Chapter 3 : The Reika Package

57.4K 2.9K 1.6K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Nice! Buti naman at pumayag siya sa offer mo," Slade said triumphantly from the other line.

"She keeps flinching and yelping every time she sees me. Isa na lang at masasapak ko na siya," reklamo ko.

"'Baka tinatakot mo,"  biro niya. "Kailan daw siya lilipat?"  tanong niya.

"Lumipat na siya kanina," sabi ko naman. 

"Bilis ah?"  Napahalakhak siya. "So? How's your new roommate?"

"Ok lang." I shrugged. Other than the fact that she doesn't know how to cook just like me, wala akong problema sa kanya. Mukhang delikado nga lang ang kalusugan at bulsa namin nito.

"I gotta go. Today's my first day on the job," paalam ko.

"Congrats, Sil! I'm proud of you!" aniya kaya pinutol ko na ang tawag at binalik ang cellphone sa loob ng locker ko. Sinara ko ito at humarap sa salamin. Pinagmasdan ko ang sarili kong suot ang uniform namin - Isang black polo shirt at white tennis skirt. 

Napabuntong-hininga ako at itinali na lang ang mahaba kong buhok. Kung mapapaaway man ulit, bahala na. 


Paglabas ko ng locker room, nagtungo agad ako sa bar kung saan naroroon si Maru na nagmi-mix na ng inumin. Hihingi sana ako ng order pad at ballpen nang bigla kong natanaw si Reika na nakaupo sa isa sa mga bar stool at kumakain ng halo-halo.

Saktong lumingon sa akin si Reika. Nang makita ako, agad siyang nag-angat ng kamay at sinenyasan akong lumapit.

"Akala ko ba magne-netflix marathon ka lang sa bahay?" tanong ko nang lapitan siya. Nilakasan ko pa nang kaunti ang boses ko dahil sa sobrang lakas ng musika sa paligid. Masakit din sa mata ang mga neon strobe lights.

"Cohen's really making you guys wear that?" tanong niya sabay turo sa suot ko. 

"At least we're not being forced to wear high heels," sabi ko na lang.

Humarap ako kay Maru at hiningi ang mga kailangan ko. Habang kausap siya, narinig kong sumigaw si Reika.

"Over here!"

"Puchangama." Napangiwi na lang ako.

"Ha?" Natatawang tanong ni Maru nang inabot sa akin ang mga gamit.

"My bullshit sensors were triggered," sabi ko na lang.

Nang lumingon, nakumpirma ang hinala ko nang makitang papalapit ang pinsan niyang si Magno, ang tisoy na si Sawyer, at ang manyakis na bumbay. 

"Uy!" Sawyer and Magno both laughed and waved at me. Dali-dali namang nagtago si Haji sa likod ng mga ito na para bang takot na takot sa akin. Yeah, he should be scared. Isa pang pangmamanyak at kakalbuhin ko na siya.

"Una na ako," paalam ko na lang kay Reika. Mamaya masaksak ko pa sila ng ballpen ko.

"Hoy, kunin mo order nila!" bulalas ni Maru kaya muli akong napangiwi at umikot.

"Hindi ka masayang makita kami?" biro ni Magno nang maupo sa tabi ni Reika. Sawyer and Haji sat on the stools as well, Haji being the farthest from me.

"Hindi," pag-amin ko at nagtawanan naman sila. Akala yata nila nagbibiro ako. Mga tanga.

"Order n'yo?" tanong ko na lang kahit pa napansin kong pinagpapasahan na nila ang Halo-Halo ni Reika at kanya-kanya na sila ng lamon.

"Galit ka?" natatawang tanong ni Sawyer.

"Shh, 'wag mong galitin, mamaya manuno ka pa," biro naman ni Reika kay Sawyer.

I looked at her flatly kaya agad siyang ngumisi na para bang nagpapa-cute. Cute nga pero mukha namang tanga.

"Alam n'yo kung ano naiisip ko?" tanong ni Magno habang naniningkit ang mga mata at hinihimas ang kanyang panga. 

"Si Tenten?" bulalas ni Haji at nagtawanan silang lahat, maliban lamang kay Magno na agad napangiwi.

"Silver, pakikalbo na nga ang bumbay, promise di ka na namin aawatin this time," pakiusap sa akin ni Magno. Mabilis namang napatakip si Haji sa kanyang ulo, takot na takot habang nakatingin sa akin.

"Marurumihan lang ang mga kamay ko." I rolled my eyes.

"Hoy! Nakakasakit ka na ha!" Tumayo si Haji at dinuro ako ngunit nang tinapunan ko siya ng nababagot na tingin ay mabilis siyang naupo at nag-cross sign gamit ang mga hintuturo. Anong akala niya sa akin? Maligno?

"Ano ba ang naisip mo?" tanong ni Reika sabay siko sa pinsan niya. 

"Bagay sila ni Jethro, parehong parang bato!" bulalas ni Magno kaya halos mabilaukan si Sawyer lalo't kakasubo niya lang ng halo-halo.

"Hala oo nga!" Reika mused.

"Ipapakilala ka namin," komento ni Sawyer kahit pa halatang hirap ito sa pagsasalita dahil sa may lamang bibig.

"Kawawa naman si Jethro!" Suminghal naman ang bumbay.

I rolled my eyes once again. Mga wala talagang kwentang kausap kaya naman umalis na ako at nagtungo na lamang sa table ng mga bagong dating na customer. 


Dahil may live band, natural lang na jam-packed ang buong club. Mula nang magsimula ang shift ko, hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na maupo dahil sobrang dami ng mga gawain. Nakakapagod pero inisip ko na lang ang perang kikitain ko. 

"Silver, go to VIP Booth 2. Sa'yo lang daw ibibigay nina Magno ang order nila," Maru said while his hands were busy mixing drinks. 

"Puchangama." Napairap na lang ako. Napaisip tuloy ako kung tama bang kinuha kong roommate si Reika. I had no idea she would come with an annoying package. 

Biglang tumunog ang bell sa kusina hudyat na may kalalabas lang na pagkain kaya napabuntong-hininga na lang ako at dali-daling nagtungo rito. Pagkakuha ng tray mula sa window counter, umikot ako at laking gulat ko nang makita si Haji na nakatayo sa harapan ko at may hawak na rosaryo. Nakataas ito at nakalevel sa ulo ko.

His face was red, he looked drunk as strobe lights shined on his face.

"What the hell are you doing?" I asked him with my usual monotonous voice.

"Hindi tumatalab sa'yo?" he asked, eyes open wide. "S-sabi ni Reika tatalab daw 'to sayo..." Nanginginig niyang dagdag.

"Get. Lost." I glared at him. 

Mabilis itong naglakad palayo, takot na takot at hawak-hawak pa rin ang rosary.

I noticed how red his face was. Malamang lasing na kaya nagpapaniwala sa kung anong pinagsasabi ni Reika. 

"Ugh, ano na naman kayang pinagsasabi ng impaktang 'yon?" Napabuntong-hininga na lamang ako habang sinusundan ito ng tingin palayo.

"Hopefully it's not in English."

Mabilis akong napatingin sa harapan ko at nakita kong may lalakeng nakatayo sa tapat ko. Nag-angat ako ng tingin at nanigas ako sa kinatatayuan nang makita ulit ang lalake mula sa city library.

He was sporting the same heart-stopping smile. His eyes seemed to glimmer in the dimly lit club.

"This is my order right here. Thanks!" He chuckled and took the tray out of my hands, leaving me standing still and lost in his smile.



| End of 3 - Thank you! | 

When the bridge fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon