Chapter 9 : Pile-up

45.3K 2.9K 1.8K
                                    

Chapter theme : By your side - Faber drive

Chapter theme : By your side - Faber drive

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Kung tutunganga ka lang diyan, sabayan mo na lang ako rito sa netflix."

I snapped out of my reverie hearing Reika's words. Natagpuan ko ang sarili kong nakaupo sa kama ko habang nakaharap sa mga libro at handouts na hindi ko pa nagagalaw.

Can I really do this?  I couldn't help but ask myself. 

First-semester pa lang pero pagod na pagod na ako, paano kaya kung actual duty na? This can't go on like this. Reika had a point.

"Hoy Silverianne!"

Nagulat ako nang makitang nakaapak na si Reika sa hagdan na nasa gilid ng kama ko. Hindi ko na siya napigilan pang umakyat. Tumabi sa akin ang loka-loka, hindi man lang natakot na baka gumuho bigla ang bunk bed dahil sa bigat namin.

"Sino iniisip mo?" She grinned.

"Crush ko," I said sarcastically.

Lalong lumaki ang ngisi ng siraulo. Naniwala. "Si Jethro?"

"Bakit ba lagi mo akong tinutulak doon?" Hindi ko na napigilang magtanong. Halatang-halata ko na ang galawan niya at alam kong naiimpluwensyahan na niya ang tatlong itlog. Lagi nila akong tinutulak at tinutukso kay Jethro eh 'di nga kami halos nag-uusap. 

Reika shrugged. "Ano bang nangyayari kapag kinikiskis mo ang dalawang bato sa isa't-isa?"

Napatanga ako sa tanong niya. Malay ko ba.

"Sparks, Silver. Sparks." She grinned, raising up her hands and opening them in an explosive manner. 

I rolled my eyes and sighed. "Better stop it, naiilang na 'yung tao."

Humalakhak si Reika. "Si Jethro? Tao? Pareho kayong bato uy!"

"Whatever. Just stop it," I said firmly.

"Kanino mo ba gustong mabugaw?" She asked mischievously.

"Sa crush ko." Pinagpatong-patong ko ang mga libro ko at isinantabi ito saka nahiga.

"Sino?!" Reika beamed. Parang naging kiti-kiti bigla. Humiga pa ito sa tabi ko kahit sobrang sikip na. Wala talagang takot mahulog sa sahig.

"Si Rukawa," pag-amin ko nang kaunti.

Biglang naglupasay si Reika na para bang nakagat ng asong may rabies. "Sinasabi ko na nga ba, crush mo si Jethro! Rukawang-Rukawa 'yon eh! Cold na magaling sa basketball!"

Mabilis akong napabangon at sinamaan siya ng tingin. "He's not a Rukawa."

"Eh sino ba siya?" Napabangon din si Reika, kunot-noo at gulong-gulo ang mahabang buhok.

"Jethro is Gori. Nakakatakot," sabi ko at sa isang iglap umalingawngaw ang napakalakas na tawa ni Reika. Madaling araw na at parang walang pake si Reika kahit mabulabog na ang mga kapitbahay. Siraulo talaga.

When the bridge fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon