Chapter 43 : Beware

45.4K 2.5K 1.7K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


10 pm na pero kararating pa lang namin sa bahay nina Braylee. Sa kabila nito, pansin kong marami pa ring tao sa loob at labas ng bahay. Maingay ang paligid, may nagtatawanan at may nag-iinuman pa. Kung hindi ko lang alam na may pinaglalamayan, aakalain kong nasa isa kaming pista o birthday party. 

"Your cap is still on," paalala ni Jethro bago pa man ako makalabas ng sasakyan.

"Oh." Mabilis ko itong tinanggal. Mabuti na lang at pinaalala niya. 

Bukod sa white cap, kinalas ko na rin ang pagkakatali ng buhok ko. Dahil sa buong araw nitong pagkakatali, naging sabog at medyo kulot ang mahaba kong buhok. Inayos ko na lamang ito gamit ang mga kamay ko.

"Don't laugh when you see Sawyer," sabi niya kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Pwede ba, 'wag mo nang ipaalala? 'Pag ako natawa do'n, humanda ka sa'kin," pagbabanta ko.

Jethro chuckled while shaking his head. Nauna siyang lumabas ng sasakyan. Ayokong pagbuksan na naman niya ako ng pinto at makita ng mga ulol kaya naman dali-dali rin akong lumabas.

Pagpasok pa lang namin sa picket fence, napansin ko agad ang kalakihan nilang hardin na may dalawang set ng swing at seesaw — okupado ito ng mga taong nagk-kwentuhan at nagtatawanan. Medyo maliwanag kaya pansin kong ang ilan sa kanila ay mugto ang mga mata at lumuluha pa. They're probably Bryan Emanuel's friends.

Kalaunan, napansin ko ang isang malaking outdoor shed na nags-swing nang ubod nang lakas at bilis. It's a round-shaped swinging shed with two benches facing each other. I can hear the clanking of the metal bars and laughter of the people inside as it swung aggressively. Napangiwi ako nang mapagtantong sina Reika ang nasa loob nito.

"Idiots," Jethro said and I couldn't agree more.

Parang ano mang oras ay masisira na ang shed at titilapon ang mga siraulo dahil sa lakas ng pag-swing nila rito. Hindi masyadong malaki ang swing, parang sapat lang sa apat na tao kaya halatang nagsisiksikan sa loob sina Reika, Slade, Haji, Sawyer at Magno. Injured pa sina Slade at Magno sa lagay na 'yan. Naghahanap talaga sila ng sakit ng katawan.

"Tara na bago pa nila tayo makita." I pushed Jethro lightly at tumango naman siya.

Pagpasok sa loob, nakita ko sina Braylee at Denver na nakatayo malapit sa kabaong. Matamlay at punong-puno ng kalungkutan ang mga mata ni Braylee pero nagawa pa rin nitong ngumiti habang kausap ang isang matandang babae; mabuti na lang at nasa tabi niya si Denver upang umalalay. 

Nag-uusap pa sila kaya hindi ko magawang lumapit. Napatingin ako sa gilid ko at nagtaka ako nang wala na si Jethro sa tabi ko. Lumingon ako at nagtaka ako nang makita ko siyang nakatayo pa rin malapit sa pinto, nakatulala lang at para bang nalulunod sa sariling pag-iisip. Sanay na ako sa malamig niyang mga mata at walang emosyong mukha, pero may iba sa pagkakataong 'to. May mali.

When the bridge fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon