Chapter 23

48 4 0
                                    

Franchetti Xerene's POV

Isa-isang nagsitulo ang mga luha ko habang pinapanood silang dalawa. Para nitong dinudurog ang puso ko. Watching the man I treated as my world exchanging vows to his future wife, breaks me into pieces. Plus the fact they choose me as the maid of honor, durog na durog na ang puso ko.

Hindi ko mapigilan ang hindi kumikbi. Ang alaalang pilit kong binabaon sa limot ay muling nagbalik. That was my downfall. Their wedding. Napakasakit. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa din ako. They look so happy being together. Dapat ay ako 'yun, eh. Ako dapat 'yon.

"Raghkeid..." tawag ko sa pangalan niya habang pinapanood silang magpalitan ng sumpaan sa isa't isa. I saw myself excused herself at lumabas ng simbahan. I held my tightening chest at inilabas lahat ng luha ko. Raghkeid...

"I-I will be the maid of honor?"

"Yes! What do you think, Rin? I bet you will be more beautiful than my future wife." Natatawang sabi ni Raghkeid at umakbay kay Yanny na namumula ang mukha. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil doon. Napa-tingin ako sa sobreng hawak ko. A wedding invitation. Of the man I've been loving for so long and the woman he just met months ago.

"B-Bakit ako pa? Her bestfriend?" Hindi ko alam kung paano ko pa din nagawang magsalita sa kabila ng paninikip ng dibdib ko dahil sa sakit. Todo pigil ako sa sarili kong huwag umiyak habang pinagmamasdan ang wedding invitation na hawak ko. Ang sakit na ng lalamunan ko sa sobrang pagpipigil ng aking mga luha.

"She died in a car accident. There's no other woman we know other than you. So, can you? I'm sure matutuwa si Kuya." Ngiting-ngiti niyang sabi na nagpa-kunot sa noo ko. Gusto ko silang sigawan. Gusto kong sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko para sa kaniya. Gusto kong tumakbo, lumayo sa kanila, ikulong ang sarili ko sa isang lugar kung saan doon ko ibubuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko. Mahal na mahal ko si Raghkeid. Mahal na mahal ko siya...

"S-Sige! Kung wala na talagang iba, w-why not?" And that was stupid of me.

~

"AND I PRONOUNCE YOU, HUSBAND AND WIFE!"

Doon na ako tuluyang nasira. The priest's announcement was enough to kill me. To kill my heart. Sobrang sakit. Hindi ko manlang masabi sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. Pero paano ko sasabihin kung may asawa na siya? Kung sasabihin ko, may magbabago ba? Mamahalin niya ba ako pabalik? I don't think so. Because he's madly in love to that woman.

"Rin..."

"LIFE..." tawag ko sa kaniya habang patuloy ang mga luha ko sa pagtulo. Ngumiti siya sa akin at hinaplos ang buhok ko.

"Tahan na. Mas maganda ka pa din naman sa kaniya." Pagbibiro niya ngunit hindi ako natawa. Namamanhid ang katawan ko sa sobrang sakit. Naninikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga. Ang sakit-sakit.

"I love him so much, LIFE." Sabi ko sa kaniya at niyakap niya lamang ako bilang balik. Umiyak ako ng umiyak sa kaniya at wala siyang ibang sinabi kundi ang hayaan ako.

Hindi pa doon nagtatapos ang lahat. Yanny and Sera gave birth at the same time. Sera was LIFE's wife and she's an angel. Both of them gave births to a baby boy. Masakit but tinaggap ko na lang na hanggang dito na lang kami. Masaya ako para sa kaniya kahit nasasaktan pa din ako tuwing nakikita siyang masaya sa iba. Kapag wala akong trabaho ay bumibisita ako sa kanila. Babysitting the cousins.

"Ririn! Ririn!"

"HELLO, BABY FLYME ELYXIR!!" Bati ko sa napaka-cute na bata at hinagis siya pataas. Nang masalo ko siya ay agad siyang tumawa. Labas ang dalawang ngipin niya sa harap. Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi matawa. Sarap ibalibag sa sobrang kyut!

The Dragon's Seal: DEATH after LIFE (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon