Chapter 42 : Deal

45.7K 2.8K 2.5K
                                    


Chapter theme : In betwenin - Austn (Austin brown)

Chapter theme : In betwenin - Austn (Austin brown)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Jethro:

I'm sorry 

I was impulsive and selfish

I'm sorry if it seemed like I disrespected you but I swear on my life, it wasn't my intention

You have every right to be angry with me

But please know that I meant what I said

I'm really sorry



Isang linggo na pero binabalik-balikan ko pa rin ang huling message ni Jethro sa akin. Isang linggo na pero ramdam ko pa rin ang labi niya sa labi ko. Isang linggo na pero hindi pa rin ako makatulog ng maayos. Puchangama ka, Jethro Filimon. Makaapak ka sana ng pakshet. 

"Silver ano na? Makakasabay ka ba?" tanong ni Reika.

"Ha?" Mabilis kong ibinaba ang cellphone ko at umaktong kakain na.

"Makikiramay tayo sa pamilya ni Braylee mamaya," paalala ni Slade sabay turo sa ulam na gusto. Mabilis naman agad siyang sinubuan ni Reika. Sarap mang-asar pero baka karmahin ako nito kapag nagsagap na nila ang chismis. 

Tumango-tango na lamang ako. "Yeah... I was able to take a day shift at the hospital. Aabsent na lang ako sa lectures para magawa 'yon."

"Pero 3pm ang call time natin?" Reika reminded me.

 As if naman sasabay ako sa kanila. Malamang sa malamang, nandoon si Jethro. Idagdag pa ang mga malalanding hayop na siguradong walang ibang gagawin kundi asarin kami. Ugh. Kung hindi lang talaga para kay Braylee,  hindi ako pupunta.

 I feel so bad for Braylee. With how easy-going and cheerful she is, hindi halatang marami siyang problema. Losing her brother must be hell for her. I can't imagine losing Slade, too. 

"Sasabay ako kanila Bimby. Pupunta rin sila," sabi ko na lamang.

"Bimby?" Kunot-noong natawa si Slade. "Una Lucho, tapos ngayon Bimby? Sinong susunod? KC?"

"We have a Mela but I heard she'll transfer by the end of the school year." Reika shrugged and shifted her gaze towards me. "Since when have you been friends with Bimby, though?"

"Bimby is friends with Colette, Lucho, and Braylee. Classmates din kami noon sa isang minor subject." I shrugged, trying to play it cool. Di bale nang feeling close basta ayokong sumabay sa kulto ni Reika. Baka mauna ko pa silang mailibing kesa sa Kuya ni Braylee.

"Hindi ka ba talaga pwedeng umabsent nang sabay na lang kayong lahat? Malayo-layo pa naman 'yong sinasabi n'yong lungsod na pupuntahan ninyo," Uncle Rico asked as he walked up to our table with a plate full of fried chicken. Tiba-tiba na naman si Reika.

When the bridge fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon