"Y-You're the Principal!?" Hindi makapaniwala naming sabi habang naka-nganga.


"A-Ako nga. Hehehehehehe." Sagot nya habang nanginginig. Oo, nanginginig! Pakshet! Isang ubo lang ata niya tatalsik na agad siya. Like---Waaaah! Bakit ganito ang Principal nila!?


Naka-jumper, panot sa gitna, maputi na ang buhok, at may tungkod na siya. Nanginginig-nginig na nga ang mga tuhod niya, eh. At sobrang payat niya din. 'Yung totoo? Kumakain pa ba siya?


"Master, maupo ka muna."



"WAAAAAAAAAAAH!!!" Sigaw ko sa sobrang gulat nang sumulpot ang isang lalaking naka-formal attire. Hindi ko makita ang eyeballs niya sa sobrang singkit niya. Napaka-elegante niyang tingnan.


"S-Salamat, Loco." Nanginginig na sabi ng Principal at umupo sa upuang hinila ni Loco daw para sa kaniya. Itinulak ni Loco iyon papunta sa table niya.


"Please take a seat, Newbies." Ani Loco na naka-tayo sa likod ni Principal. Nag-tinginan muna kami bago tuluyang umupo. Naaawa ako sa Principal. Dapat ay pinalitan na siya. Mukhang ang weak-weak na niya, oh. Ganito ba dito? Walang alisan kahit na napakahina mo na?


"Uhhhm, ako po si Franchetti Xerene Covry, P-Principal." Pagpapakilala ko. Tumango naman siya. Maya-maya ay umubo siya. Napa-ngiwi kami ng wala sa oras. Jusme, lumalagitik!


"Yohanne Minuet Hexlock."


"Gervanni Lucrese Hexlock."


"Ako si *ubong lumalagitik* Epipanyo. P-Principal Pips na lang." Sabi ni Principal na ikina-twinkle ng mga mata ko. Cooooooool!!! Ang cool ni Principal!!! ☆o☆


"Let me be the one to explain everything to them, Master." Magalang na sabi ni Loco na bahagyang naka-bow. He's so composed naman.


"G-Ganun? S-Sige bwa---*ubong lumalagitik*"


Napa-ngiwi ulit ako, "Mabuti pa ngang ikaw na lang, Boss." Sabi ko at tinabig palapit ang baso ng tubig kay Principal. Nanginginig ang kamay niya iyong hinawakan at ininom.


"Una sa lahat, welcome to Ivorie Creium University. ICU for short." Ack!


"ICU?" Tanong namin. *gloomy*


"Yes." Loco. Ack! Bakit feeling ko---Waaaaaaah! Pangalan pa lang halatang suki na ng ospital ang paaralang ito!!


"This is the very first school of assassins and agents here in this country---Philippines. Everything in here was confidentially hidden, 100% safe about info leakage, and with 24/7 service to it's students. All the things you need to know in assassinatings and agentry and spying and such are fully provided here. And if by chance, your skills and abilities will be sharpen here too." Panimula niya. Kami naman ay nakikinig ng mabuti.


"What will be your codenames?" Tanong niya at naglabas ng ballpen at papel. Agad na nangunot ang noo namin.


"Codenames?"


"Yes, students uses codenames here. Not their real names. In that way, everyone can recognize you easily. And one more thing, codenames are commonly used by assassins and agents to hide their identities." Loco.


"But everyone here are IT-skilled. Of course they can just check our backgrounds and know our names and real identities. Is this stupidity?" Vava Hexlock. Nagulat ako sa sinabi niya. Ang tapang naman niya! Sinasagot-sagot niya lang si Loco ng ganon!? Si Loco na Secretary ni Principal!?


"Yes. That's why we let students to use disguises. But no one does it. It's up to you if you'll use a disguise to hide your face. Wala namang masama doon." Sagot ni Loco sa kanya. Tumango-tango naman ako.


"Okay. Mine will be Silent." Ani Yohanne na walang ekspresyon. Napa-labi naman ako. Silent but deadly. Gosh, ngayon pa lang mapapatay na niya ako sa---



Erase! Erase! Erase!



"Mine will be Dragon." Seryosong sabi ni Vava na nagpa-question mark sa akin. Dragon?


Tumingin siya sa akin, "You have a problem with that?" Masungit at mataray niyang sabi sa akin habang naka-taas pa ang kilay. Irapan ko nga. Muntanga, eh. Asar.


"Disaster akin. Pakigandahan 'yung design at font, ha?" Request ko bago humalukipkip at itinaas ang paa ko sa lamesa ng Principal. Napa-hikab naman ako. Waaah~ Antoks na naman ako (-,  -).


Tumango si Loco at may kinausap sa intercom. Pagkatapos ay humarap na ulit siya sa amin. Ang desente niya talagang tingnan. So neat and well-dressed. Hindi katulad ng iba dyan na ang ang kakapal ng mga mukha pero mga dugyot naman.



"ICU have four ranks for the students. First, the Tyros," Panimula niya, "Since you're new here, your name plates will be bronze. Rank Tyro is the lowest. Because it was for the novices. Next, the Nobles. Third, the Elites, and the highest of all, the Counquerors."


"Just like from those common schools, we have four quarters too. And it was held after every 6 months. Oh, right. I forgot to tell. You are required to stay here for 2 years. 2 months will be given to you: it's up to you how you spend it. Vacation, leave, whatever. But don't worry, we held festivals too and celebrations just like those ordinary schools." Naka-hinga naman ako ng maluwag. 'Yun naman pala, eh.


"As a Tyro, here's your schedule." Tinanggap namin ang binigay niyang papel na kasing tigas ng cardboard. 6 am ang simula at 3 pm naman ang tapos. Bale, 10 hours kaming nandito sa school. Takte, sobrang aga naman!


"We give severe punishment to those who come late." Naka-ngiting sabi ni Loco na nagpa-kaba sa akin. At the same time, nagpa-excite. Magpa-late kaya ako? Hehehe. Charot lang.


"Actually, to be honest, no offence but, this school only allows boys." Wika niya na nagpa-tigil sa akin, "Boys are pretty aggressive and violent. Goodluck to you---"


"Pake ko?" Bored na sabi ko at nagtanggal ng mucus sa ilong. Takte, akala ko desente siya. Sa pananamit lang pala. Tch.


"So gross!" Pag-iinarte agad ni Dragon. Akala mo naman hindi siya nangungulangot. Ang arte-arte. Kaasar!


"Kelan kami magsisimula?" Tanong ko.


"Today if you want. If you have questions, feel free to go here---"


Pinutol ko ajg sasabihin niya at tumayo, "No thanks. May Customer Service na ako. Ngayon na ako magsisimula. Salamat." Kinuha ko na ang susi at isinilid sa aking bulsa at lumabas. Naramdaman ko ang pagsunod ng dalawa. Tumigil ako sa paglalakad at hinarang ang kamay ko sa harap nila.


"What's the problem---" hindi na sila natapos pa sa kung ano mang sasabihin nila nang dumaan ang kutsilyo sa harap namin. Tumingin ako sa gawi ng pinanggalingan 'non.


"SORRY!" Paghingi niya agad ng tawad habang sinasalag ang atake ng dalawa niyang kalaban. Tumango lang ako at naglakad na muli. Ngunit muli akong natigilan at lumingon sa dalawa nang maramdamang hindi sila sumusunod.


*trembling while pale*


"Masasanay din kayo. Just stick with me as long as you can. Makaka-survive kayo dito." Naka-ngiti kong sabi at sinenyasan na silang sumunod. Dumiretso kami sa locker room kung saan naroroon ang uniform namin. Pero ang nasa locker ko ay panglalaki. Agad kong tinawagan si Volt. Pero cannot be reach. Sinunod ko si Paris pero ang tagal sagutin.


Tinawagan ko si Max. Hindi nagtagal ay sinagot na niya, (Hello, Bansot---)


"MAXISM FORD LEE! Bakit panglalaki ang uniform na nasa locker ko!?" Salubong ko agad sa kaniya habang naka-pamewang. Asar, ha!


(Nak ng teteng naman, Bansot! Sakit mo sa tenga! Kuhanin mo sa Infirmary! Sila nagtatago ng uniform ng mga babae!) Agad ko namang pinatay ang tawag at pumunta sa infirmary. Binigyan nila ako ng tatlong set ng uniform at isang set ng Training uniform. Nilabas ko ang uniform ko at iniladlad.


。。  。。


( ̄ェ ̄')


"Ito na lang kukuhanin ko." Sabi ko at iniwan ang iba pa saka lumayas para magbihis.




I'd rather die than to wear that skirt.

The Dragon's Seal: DEATH after LIFE (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon