Franchetti Xerene's POV
Nang masigurong malinis na ulit ako ay inayos ko na ang sarili ko. Hindi na ako nag-abala pang maglagay ulit ng kolorete sa mukha dahil kahit wala ako 'non, hindi naman nila ako ma-a-appreciate. Sa katawan at mukha ko lang sila nagagandahan. Why bother to paint it again, right?
Nag-single ponytail ako at sinuklay pababa ang full bangs ko. Nang matapos matalian ng mahigpit ang mahaba at makapal kong buhok ay lumabas na ako. Pinagpagan ko ang itim kong pantalon at inayos ang suot kong crop top habang naglalakad pabalik sa field. Sa kaliwa kong kamay ay hawak-hawak ko ang bag ko. At sa kanan naman ay ang katana kung saan may tumutulo pang mga dugo. Huwag niyo nang tanungin kung anong ginawa ko. May nilinis lang ako.
"D-Disaster..." tawag nila sa akin na ikina-tigil ko sa paglalakad. Tumingin ako sa kanila. Walang emosyon, walang ekspresyon, hindi ko alam pero wala ako sa mood para ipakita sa kanila ang side ko na pagago-gago at lagi silang inaasar. Napapagod na din akong ngumiti at magkunyaring maayos lang ako kahit na sa loob-loob ko ay sirang-sira na ako. Hindi ko na kayang magpanggap pa na masaya at walang problema. Hindi ko na kayang i-please sila. Nakakapagod pala.
"Ano 'yon?" Tanong ko. Pero walang nagsalita sa kanila. Itinapon ko ang katana sa kanila na ikina-talon nila halos sa gulat at kilabot. Nanlalaki ang mga mata silang tumingin sa akin. Nag-kibit balikat lang ako at pumunta sa benches at inilapag ang bag ko doon. Gumawi ang tingin ko sa taga-ER. I saw Stitch being an outcast. Lahat sila ay nasa bench at siya lang ang nakatayo at malayo sa kanila. Patingin-tingin siya sa paligid. Pansin ko na para siyang may ginagawa sa kanyang likod. Nanlalaki ang mga mata niya at napaka-payat. Napa-taas ang kilay ko nang palapitin siya ni Slasher at bigla na lang sinaksak sa tagiliran. All of them laugh. Pero hindi ako natuwa.
Agad na nagtatakbo palayo si Stitch. Nakamasid lamang ako sa kaniya. Napa-dayo siya sa MorGue. Habang naglalakad ay may kung ano siyang kinuha sa bulsa ng sira niyang pantalon. Sinulid at karayom. Napag-tripan siya ng mga taga-MorGue ngunit hindi siya nanlaban. Nangunot lang ang noo ko bago nag-iwas ng tingin. Naghahanda para sa Forest na gaganapin ngayong hapon.
"Beg." Madiin na sabi ko sa lalaking nasa harap ko, isang Elite. Bigla akong nabagot kakahintay na humapon kaya naman kinaladkad ko 'to papunta dito para i-entertain ako. Pero wala din palang kwenta.
*bang!*
"KYAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!" Sigawan nilang lahat sa sobrang gulat. I just shrugged at tinago na ang baril ko at naglabas ng gunting. I went near to his blowed head, and cut his insides. Yes, this is what I do whenever I'm bored. I make some of my targets last long and kill them afterwards when I got bored.
"L-Lesbian...?" Natigilan ako sa ginagawa ko at napa-angat ng tingin. Nakita ko si Vava na nasa harapan ko. Halos masuka na sa nakikita at putlang-putla. Tumayo ako saka hinarap niya. Pinunasan ko ang tumalsik na dugo sa pisngi ko gamit ang balikat ko pero mas lalo lang ata 'yong kumalat.
"A-Are you okay?" Nanginginig niyang tanong at bumaba ang tingin sa kagagawan ko. Unti-unting bumagsak ang balikat ko dahil sa tinanong niya.
"I'm not." Diretsong sagot ko at nakipag-laban ng tingin sa kaniya.
"Is something bad happened? Why did you...kill him all of a sudden---"
"Because I'm bored. Wanna die too?" Mabilis na sagot ko at hinugot ang baril ko at agad na itinutok sa kaniya. I heard them gasped pero wala akong pakialam. Bakit? Bakit sila nagugulat? Hindi ba't ito ang gusto nila?
Ganito ang ugali ko dahil sa bawat araw, iba't ibang maskara ang sinusuot ko para lang maging isa ako sa kanila. Para ituring din nila akong katulad nila. Na isang tao. They are the ones to blame why I have this attitude. Their judgements, criticisms---I changed myself everytime and this is what I am now. Sila ang bumago sa akin hindi ako. I'm just hoping that they could accept me as me. Pero malabo na 'yong mangyari. Kasi naubos na ang lakas ko sa pagpapanggap. Minsan napapa-isip ako,
![](https://img.wattpad.com/cover/204311930-288-k216063.jpg)
BINABASA MO ANG
The Dragon's Seal: DEATH after LIFE (UNDER REVISION)
Science FictionPrevious Title: Their Final Battle THE REVISED VERSION IS UP.