Chapter 81

49 2 0
                                    

Paris Kean's View




The war ended and we won. I watch them as they have fun, after Dearil resurrected from her death. Slowly, I step back. Without them knowing and left without no one noticing.




Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Nakayuko lamang ako at parang isang taong walang buhay na naglalakad. Just like a homeless man na walang patutunguhan.




Tumigil ako sa harap ng nursery kung nasaan ang anak ko. Humawak ako sa salamin at pinanood siyang matulog kasama ang iba pang bata. Isa-isang nagsitulo ang mga luha ko. Maxine...was still nowhere to be found. At hindi ko alam...kung nasaan ang asawa ko. Manhid na manhid ang katawan ko dahil sa mga nangyari. Hindi ko magawang makapagsalita. Hindi ko magawang makapag-isip ng matino. Ano na lang ang gagawin ko kapag nawala si Maxine? Anong mangyayari sa buhay ko? Kung ang dalawang Max sa buhay ko ay parehas na nawala?





Maxism Ford Lee, napakadaya mong hayop ka. Bakit hinayaan mo ang sarili mo na mapatay? Ni hindi mo pa nga nabibigyan ng milyon ang inaanak mo. Ni hindi pa nga tayo nakakapag-inuman ng masaya at kasama ang lahat. Ni hindi ka pa nga nagkaka-girlfriend ni isa. Tapos mamamatay ka na lang basta-basta? Bakit?




Sino na lang ang kasama ko sa pang-aasar kay Volt? Sino na ang magiging best partner-in-crime ko? Max... Putangina naman, eh. Bakit ka nawala agad? Pare... Balit ka namatay agad?





"Sir Paris, are you okay?"




"No. No, I'm not. I'm not okay." Tanging nasambit ko bago naglakad palayo. Pinunasan ko ang mga luha ko at pumunta sa kwarto ng mga magulang ko.




"Paris..." tawag sa akin ni Dad. Lumapit ako sa kanila at parehas silabg niyakap.




"Can I cry?" Mahinang tanong ko. They tapped my back.




"Let it all out on us, son. Cry until you feel better." At naging hudyat 'yon upang maglabasan lahat ng luhang kinikimkim ko. At hinayaan lang nila ako. Wala silang iba pang sinabi bukod doon. Paraa akong batang nagsusumbong sa kanila. Kung paano namatay si Max. Kung bakit wala pa din si Maxine. Lahat. Ang sakit-sakit. Hindi lang kaibigan ang nawala sa akin kundi isang napakagagong tao na itinuring ko nang kapatid.






Sa sobrang pag-iyak ay bumigat ang mga mata ko. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko ngunit naroon pa rin ang bigat sa dibdib ko. Inihiga ako ni Mommy sa tabi niya at kinantahan ng nakakaantok na lullaby. Yumakap ako sa kaniya.




"The pain will go away. It will. Someday." Ang huling mga katagang narinig ko bago ako tuluyang nilamon ng kadiliman.





~




"We're deeply sorry, Sir, but Miss Maxine is still under search. We are now renovating the Palace, dispatched the Phantoms and cleaned all the blood they've caused and shed around."




"Anong klaseng paghahanap ang ginagawa ninyo, ha!? Hanapin niyo ang asawa kung hindi---"




"Paris!" Nagbabantang suway sa akin ni Dad kaya naibaba ko ang kamay ko. Malakas kong tinabig patabi ang Inspector at pumasok sa loob ng palasyo. Naglibot-libot ako sa paligid. Wala ni isang kwarto o lugar ang hindi ko pinasok at pinuntahan. They're also searching in the river nearby the Palace. Hindi ko sila pinapatigil sa paghahanap kay Maxine. They also get some blood samples mula sa mga dugong nakuha nila dito. At may isang nag-match.





Mas lalo akong nabahala at nangamba. Mababaliw ako kapag hindi ko pa nakita ang katawan niya! Ayokong mag-isip ng hindi maganda. Sinasabi ko sa sarili kong maayos lang siya. Na, buhay siya. Masisiraan ako ng bait kapag nawala siya sa akin! Hindi ko kakayanin kapag nawala siya. Ayokong... Ayokong mawala sa akin ang babaeng 'yon. Mahal na mahal ko si Max. Ayokong maiwan kami ni Kaitlin.

The Dragon's Seal: DEATH after LIFE (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon