Chapter 77 : Never again

32K 2.3K 1K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


I tried to keep a straight face during Reika's memorial. Everyone that she ever loved was able to attend, except for her horrible Grandfather. God knows where that old man is and where he hid her corpse.

Lahat ay nakasuot ng itim, kagaya ng paboritong kulay ni Reika. Lahat ay malungkot at lumuluha, sa kabila nito ay may ngiti sa kanilang mga mukha habang pinag-uusapan ang mga alaala niya. 

Nasa kitchen ako at abala sa pagti-timpla ng kape nang bigla na lamang pumasok ang lumuluhang si Haji.

Halata ko ang pagpipigil ni Haji sa paghagulgol. Mukha siyang isang batang sinisinok habang lumuluha. Lumapit na lamang ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit habang tinatapik ang likod niya.

"It's okay, Haji. Don't hold back. Just cry it out." I looked up at the ceiling, trying to keep myself together. 

"I..." Tuluyan siyang napahagulgol. "I was so rude to her the last time we talked. P-parang namura ko pa siya... H-hindi ko dapat ginawa 'yon..."

Umiyak siya nang umiyak kaya pinikit ko na lamang ang mga mata ko nang mariin. "K-kilala ka ni Reika. She doesn't hate you. That girl loves you. Not as much as she loves me, but she loves you."

Lalo siyang umiyak at nanginig dahil sa sinabi ko. "S-Silver!"

Bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si Stacy na namumugto rin ang mga mata. She smiled apologetically and grabbed Haji by the arm. "Hey, Silver is busy. Tara, doon na tayo."

"It's okay." Tumango ako pero tipid na ngumiti si Stacy at umiling. I appreciated the warmth in her gesture. 

"Iinom tayo pagkatapos..." Mangiyak-ngiyak na pagyayaya ni Haji.

"Shh!" Marahang saway ni Stacy at ngumiti ulit sa akin na para bang humihingi ng tawad para sa inaasal ni Haji.

Hindi nakainom pero mukhang lasing si Haji sa kalungkutan. Walang kabuhay-buhay siyang naglakad palabas ng kusina habang inaalalayan ni Stacy. 

Nang tuluyang mapag-isa, hinang-hina ang mga tuhod ko kaya napaupo na lamang ako. Huminga ako nang malalim, paulit-ulit. Nang parang nakabawi na ako ng lakas, pinagpatuloy ko ang ginagawa. 

Dala ang tray ng mga kape. Lumapit ako sa mga magulang ni Reika. Tita Abbey hasn't slept and ate for days, Tito on the other hand is restless in his fight to get Reika's corpse. Nakaupo sa pagitan nila ang umiiyak na si Drummer pero sa kabila nito ay kita ko pa rin ang kalituhan sa mga mata niya. Tito already told her that Reika's dead but he just can't seem to understand everything. Maybe it's because he's only five and this is his first time dealing with it.

"Silver, maraming salamat." Tita Abbey held my hand weakly. She couldn't even fake a smile.

Tumango ako. "A-anything for family."

When the bridge fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon