Chapter 41

40 2 0
                                    

Franchetti Xerene's POV

"L-Luna? Bakit hindi ka pa natutulog?"

Napa-pitlag ako sa gulat at agad na lumingon kay Vava na naka-tingin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya bago pumasok. Isinarado ko ang sliding door at humiga na ulit sa tabi niya. Mahigpit ko siyang niyakap at humiga sa dibdib niya.

"Va?"

"Oh?" Huminga ako ng malalim at marahan iyong pinakawalan.

"Wala, wala." Paano ko ba 'yun sasabihin... Uhhhm...

"Ano 'yon? Sabihin mo na." Enebe, Ve. Eng het ng beses me. Char. Gabing-gabi ang landi-landi mo, self. Hmmmmf.

"Paano kung mawala na ako? Ako pa din ba love mo o tatanggapin mo na si DEATH?" Tanong ko at tumingin sa kaniya. Agad siyang nagmulat ng mga mata at kinunutan ako ng noo.

"Anong klaseng tanong 'yan, Luna? Of course ikaw pa din ang mamahalin ko." Ayieeeeeee~ Patay na patay talaga sa akin si Vava~ *>______<*

"Pero Va, okay lang talaga kung mapupunta ka kay DEATH. Mas kampante ako kapag nasa kaniya ka. Tutal siya ang---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinalikan.

"Stop saying that, Luna. Stop pushing me to her. A-YO-KO. Ikaw ang gusto ko. Sayo lang ako. Ayoko sa kaniya. Never kong magugustuhan ang brat na 'yon dahil nandito ka. Nasa akin ka. Kailangan pa ba kitang suntukin para tigilan mo na ang pangbubugaw mo sa akin sa kaniya?" May inis na sabi niya at pinisil ang mga pisngi ko. Ngumuso ako. Muli niya akong hinalikan.

Hindi na lamang ako sumagot at sumubsob na lang sa leeg niya. Hinalikan niya ako sa noo at hinaplos ang buhok ko. Mahigpit niya akong niyakap. Ipinikit ko ang mga mata ko.

Hindi talaga mapalagay ang loob ko.

~

"I-Ikaw pala, DEATH..." may pagkagulat na sabi ko nang madatnan siya sa pool area. Nakatayo lamang siya habang may hawak na wine glass. Bahagya niya akong nilingon. Tumalim ang tingin niya sa akin. Napa-lunok ako. Lalapitan ko na sana siya nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon. An unregistered number.

Sinagot ko ang tawag.

"Sinong kupal 'to?" Kapag ito prank call, kikitilan ko 'to ng buhay.

[Should I answer you by saying 'I'm Liore' or I'll remain mysterious?] Natigilan ako. Napa-tingin ako kay DEATH. Naglakad ako palayo sa pool at pumunta sa garden.

"Hayop ka, Liorei. Anong kailangan mo!?" Madiin na asik ko sa kaniya at tumingin sa paligid. Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya na nagpa-init ng bongga sa bungo ko. Ang hayop na 'to...

[You clearly know what I need, Aloisia. Kailangan ko pa bang ulit-ulitin? I just want to talk to you. You know, I missed you---]

"Tanginamo, Liorei! Hindi ako nakikipagbiruan!"

[Chill, Milady. I called because we've received your gift. France's in critical condition. So, in return for harming our affiliate, we'll drop a bomb exactly in your house as our nice greeting. How's that?] Mapang-asar niyang sabi na nagpalaki sa mga mata ko.

[You can't hide from me, Milady. I have my eyes on you. If you don't like me, I'll make you want me. Or, I'll force you to be with me---]

"N-Napakademonyo mo talaga." Nanginginig ang boses kong sabi sa kaniya kasabay ng pangingilid ng mga luha ko.

Tumawa siya, [I really am, Baby. You're a demon too. We all know that. But anyways, I'll give you a week. I'm a busy person but I always prioritize you. That's how special you are to me. I'll be waiting you to come. ONE WEEK. Come to me, they'll live. If you won't, y'all will die. Fun, right? If you really value their life, you know what to do. Alright, I'm hanging up, Baby. See you.]

The Dragon's Seal: DEATH after LIFE (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon