"Hey there, pretty pirate," malanding pagbati sa akin ng isang customer na naupo sa bar stool. Gwapo nga malandi naman. Magsama-sama sila sa.
"What can I get you?" tanong ko.
"How about your number?" He grinned.
"Order or get lost," sabi ko at tumawa naman ang lalake. Akala niya nagbibiro ako porke't pino at kalmado lang ako kung magsalita. Sarap sikuhin nang magaya sa akin.
Sa halos isang taon kong pagt-trabaho sa club, sanay na ako sa mga gagong kagaya niya. Boss ko pa lang malandi na, ano pa kaya ang mga lasing na customer? Swerte ko lang dahil lagi akong sinasamahan ni Reika kaya minsan lang ako malapitan ng mga malalandi. Kaso mukhang minamalas ako ngayon dahil bukod sa gago si Tres at injured pa ang mukha ko, wala ring Reika na sumulpot sa club.
Saktong dumating sina Lucho at Warren na patawa-tawa at halatang lasing na. Lumapit agad ako sa kanila.
"What can I get you?" I asked, trying to ignore the discomfort brought by the gauze covering my right eye.
"Silver, anong nangyari sa mata mo?" Warren asked with concern. Lalo pa siyang gumwapo dahil sa pamumula ng kanyang pisngi at pamumungay ng kanyang mata. Gwapo pero hanggang doon na lang. Wala na akong pake.
"Sil, ilan to?" tanong ni Lucho sabay taas ng tatlong daliri. Anong akala niya sa akin? Bulag?
"What. Can. I. Get. You?" I asked again, this time firmly.
Sabay-sabay talaga akong sinusubukan ng mga tao sa paligid ko.
"Tatlong Rhum lang tapos dalawang lemonade spritz. Palagay lang sa tray. Salamat," si Warren ang sumagot. He seems like a really kind and hardworking guy but I won't be surprised if he turns out like Tres.
"Hey, ako ang unang umorder?" reklamo ng lalakeng malandi.
"Sandali!" I yelled at him. The guy then slowly caved to his seat, natakot yata sa akin. Buti nga.
"Mainit ulo natin ah?" Warren chuckled.
"Meron ka?" Lucho asked kaya mabilis siyang binatukan ni Warren. "I mean, meron ba kayong yelo?" mabilis na agap ni Lucho.
I rolled my eyes and fetched their orders.
Nang makaalis ang dalawa, binalikan ko ulit ang malandi at sa wakas nagbigay na ito ng order niya. Sigaw lang pala ang katapat.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses nang may kumausap sa akin dahil sa bendang tinakip ko sa black eye ko. Parang gusto ko na tuloy tanggalin pero tiyak mas pag-uusapan ako kung may makakakita rito.
Minsan talaga ang sarap manakal.
Panay ang pagsulyap ko sa relo ko, binabantayan ang oras dahil atat na atat na akong umuwi kaso parang pinagt-tripan ako ng tadhana dahil mukhang parami pa tuloy nang parami ang mga customer.
BINABASA MO ANG
When the bridge falls
General Fiction(FHS #5) Silverianne Villafranca only wanted one thing when she came to Filimon Heights - freedom. However, she got more than what she bargained for the moment she met the town's local rebel who comes with a crazy package.