Chapter 8

53 9 1
                                    

Franchetti Xerene's POV





"You... How can you sleep soundly every night?"





Napa-tingala ako kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko talaga mai-alis ang mga sinabi niya. I can feel that he's a good guy and the unfair society turned him to be like that. Paano nga ba? Paano nga ba ako nakakatulog ng mahimbing sa gabi? Wala ba akong konsensya?





"You kill for money. Can't you hear their cries too? Do you know how many lives you've taken mercilessly and heartlessly too?"




Naikuyom ko ang mga kamao ko at natakpan ang mga mata ko dahil sa sakit. Nasasaktan ako sa mga sinabi niya dahil totoo ang mga 'yon. Tagos na tagos sa puso ko 'yon na para bang isang kutsilyo na ibinaon sa akin. Pilit kong kinakalma ang mga kamay kong nanginginig. May nadagdagan na naman. May pinatay na naman ako. Para lang sa pera.




"I can hear it... I can hear them... I can..." mahinang sabi ko at pinunasan ang mga luha kong patuloy na lumalandas sa mga pisngi ko. Ngunit ayaw silang paawat. I have many reasons why. Kung bakit ito ang pinili ko. Pero hindi ko lahat maipaliwanag 'yon. Dahil hanggang ngayon, naguguluhan pa din ako. Ito ang gusto ko ng puso ko. Marahil, siguro, nababawasan ko ang mga makasalanan sa mundo? Kahit na maging ako, ang sarili ko ay napaka-makasalanan na. Masama ang pumatay. Pero wala akong magagawa. Naguguluhan ako sa gusto ng puso ko.





"Death is louder than anything in this world."





Marahil ay tama siya. Maraming takot at ayaw pang mamatay. Mamamatay tao ako pero takot din akong mamatay. Natatakot ako kung saan ako sakaling mapunta kapag namatay ako. Sa impyerno ba o sa langit? Kapag namatay ka, kahit gaano pa kalayo ang kamag-anak mo, pupuntahan ka nila maiburol ka lang. Pero 'nung buhay ka pa, lahat sila walang pakialam sayo. People will only love you and cry for you once you're dead. Once you fell in that infinite sleep.





"I'm having sleepless nights. They're haunting me even in my dreams. Everywhere I go, I could hear their voices. Everywhere I look, I could see everything tainted in red."





It must be happened cruelly to him. Honestly speaking, our past is sometimes the reason kung bakit nagiging kung ano tayo. If your past is tragic, maaari kang maging rebelde, you'll trust few, befriend few, or even no one. It will be hard for you to trust again. Because you've been traumatized. If it's abuse and violence, of course, it's either a killer, thief, bully, at iba pang masasamang hangarin. Dahil iyon ang nakamulatan mong environment kaya iyon ang itatatak mo sa isipan mo. But I salute to those who stays positive and surpassed all of them without even changing. It only means that person is strong, and so his wills are good, and he has a good heart.






Nasa kalagitnaan na ako nang pagdadrama nang may humarang sa paningin ko. It was Dragon. And as usual, naka-kunot ang noo niya sa akin. Naka-tingin siya sa akin as if ako na ang pinaka-tangang nakita niya sa mundo.





"Anong iniiyak-iyak mo d'yang Lesbian ka?" Nangunot ang noo ko dahil sa tinawag niya sa akin. Iniwasan ko lang siya ng tingin at nagpatuloy sa pagda-drama. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. Hindi ko siya kinibo. Anong kailangan niya? Kung nagi-guilty siya dahil sa kagaguhan nila, wala akong pakialam. Pinapakulo nila ang dugo ko.

The Dragon's Seal: DEATH after LIFE (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon