chapter theme: point north - never coming home
2 years later
"Nurse Silver, 'yong boyfriend mo naghihintay na sa lobby."
Paupo akong bumagsak sa dulo ng locker room. Kakatapos lang ng 16-hour shift ko tapos heto na naman sila at sinusubukan ang pasensya ko. Isa talagang malaking sumpa ang pagiging pikon.
"For the last time, he's not my boyfriend." I sighed and closed my eyes, stretching my arms and legs.
"Sagutin mo na kasi. Ang tagal na niyang nanliligaw sa'yo," panunukso ng kapwa ko nurse na abala sa pag-aayos ng kanyang buhok.
"'Yon po bang mukhang foreigner?" tanong ng isa sa mga intern namin.
"Oo! Gwapo 'di ba? Ewan ko rito kay Nurse Silver at--"
"Kilabutan nga kayo." Tumayo na lamang ako at kinuha ang mga gamit ko. Nagpaalam na ako sa kanila at agad na umalis. I didn't bother to correct them anymore. Ilang beses ko nang sinasabi na magkaibigan lang kami ni Haji pero sila 'tong ayaw talagang maniwala. Bahala na sila.
Pagdating sa lobby, natanaw ko ang hayop na nakaupo sa waiting area. Dressed in a sleek black suit and aviator glasses, Haji was leaning on the wall with arms crossed. Sa dami ng mga kalokohan ni Haji, minsan talaga nakakalimutan kong gwapo siya.
His lips formed into a frown as he glanced at his Rolex. "Sino ka para paghintayin ako ng dalawang oras?"
I raised an eyebrow and glared at him from head to toe. "Ako 'yong nangangailangan ng bagong atay dahil sa pagiging lasinggero mo."
He stood up and grinned, placing his arm around my shoulder. "'Wag kang mag-alala, may laging naka-stand by na donor para sa'yo. Tara, inom!"
Mabilis ko siyang siniko dahilan para mapaatras siya at mapahawak sa dibdib niya. "Silver naman eh, lumalaki na ang dibdib ko kakasiko mo sa'kin. Sa susunod sa kabila naman, para at least maging pantay ang laki."
Ito talaga ang pinakaayaw ko sa tuwing nagbabangayan kami ni Haji. He ends up saying the stupidest things kaya imbes na magalit eh natatawa na lang ako.
"Umayos ka. Sawang-sawa na akong tinutuksyo sa'yo," sabi ko na lamang.
Ngumiwi siya, halatang nandidiri rin sa ideya. "Alam ko na talaga ngayon anong pakiramdam nina Sawyer at Reika. Kadiri."
***
"I6 hours 'yong shift ko. Ikaw na ang magluto. Pa samgyup, samgyup ka pang puchangama ka," inis kong bulalas dahil panay ang reklamo ni Haji habang nagluluto. Suki na kami sa restaurant na ito kaya hindi na bago sa kanila ang murahan namin.
"Hindi lang naman ikaw 'yong pagod sa trabaho, ako din naman," pangangatwiran niya.
"Mas pagod ako," giit ko at pikit-matang sumandal sa kinauupuan. "Maswerte ka dahil ikaw ang boss sa opisina ninyo."
BINABASA MO ANG
When the bridge falls
General Fiction(FHS #5) Silverianne Villafranca only wanted one thing when she came to Filimon Heights - freedom. However, she got more than what she bargained for the moment she met the town's local rebel who comes with a crazy package.