Franchetti Xerene's POV
"Oh? Tapos ka na?" Tanong ni Max na sinusuotan ako ng medyas. Tumango ako saka humarap sa kaniya. Kinuha ni Paris ang pinggan ko saka hinugasan. Sumulpot naman si Pikachu na tapos nang ayusin ang bag ko.
"Bagal-bagal kumilos! Male-late na tayo!" Max.
"Penge tubig!" Sabi ko at tumingin kay Paris. Napa-ismid muna siya bago binanlawan ang kamay na puro sabon at binigyan ako ng tubig. Sinuot na ni Max ang sapatos ko sa paa ko habang ako ay iinom-inom lang ng tubig.
"Tara na!"
Sabay-sabay kaming lumabas ng bahay ko. Nang makandado ko ang gate kong kinakalawang na ay nagsi-sakay na kami sa motor namin at gumorabels na. Takte talaga 'tong traffic sa Pinas.Oras na siguro para mag-imbento ako ng flying cars...
"Una na kami sa room, Bansot! Sabay-sabay tayong uuwi mamaya, ha. Byeeeeee~" paalam ng mga bakla sa akin. Tumango naman ako at ngumiti. Pinat ni Pikachu ang ulo ko bago sumunod sa dalawa. Sinimulan ko nang tahakin ang daan papunta sa room ko.
"DISASTER!!!"
Agad akong napa-tingin kina Lucky at 3L na papalpit sa akin. Lumapit ako sa kanila. Hingal na hingal. Pawis na pawis, "Anong nangyari?" Tanong ko. Nagulat ako nang hawakan nila ako sa braso.
"Sumama ka sa amin! Emergency!"
"Ha? T-Teka lang----" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang agad nila akong hinila. Gulung-gulo ako pero walang lumabas na salita sa bibig ko. Hinayaan ko lang silang hatakin ako. Saan ba kami pupunta? At anong emergency ang sinasabi nila? Diba may usapan kami?
"SURPRISE!" *party poppers*
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at napa-awang ang bibig. Halos mabingi ako sa party poppers pero hindi ko iyon pinansin. Manghang-mangha ako. Lahat sila may suot na party hats. May mga Tyros na may hawak na mga cards na may: 'Thank you' at 'Happy Independence Day to Tyros'. May malaking cake din na hawak ng tatlong tao at isang wax figure---KO!?
"THANK YOU FOR FREEING US, DISASTER! WOOOOOH!!!" Sigawan nilang lahat. Lumapit si Yohannie sa akin at isinuot ang kulay pink na party hat. Speechless naman ako. G-Ginawa nila 'to para sa akin?
"A-Anong meron? Bakit...may party?" Naiilang na sabi ko at lumapit sa cake at tumikim.
*Q*
"Para sayo, Disaster! At para sa amin din dahil sa wakas, tapos na ang kalbaryo namin sa buhay! Finally, may matututunan na din kami! Pinalaya mo kami, Disaster! Kaya thank you ng marami!" Naka-ngiti nilang sabi na nagpa-awang sa bibig ko. Isa-isa akong tumingin sa kanila. Lahat sila ay maluha-luha na at halatang masaya. Napa-ngiti naman ako.
BINABASA MO ANG
The Dragon's Seal: DEATH after LIFE (UNDER REVISION)
Science FictionPrevious Title: Their Final Battle THE REVISED VERSION IS UP.