Chapter 48 : Without a doubt

42.9K 3.1K 3.3K
                                    

chapter theme : lucky - chelsea cutler & alexander 23

chapter theme : lucky - chelsea cutler & alexander 23

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Jethro:

The game's about to start

No chance for you to come?


Silver:

Sorry, bawal talaga akong umabsent

Bawi lang ako


Jethro:

That's okay

tapsi later?


Silver:

Tita will pick me up 


Jethro:

maybe we can go out this weekend?



Magtitipa sana ako ng reply pero pero saktong dumating na kami sa arena na pagdarausan ng laro. Medyo maraming tao sa paligid kaya naman mas minabuti kong itago muna ang cellphone ko dahil baka mamaya madapa pa ako. Nakasuot pa naman ako ng nursing uniform ko.

"Rei? Are you sure about this?" tanong ko.

"When have I not been sure?" She grinned as she led me to the courtside bench. "Don't worry, Rosepike is fighting for third place. Hindi natin team ang kalaban so it won't be an issue, if that's what you're worried about."

"I'm not worried about that, I'm worried about the ball. Mamaya tamaan pa tayo sa sobrang lapit natin," giit ko. I've never sat courtside before so I don't know what to expect. 

Humalakhak siya. "You're a nurse. Ikaw na bahala sa akin kapag natamaan ako."

"Eh sino ang bahala sa akin?" tanong ko.

"Si Lord?" Napakamot siya sa ulo niya.

"Ewan ko sa'yo," sabi ko na lamang at pabiro siyang tinulak. Kahit kailan, siraulo pa rin si Reika De Juan.

Natigilan ako nang tuluyang maupo sa mismong gilid ng court. Kitang-kita mula sa pwesto namin ang kabuuan ng court, pati na ng kabuuan ng arena. Medyo nakakahilo lalo na nang tumingala ako at nakita ko ang mga bleachers na parang nasa himpapawid na dahil sa sobrang taas. Akala ko nakakalula kapag nasa taas, nakakalula rin pala kapag nasa baba.

"Silver, ikaw na mag-video kay Magno. Ako naman ang magche-cheer." Napatingin ako kay Reika at nagulat ako nang inilabas niya mula sa backpack niya ang isang camcorder at megaphone.

When the bridge fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon