Chapter theme : Quite like you - The script
08:56 PM
Jethro:
Are u at the rosepike pep rally?
Silver:
Sina Slade at Reika lang
di na ako sumama
Jethro:
Masama pakiramdam mo?
Silver:
Nope
It's my day off, I don't want to be around drunk people
r u there?
Jethro:
Paalis na rin
I just came by for formality
Silver:
ah
Jethro:
Dadaan ako tapsihan
sama ka?
Silver:
tinatamad ako
pass muna
Jethro:
ok
Hindi ko na alam anong isasagot kaya hindi na ako nag-reply. Itinuon ko na lamang ang atensyon sa pagre-review at paminsan-minsang sulyap sa TV na ginagawa kong background noise.
Makalipas ang halos isang oras, biglang may nag-doorbell.
Wala akong inaasahang bisita lalo na sa ganitong oras kaya naman sumilip muna ako sa bintana. Hindi ko maaninag dahil masyadong madilim malapit sa gate kaya naman napilitan akong lumabas na lamang.
"Napadpad ka?" bulalas ko nang makita kong si Jethro pala. Muntikan pa akong matawa nang makita ang walang emosyon niyang mukha na nasa gitna ng mga railings.
BINABASA MO ANG
When the bridge falls
General Fiction(FHS #5) Silverianne Villafranca only wanted one thing when she came to Filimon Heights - freedom. However, she got more than what she bargained for the moment she met the town's local rebel who comes with a crazy package.