Chapter 81 : Freedom

32.2K 2.3K 978
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"You want me to stay away from you? Sige, lalayuan na kita. Hinding-hindi na kita kakausapin o lalapitan. Bahala ka sa buhay mo, Filimon."

"Salamat sa paghatid, sana 'wag nang maulit. Puchangama ka. Ikaw 'tong nag volunteer na ihatid ako. Para kang tanga."


"Ba't ko sinabi 'yon?" Mangiyak-ngiyak ako sa loob ng elevator habang sinasabunutan ang sarili ko. Wala na akong pakialam pa sa CCTV camera, bahala na ang mga puchangamang makakakita.

Hanggang sa pagpasok ko sa suite, paulit-ulit ko pa ring minumura ang sarili ko.

Pagod na pagod akong bumagsak sa kama ko nang bigla na lamang may tumunog na kakaiba. Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ko pero wala namang tumatawag dito. Babalewalain ko lang sana pero patuloy pa rin ang tunog kaya naman bumangon ako.

Dumako ang tingin ko sa paper bag na nasa sahig at naalalang nasa loob nito ang damit kong duguan. Nanlaki ang mga mata ko nang maalalang nasa bulsa nga pala nito ang cellphone ni Jethro.

"Puchangama..." Lalo pa akong napamura nang makitang Mommy pa talaga niya ang tumatawag.

Inilapag ko lang ang cellphone sa kama at hinintay hanggang sa tumigil ito sa pagtawag. Kalaunan, huminto nga ito pero dumating naman ang isang mensahe.

ANAK, I'M SO WORRIED! PLEASE ANSWER! 

Muli, tumawag na naman ito kaya mariin akong napapikit at nagsisipa na lamang sa kama. Sa huli, huminga na lamang ako nang malalim at inagot ito.

"H-Hello po?" Nag-aalangan kong sagot.

"Sino ka? Bakit nasa iyo ang cellphone ng anak ko?" bulalas niya kaya bahagya ko pang inilayo ang cellphone mula sa tenga ko. She sure sounds panicked.

"S-Si Silver po." I tried to sound as polite as I could. "Naiwan po kasi ni Jethro--"

"Sa wakas, nahanap ka na din ng anak ko! Saan ka ba kasi nagsusuot, bata ka!" She cheered, much to my surprise. "Is my son asleep? Are you together again?"

Halos mabulunan ako sa sarili kong laway dahil sa narinig. Kanina lang ay alalang-alala siya tapos ngayon...

"Ah, naiwan lang po talaga ni Jethro tapos ako ang nakapulot," pagsisinungaling ko na lamang sabay tawa nang mahina. Dumadagundong na ang kaba ko sa bawat segundong kausap ko siya. I say the shittiest things when I panic, sana naman 'wag na akong pumalpak! Nakakahiya na!

"Ah I see..." She laughed, probably realizing her mistake. "So, how's my son doing?" she asked in an upbeat voice. 

Napatingala ako nang maalala ang pagb-break down ni Jethro kanina. Sobrang bigat na ng kalooban niya tapos dinagdagan ko pa. Ako ang totoong puchangama.

When the bridge fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon